CHAPTER 19 :)

48 4 0
                                    

"WOMEN always worry about the things that MEN forget. But MEN always worry about the things WOMEN remember.

~Albert Einstein

--------------------

JUNIEL's POV

Kahit sinabi ko na kay Andy na okay na ang pakiramdam ko eh, di parin siya pumayag na hindi kami pupunta sa doctor kaya wala na akong nagawa pa ng ipagpilitan niyang pumunta kami sa doctor ngayon para daw malaman ko kung bakit ako nahihilo at kung bakit laging masama ang pakiramdam ko.

Were on our way to the hospital. Moderate lang naman ang traffic - and di niya ako hinayaan na ako ang magda-drive kasi pag daw nalaman nila Mommy at Kenneth na ako ang nag-drive ng sasakyan, sigurado daw na siya ang malalagot.

"Sis, diba ang sabi mo lagi kang nahihilo tapos nagsusuka ka. Tapos nagpapa-check-up ka sa doctor, pero di mo alam na buntis ka?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Andy.

"Ngek! Di pa naman sure kung buntis ako. Baka nasobrahan lang ako ng kain kaninang breakfast. Kasi si Kenneth, ang dami-daming niluto. Sayang naman kung di mauubos diba?" Sagot ko naman kay Andy.

"Pero Sis, di mo pa ako sinasagot sa tanong ko kanina. May nangyari na ba sa inyo ni Kenneth. Kasi kung meron na - ibig sabihin lang niyan. Magkaka-baby ka na and magiging Tita na ako." Tuwang-tuwa namang sabi ni Andy. Ako naman feeling ko namula yong buong mukha ko. Waaahh! Kasi pag naaalala ko yong gabing yon parang feeling ko masusufocate na ako. OMO! Baka nga buntis na ako. Kasi dapat meron na ulit ako. Pero 2 weeks na akong walang period. Ibig sabihin magiging Mommy na ako. Waaahh! Nakaka-excite naman.

"Hey! Sis... okay ka lang ba?"

"Huh? O-oo naman. Ano ba yong tinatanong mo?"

"Ayiehh! Iniisip mo yong nangyari sa inyo ni Kenneth 'nu?"

>///< -- Ako

^_^ -- Andy

"Di ah. Tsaka bakit ko naman iisipin yon?"

"Hahaha. Ay di umamin ka rin. Yes! Magiging Tita na ako."

?_? -- Ako parin

O(∩_∩)O -- Andy

Umamin ba ako? Huh? Ewan ko ba dito kay Andy, kung ano-ano ang pumapasok sa isip. Pero sana nga buntis na ako. Excited na akong maging Mommy.

"Ahmm. Andy, ikaw kailan ka ikakasal?" Natahimik naman si Andy dahil sa tanong ko sa kanya.

"Actually, yon din pala ang isang dahilan kung bakit ako pumunta sa inyo kanina para ibigay ito." Sabay may inabot siya sa aking white envelop. Tapos ang nakalagay eh, name ni Andy at nung lalaking papakasalan niya.

"Waahhh! Ikakasal na ang little sister ko. Best wishes, Andy."

"Thank you. Actually ipapakilala ko siya sa iyo mamaya. Siguradong andun na yon sa ospital.  Pinapunta ko na kasi siya dun eh."

"Okay..."

Dahil nga sa traffic, medyo natagalan kami bago nakarating sa ospital. Pagbaba ko ng kotse ay nauunang maglakad si Andy sa akin dahil hinahanap niya yong fiancee niya. Tumigil si Andy sa tapat ng isang sasakyang color black. Para namang kuminang yong mata ko kasi ang ganda ng sasakyan ng fiancee ng kapatid ko. Pero mukhang familiar yong sasakyan. Parang nakita ko na siya somewhere.

Tinawag ako ni Andy, kaya lumapit ako sa kanila. Nakatalikod sa akin yong lalaki. Nang malapit na ako sa kanila eh, humarap sa akin yong fiancee ni Andy na ganito kalawak ang ngiti niya. ^___________^. Tapos nung nakita niya ako, parang nakakita siya ng multo.

(⊙o⊙") -- Siya

=_= -- Ako

"IKKAAAWWW?" Sabay naming sabi.

"What do you mean? Magkakilala kayo, babe?" Tanong naman ni Andy sa fiancee niya.

"Yeah. Actually magkaibigan kami ni Juniel. Siya yong girl na sinasabi ko sa iyo na hinatid ko malapit sa bahay niyo. Di ko naman ineexpect na magkapatid kayo ni Juniel."

"Akala ko magkapangalan lang kayo ng boyfriend ni Andy. Wow! Bryan wag mong sasaktan ang kapatid ko. Kung hindi mahi-hit and run ka tapos ako ang driver."

"Woah! Takot ko lang sa iyo."

Pumasok na kaming tatlo sa loob at nagpa-check up na ako sa isang oby na naka-assign dun ngayon. Una tinanong-tanong muna ako ni Doc kung ano raw ang nararamdaman ko tapos may ginawa siya. Tapos may mga sinabi-sabi pa siya.

"Mrs.Alonso you are 2 weeks pregnant. Normal lang po yang nararamdaman mo kasi buntis ka po." Pagkasabing-pagkasabi ng doctor na buntis ako eh, si Andy ay tumayo at niyakap yong doctor tapos hinigit na ako palabas ng ospital at dumiretso kami sa bahay ni Mommy. Kasama parin namin si Bryan. Bago kami pumunta sa bahay ni Mommy ay namili muna kami ng grocery.

Pagdating namin dun eh, naabutan namin sina Mommy at Ninang sa sala. At mukhang paalis na si Ninang kasi nakatayo na ito. Lumapit naman kami sa kanila.

"Guess what Mommy, Tita?" Sabi naman ni Andy. Napapalo naman ako sa mukha ko dahil mukhang si Andy pa ang excited na buntis ako. Tinalo pa akong mag-react.

"What?" Sagot naman ni Mommy.

"Mommy, Ninang. Magiging Lola na kayo." Sabi naman ni Andy kina Mommy at Ninang. Pero si Mommy ay sumama lang ang tingin kay Bryan at lalapit na sana ito dito.

"Bakit nauna pa ang honeymoon kaysa sa kasal? Ikakasal na kayo pero di pa kayo nakapag-hintay? God, Andy." Sabi naman ni Mommy.

"Huh? Hindi ako ang buntis, Mommy si Ate Juniel ang buntis, diba ang saya saya." Tapos yon bigla na lang napuno ng sigawan sa loob ng bahay. Tapos magpaparty daw kasi buntis na daw ako. Tapos magiging lola na daw sila. Ang sabi ko naman eh, paglumabas na lang si Baby saka sila magpaparty. Mga excited eh.

Dun na ako kumain ng lunch at dinner. Si Bryan at Andy ang naghatid sa akin sa condo. Kasi nga diba bawal akong magdrive. Di ko na sila pinababa para ihatid ako sa loob kasi gabi na rin naman. Di na nga sana ako papauwiin muna ni Mommy ang kaso lang eh, nag-iisa si Kenneth dito sa bahay. Wawa naman ang Munchin ko. Tapos gagalitin ko pa siya mamaya.

Pagtapat ko sa harap ng pinto ng condo namin ay sobrang lakas ng tugtog sa loob. Binuksan ko yong pinto at nakita ko si Kenneth na nakahiga sa couch at may hawak-hawak na remote. Mukhang tulog na ito kasi, 10 P.M na po kaya. Pumunta  ako sa kitchen at nakita ko yong table na naka-set for two. Wala pang bawas yong food, so ibig sabihin di pa nakain si Kenneth. Waaahh! For sure gutom na ito. Wawa naman ang Munchin ko. Siguro nakatulog na ito sa paghihintay sa akin. How sweet naman. Kaya love na love ko ang Munchin ko eh.

You + Me = LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon