Epilogue

929 31 2
                                    

3rd Person's POV



*Alarm Clock Rings*



Nang dahil sa tunog ay nagising bigla si Xylene. Bumangon ito at napakamot sa ulo.



"Arrrgghh!! Pasok nanaman!" reklamo niya pero naghanda parin para pumasok sa school.



Matapos kumain ng agahan ay naglakad na ito papuntang school. Tutal walking distance lang naman ito, hindi niya naisipang magcommute kahit tinatamad itong maglakad.



Hanggang nakarating na siya sakanilang silid aralan. Umupo agad siya sa proper seat niya.



Napasampal ito ng mukha. Nakalimutan niyang maglagay ng liptint bago lumabas ng bahay.



'Shems. Panigurado ang putla ko kanina.' sabi ng isipan niya at kinuha ang liptint sa bag.



Napasampal ulit ito ng mukha nang makitang ubos na ang liptint niya. Napabuntong hininga nalang ito.



Napansin niyang wala pa masyadong tao sa classroom nila. Mukhang napa aga ang dating niya. Nagsilabasan ang lahat ng classmates niya. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya nalang ito pinansin.



Wala siyang magawa kaya nilingon niya ang upuan ng crush niyang si Jaemin. Nakita niyang iniwan lang nito ang bag sa upuan niya.



Tingnan niyang muli ang ubos na liptint na hawak niya. Napanaginipan niya noong isang araw na naging sila ng crush niya ng dahil sa liptint. Gusto niyang gawin ito sa real life



'Kung ilalagay kaya kita sa bag ni Jaemin, ano kaya ang sunod na mangyayari ano? Gaya din ba ng napanaginipan ko?' tanong ng isipan niya habang nakatutok sa liptint.



Walang alinlangang nilagay niya ito sa bag ni Jaemin at umaktong parang walang nangyari.



"HOY BISH!"



"Ay! Kabayong kalbo!" napasigaw ito sa panggugulat ng mga kaibigan niya.



"Bish naman eh! Nanggugulat kayo!" reklamo niya



"HAHAHAHA hoy nakita namin yung ginawa mo." sabi ni Hershey.



"Kaninong bag ba yan bish?" tanong naman ni Chloe.



"Wag kayo maingay ah?" sabi ni Xylene at nilingon pa ang labas kung may tao bang nakikinig.



"Bag yan ng crush ko." sabi nito.



"Si Jaemin?"



"Sssshh!! Sabing wag maingay eh!" saway nito sa kaibigan.



"Ooops. Sorry." sabi ni Hershey at nag peace sign pa.



"Oh siya mamaya na tayo mag usap. Hayst oo nga pala ngayon yung reporting namin. Study muna ako ah?" sabi ni Xylene sa mga kaibigan.



"Sure. Balik na kami sa classroom namin. Sabay tayo maglunch ah?" sabi ni Chloe



Tinanguhan lamang ito ni Xylene. Bumalik na ito sa classroom nila at pinractice naman ni Xylene ang report niya.



Hanggang sa nagsidatingan na nga ang classmates niya. Gaya niya ay kinabisado din nila ang mga report na naka assigm sakanila.



Focus na focus sana siya sa pinag aaralan niya nang biglang may sumigaw.



"PUTA SINO NAGLAGAY NG LIPTINT SA BAG KO?!?!"



***

A/N: At dyan nagtatapos ang storyang ito HAHAHAHAHA! Sa mga bumasa, nagvote at ang comment na appreciate ko kayo. Sa pakner ko na gumawa ng book cover thank you thank you thank you. Sa LEEgendest NEOCONcealer squad, hi guys? Kung binabasa niyo ito much better HAHAHAHAHA! Sa mga readers ko, thank you talaga. Nakaya niyong basahin ang sinulat kong lame at corny na epistolary. Hanggang sa muli pag may maisip nanaman akong plot :'> I love you all pero mas mahal ko NCT HAHAHAHA dejuk lang. 

Let's support NCT till the end and get well soon our beloved full sun. Donghyuck-ah pagaling ka. Be careful next time okay? 

-Author Leemon

❝ lip tint❞ ✓ 𝘯.𝘫𝘢𝘦𝘮𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon