3rd Person's POV
Magkasama si Jeno at Xylene sa cafeteria. Hindi nila kasama yung mga kaibigan nila sapagkat tapos na ito sa pag kain. Iniwan na sila nito dahil babantayan pa nila ang booth na naka assign sakanila.
Nakangiti lamang si Jeno para hindi mahalata na may binabalak pala ito sa pinsan niya. Napatingin si Jeno sa pintuan ng cafeteria. Nakita niya si Hershey at ang kasamahan nito na kikidnap kay Xylene. Nagsign language ito na time na para hulihin si Xylene. Nag okay sign pabalik si Jeno.
Agad na nagsilapitan ang kikidnap kay Xylene. Walang alinlangan na tinakpan na nila ang mata nito at hinawakan sa magkabilang braso para hindi makawala.
"WAAAAAAAAAAAAH!!! ANO ITO? HOY BITAWAN NIYO NGA AKO! ANO BA! SABING BITAWAN NIYO AKO EH HUHU! JENO!! ASAN KA?!" pagpupumiglas ni Xylene.
"Paki ingatan iyan ah?" sabi ni Jeno sa mga kasamahan ni Hershey na humuli kay Xylene. Tumango lamang ang mga ito.
"Jeno wag mo ko iiwan huhu" naiiyak na sabi ni Xylene.
Tinawanan lamang ito ng pinsan niya.
Sa kabilang banda naman ay hawak hawak ng mga kaibigan ni Jeno si Jaemin na naka blind fold.
"Mga gago kayo! Anong gagawin niyo sakin? Bitawan niyo ko!! Humanda talaga kayo sakin!!" pagpupumiglas nito.
Pinapasok na ito sa blind date room at pinaupo muna kaharap ni Xylene na naka blind fold din.
"Bakit mo naman kami inutusan na kidnapin si Jaemin?" tanong ni Renjun
"Bro ano bang pinaplano mo?" tanong ni Haechan kay Jeno.
"Sino yung pinablind date mo kay Jaemin hyung?" tanong din ni Jisung.
"She looks familiar." sabi din ni Mark.
"Basta. Tama ka nga Mark hyung, familiar siya, kilala niyong lahat yun HAHAHAHA." nakangiting sagot ni Jeno sa mga kaibigan.
Napailing nalang ang mga kaibigan nito.
***
Amoy na amoy ni Xylene ang rose petals sa loob ng kwarto.
"Welcome to blind date room HAHAHA!" sabi ni Hershey.
"Bish ikaw ba yan? Sino nagpablind date sakin? Sagutin mo ko!!" sabi ni Xylene
Pinatayo na nila ang mga nakidnap at dinala sa gitna ng kwarto.
"BISH NAMAN EH! ALAM KONG NANDYAN KAYO, PINAGTATAWANAN AKO HUHU!" pagrereklamo ni Xylene.
Naramdaman ni Xylene na nakahawak na siya sa shoulder ng ka blind date niya, at nakahawak na ito sa waist niya.
"Enjoy haha!" sabi ni Hershey
"Time check, 1:27 pm" sabi ni Chloe at pinatugtog na ang music.
Iniwan na nila ang dalawa sa blind date room, at hahayaan sila doon for 15 minutes.

BINABASA MO ANG
❝ lip tint❞ ✓ 𝘯.𝘫𝘢𝘦𝘮𝘪𝘯
Conto" PUTA!! SINO NAGLAGAY NG LIPTINT SA BAG KO?!" NCT Jaemin Fan Fiction This story is a work of fiction. All names, places, scenes and etc. are based on the author's imagination. This is a short epistolary. It contains chat, text, phone calls and a...