CHAPTER 3 :)

41 5 0
                                    

"ONE THING we've got to learn is not to compare ourself with others. Some are BLESSED with KNOWLEDGE, some with BEAUTY some with STRENGTH, and some with a UNIQUE gift from GOD."

~Karyn c:

--------------------

JUNIEL's POV

Waaaiittt. Ang dami ko ng nasabi sa inyo pero hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa inyo ng maayos. Ang dami ng nangyari sa akin pero di niyo pa ako nakikilala. Ako nga pala si Juniel Fernadez. I'm 26 years old - oo matanda na ako pero okay lang yon maganda parin naman ako. May kapatid ako si Andy matanda lang ako sa kanya ng isang taon. At siguro naman kilala niyo na siya diba? Ganun lang talaga ang ugali nun pero kahit ganun yon mahal ko naman si Andy eh, kasi kapatid ko siya. Kung nagtataka kayo sa mga pangalan namin wag kayong magalit sa akin sa author nitong story na ito kayo magalit.

Wala sigurong maisip na pangalan si Rae-Rae kaya pang-lalaki ang ipinangalan sa akin. Hahaha. Ano sama kayo sa akin ipasalvage na natin si Rae-Rae. Hahahaha. Okay back to the story na po dahil masyadong nae-expose ang pangalan ni Rae-Rae. =)

Andito ako ngayon sa kwarto ko at naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa trabaho. Diba nasabi ko na sa inyong babalik ma yong president slash CEO ng company na pinagtatrabahuan ko kaya lahat kami ay naghahanda sa pagdating ng big boss ng company. Kahit na regular employee na ako sa company na yon di ko parin nakikita yong CEO namin. Ang sabi matanda na daw yon walang may alam kung sino yon. Kaya naman nakaka-excite malaman kung sino yon.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng damit na susuotin ko sa trabaho ko. Isang pair of jeans and loose blouse ang sinuot ko. Naka rubber shoes ako at nag suot ako ng bonnet. Sabi ng mga katrabaho ko ay cool daw akong magbihis, natatawa na lang ako sa mga sinasabi nila. Eh, sa ito lang ang meron ako sa damitan ko eh.

Habang nagsusuklay ako ng mahaba at tuwid na tuwid kong buhok ay napangiti ako sa nakita kong nakadikit sa mirror ng salamin ko. Pero nawala din ang ngiti ko ng biglang isingit na naman ng kontrabida kong utak yong thought na lagi kong naiisip sa t'wing nag-iisa ako.

"He didn't like me before, he obviously won't like me now." Yan ang laging sinasabi ng kontabida kong utak sa t'wing nakikita ko ang picture ni Kenneth sa salamin ko.

Noon pa man kahit na lagi ko siyang tinataguan at kahit na naiinis ako lagi sa kanya gusto ko na si Kenneth. There were still part of me believing that he cared for me. Parang nilalagyan ko lang ng malisya yong mga ginagawa niyang pagtatanggol sa akin dati. Pero di ko naman maaalis na magkagusto ako sa kanya dahil mabait siya sa akin at siya lang ang nagti-tyagang kumausap sa akin kahit na pinagtatabuyan ko siya noon.

Kaya naman nung umalis siya dito sa Pilipinas parang may nagkulang sa sarili ko. Parang nawalan ako ng kaibigan at Kuya nung mga time na yon. Pero sadyang mapaglaro ang life hindi ko inaasahan na bukod pa pala dun ang nararamdaman ko sa kanya. Ang akala ko isang infuatation lang yon pero habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kanya. At ngayon nga ay MAHAL ko na siya.

Lahat-lahat alam ko kay Kenneth - kahit na nasa America si Kenneth alam ko ang nangyayari sa kanya pero ang di ko inaasahan ay ang biglaang pagbalik nito sa Pilipinas. Yon ang di ko alam bukod pa dun eh, yong sa personal life niya sa America. Kasi nakukuha ko lang naman yong mga news na yon ay pagpupunta dito si Ninang at magku-kwento ito kay Mommy ng tungkol kay Kenneth.

Tapos si Kenneth ng Business Management dahil ito ang magmamana ng company ng kanilang pamilya. Siguro ngayon siya na ang nagpapatakbo nito. Kaya naman talagang nganga ako sa kanya.

Pagkatapos ng pagmumuni-muni ko sa harap ng salamin eh, lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso na ako sa garahe at sumakay na ako sa motor ko. Pero binuhay ko lang ito pagkalabas ko ng gate ng bahay namin dahil magagalit si Mommy pag narinig na dun ako nagbukas ng motor. Kaya naman sanay na ako na sa labas ko na binubuhay yong motor ko. Sabi nga sanayan lang daw yon.

//

KENNETH's POV

Bago ko simulan ang POV ko magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Kenneth Alonso the only son of Alonso Family. Sabi nila successful na daw ako - at oo successful na ako. I'm here in the Philippines dahil dito na ako magfo-focus sa business namin. I'm 26 years old - and I'm old enough to take a big responsibility. Hahaha.

Maagap akong nagising this day kasi may meeting ako sa opisina ngayong umaga pero hanggang ngayon eh, nakahiga parin ako sa kama ko. Habang tinitingnan ko yong picture ni Juniel na nakalagay sa ilalim ng unan ko. So gay ba?? Hahaha. Hindi na kasi ito maalis sa akin. Kahit nung nasa ibang bansa ako ganito na ako. Ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit may picture niya ako. At di ko alam sa sarili ko kung bakit nagawa kong kunin ang picture niyang nakadisplay sa kanila nang pumunta ako sa kanila dati.

Napakaganda niya dito sa picture. Parang walang nagbago kay Juniel - parang siya parin itong nasa picture kahit na 17 years old palang siya dito. Siguro may "PeterPan Syndrome" yon kaya di natanda. Pag naiisip ko itong mga bagay na ito ay napapangiti na lang ako ng wala sa oras. Parang tanga lang ano??

*creaaakkk ...

Napatingin ako sa nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Nilagay ko ulit pabalik sa ilalim ng unan ko yong picture ni Juniel at umayos ako ng upo sa kama ko.

>_> -- Ako

^_^ -- Siya

"So what are you doing here??" Tanong ko kaagad kay Brinette ng makalapit siya sa akin. Umupo siya sa lap ko pero pinaalis ko din siya.

"Why are you so mean?? BTW, I'm here to remind you that you have a meeting this morning. And I'm here to help you to do your daily routine in the morning, Honey."

=_= -- Ako

Di ko na sinagot si Brinette at iniwan ko na lang siya sa kama. Kumuha ako ng damit ko at lumabas ako ng kwarto ko. Paglabas ko nakita ko pang sinipa ni Brinette yong side table malapit sa kama ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglabas at dumeritso ako sa kwarto nila Mama at Daddy at dun ako naligo at nagbihis.

Si Brinette yong pinakilala sa akin ng isa sa mga kaibigan ko nung nasa States ako. Nung una nakikita ko sa kanya si Juniel pero totoo nga na "Every person have their own unique personality" at nag-iisa lang talaga si Juniel. I've been fool dahil niloko lang ako ni Brinette. And she's here again.

Umalis na ako ng bahay pagkatapos kung kumain ng breakfast together with my Mom ay umalis na rin ako para pumunta sa trabaho.

You + Me = LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon