CHAPTER 14 :)

42 5 0
                                    

"EXPECTATION is the root of all heartaches. Never assume, nor demand. Just let it be, because if it is meant to be, it will be."

~JayJay c:

--------------------

JUNIEL's POV

Masaya kaming kumain ng hapunan. Sabi niya siya na daw ang magliligpit ng mga kinainan namin. Kaya naman pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako kaagad sa kwarto. Wala na kasi akong gagawin eh.

Nagpahinga lang ako ng kunti at naglinis na ako ng katawan. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Kenneth na bihis na rin at nakaupo sa gilid ng kama NAMIN, nakakailang paring sabihing kama NAMIN yon eh, kasi naman basta yon na yon. Nagtama ang mga tingin namin kahit na iniiwasan ko siyang tingnan.

Tinitigan lang ako ni Kenneth. Ewan pero parang naging statue of liberty ako na naka-glue dun sa may pinto, kasi naman di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Tumayo si Kenneth at lumapit palapit sa akin.

Ako naman parang tanga lang - kasi naman kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan eh, asawa ko naman yong lalapit sa akin. Oo, asawa ko nga lang pala yong lalapit sa akin. It means O-M-GGGGGGGGGGGGG!! Waaaaahhhhh.. tukso lumayo ka sa akin.

Pagkalapit sa akin ni Kenneth ay hinawakan niya yong buhok ko pababa sa pisngi ko. His touch was so gentle that I couldn't help but to close my eyes. And then and there I felt something soft and warm touch my lips. Ewan ko, kinakabahan talaga ako, pero may part sa akin na naeexcite. Ano ba 'tong sarili ko di ko na alam ang totoong nararamdaman ko.

Kenneth planted wet kisses along my jaw, traveling down my neck, then climbing up again to my earlobe.

"Juniel" He murmured. The way he whispered my name, it was so tender.

"God forgive me, Juniel, but I want you. I can't help myself." And Kenneth kissed me again.

Binuhat ako ni Kenneth at dahan-dahang inihiga sa kama. I wanted him to make love with me. I wanted to be his completely. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may naalala ako. Kaya naman napabalikwas ako ng bangon.

"Bakit? Did I hurt you, Munchin?" Concern na tanong naman sa akin ni Kenneth.

"Ahhmmm.. k-kasi.. I can't. Not now." Sagot ko naman kay Kenneth na nakatingin lang sa akin.

"Oh, yeah, of course. I'm sorry." Bumangon naman si Kenneth at umupo sa gilid ng kama. Ginulo-gulo naman ni Kenneth yong buhok niya. Tuloy parang nagi-guilty ako sa ginawa ko.

"Kenneth, h-hindi mo naiintindihan. H-hindi pwede kasi... kasi... you know kasi..." Waahhh! Nahihiya akong magsabi sa kanya. Kasi naman eh.

"You don't have to explain. I can understand that ---" I cut his words and sinabi ko na talaga ang dahilan ko. Kasi naman baka kung ano pa ang isipin nito.

"May period ako!" Parang fast and the furious kong sabi. Pagkasabing-pagkasabi ko nun eh, nagtakip ako ng unan sa mukha. Normal lang naman yon sa babae eh.

"W-what?" Narinig kong tanong nito sa akin. Ano ba Kenneth, kailangan ulit-ulit? Ano ba yan bingi lang tol? Pero tinawanan lang ako ni Kenneth.

"Anong nakakatawa?" Naiinis na sabi ko kay Kenneth.

"You mean yon lang ang dahilan mo? Wala ng iba?" Nakangiting sabi nito sa akin.

"Hahaha. Come here"

Parang tanga lang naman ako nung pinapunta niya ako sa tabi niya. And then he push me gently down in our bed. Tapos, hinila nito yong kumot namin. And then, he kissed me in my forehead. Ano ako lola niya para dun halikan? Demanding? Hehehe. XD.

You + Me = LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon