"WORDS are EASY to say and much EASIER to lie. But ACTIONS are HARD to do and much HARDER to deny."
~Angelica c:
--------------------
KENNETH's POV
Hindi pa man kami tapos ng pagkain ay nagpaalam na kaagad si Juniel - kasi naman si Andy kung ano-ano ang tinatanong, eh ano namang connect nun sa pag-alis ni Juniel as if naman na may pakialam yon sa buhay ko. At tsaka bakit ba nakikipagtalo na naman ako sa isip ko? Tsk..
Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako sa sala nila Tita Veronica para manuod ng TV si Andy naman ay kasama nila Mommy at Tita sa pool ng bahay nila.
Wala namang magandang movie sa TV kaya pinatay ko na lang yong TV dahil sayang lang sa kuryente. Aalis na sana ako para sumunod kina Mommy ng makita ko si Juniel na nakapantulog na bumaba galing sa taas at may dalang laptop. Parang baliw na sumunod ako kung saan pupunta si Juniel. Umupo lang ito sa bermuda grass sa garden nila. Sabagay, bata palang naman kami ay dito na siya lagi natambay.
Nakatayo lang ako sa may pinto ng garden habang pinapanuod ko si Juniel sa mga ginagawa niya. Tumayo ito ng biglang tumunog yong cellphone nito. Nang matapos makipag-usap si Juniel sa phone ay humiga ulit ito, pero this time ay kumanta na ito.
Nakakatuwa kasi kahit na di maganda yong ginawa ni Tita kanina kay Juniel ay nagagawa paring ngumiti ni Juniel ngayon. Dito ako humahanga kay Juniel, even though she's scared too reason out, but she's still have the courage to smile. Katulad ngayon she smiled like there's no tomorrow - napakaganda ng mga mata niya.
Pero muntik na akong humagalpak ng tawa ng biglang baguhin ni Juniel yong genre ng music na kinakanta niya. Bakit sa tuwing nakikita ko si Juniel na kumakanta ay ganito lagi ang naaabutan ko. Pag hindi nalilimutan niya ang lyrics eh - binabago naman nito ang tune o kaya ang genre ng music.
Right there and then, I fell inlove with Juniel all over again. If it is possible to fall in love with a person you were already in love with, then it was exactly what i feel right now. How I love this extraordinary woman. But Juniel wasn't aware how she is so important to me, she doesn't know. Nagpakawala muna ako ng hininga bago ako nagsalita.
"Bravo! Palakpakan, promise ko sa iyo pwede ka ng ipasok sa mental hospital dahil sa mga ginagawa mo." Epal na sabi ko kay Juniel. Napaupo naman si Juniel at lumapit ako sa kanya.
//
JUNIEL's POV
"ANONG GINAGAWA MO DITO? Don't tell me k-kanina ka pa dyan?" Sunod na sunod na tanong ko kay Kenneth ng umupo ito sa katabi ko. Pero non-sense hindi man lang ako sinagot, isang ngiti lang ang sagot niya sa akin. Oh! GOD, why does he have to see me like this?
"Just take a deep breath, Munchin" Sagot sa akin ni Kenneth, pero sinunod ko naman yong sinabi niya. Pero siguro nuknukan lang talaga ako ng tanga, bakit ba kasi may memory gap na nga ako tapos slow pa ako. Did I hear him right? Did he call me MUNCHIN? I eyed him through my lowered eyelids, but his just grinning at me. Napasimangot nalang ako. Tsk, pinagti-tripan na naman ako nitong panda na ito. Nakakainis.
"Are you ready for my answers, Juniel?" Pabitin na tanong pa nito sa akin.
"Sa lahat ng tanong mo, OO ang sagot ko. Oo, kanina pa ako dito. At kung itatanong mo kung nakita kitang magperform? Yes - na amaze nga ako sa ginawa mo eh. Hahaha." And then he winked at me.
"OMG !!" Naihilamos ko yong kamay ko sa mukha ko. Dahil sa inis at hiya.
"Hey, it's not that bad. Promise."
"Not bad. Utot mo. Pinagtatawanan mo nga ako." Pero parang bulong lang ang pagkakasabi ko pero si Kenneth siguro ay sadyang malakas ang pang-rinig dahil narinig pa niya yong sinabi ko. At dahil dun tawa siya ng tawa. Tsk, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah.
BINABASA MO ANG
You + Me = LOVE
RomanceThis is a story about a girl who fell in love with her childhood friend, enemy, and her secret boyfriend in disguise. Paano mo sasabihin sa kanyang MAHAL mo siya kung naiwan ka niyang nag-iisa. Sinong makakasama, makaka-usap mo kung pati ang family...