15

1.3K 62 39
                                        

3rd Person's POV



Saktong pagtunog ng bell ay umalis agad ng classroom si Xylene.



Gusto niyang iwasan muna si Jaemin. Ni wala sa plano niya ang pumasok sa araw na ito at napilitan lang siya.



Imbes na mag lunch ay nasa school garden lang siya. Hindi rin alam ng mga kaibigan niya na pumasok siya. Dahil ang alam nila hindi ito papasok.



Umupo sa gilid ng puno si Xylene. Kukunin na niya sana ang phone para kausapin ang kaibigan ay may nagsalita naman bigla.



"So tatakasan mo ako?" tanong ni Jaemin na kanina pa sumunusod kay Xylene.



Muntik na humiwalay sa katawan ni Xylene ang kaluluwa niya dahil sa gulat.



"Nang gugulat ka naman eh!" pagreklamo niya. Napatawa lang si Jaemin at tumabi kay Xylene.



"Uy uy uy! Anong ginagawa mo? Kay dami daming space dyan dito ka talaga sa tabi ko?" sabi ni Xylene.



"Ipagtatabuyan mo nalang ba ako?" sabi ni Jaemin na naka pout pa.



Hindi nakasagot si Xylene. Nag iwas lang ito ng tingin.



"Nahiya ka pa HAHAHAHA!" pang aasar ni Jaemin.



Aalis na sana si Xylene pero pinigilan siya ni Jaemin at pinaupo ulit.



"Teka lang, may sasabihin pa nga ako" sabi niya Jaemin



"Oh tapos? Papagalitan mo lang aki dahil sa liptint? Bitawan mo nga ako" sabi ni Xylene na nagpupumiglas dahil hawak parin ni Jaemin ang braso niya.



"Crush mo ako diba?" tanong ni Jaemin na nakangiti.



"Tss. Oo! What now?" pagalit nang sabi ni Xylene.



Napangiti lamang si Jaemin.



"Edi M.U" sabi ni Jaemin.



"Mukhang unggoy?"



"Hindi, mutual understanding." sabi ni Jaemin



"Eh bakit nga M.U?" nalilitong tanong ni Xylene.



"Napaka slow mo naman. Ikaw ang crush ko." seryosong sabi ni Jaemin.



Hindi agad nakasagot si Xylene.



"Hindi ka man lang iimik dyan? Psssh tara na nga, kain na tayo" sabi ni Jaemin at kinuha ang bag ni Xylene.



Hindi parin masink in sa utak ni Xylene ang mga narinig niya na mismo galing kay Jaemin.



Natulala parin siya kaya hinila nalang siya ni Jaemin papuntang cafeteria. Hanggang nasa cafeteria na sila at pinatabi ito ni Jaemin sa upuan ng mga kaibigan niya.



"Uy may chicks ang kaibigan natin bro HAHAHAHA" mapang asar na sabi ni Renjun.



"Kayo muna bahala sakanya o-order lang ako." sabi ni Jaemin. May binulong muna sakanya si Jaemin bago um-order.



"Wag kang mag alala. Matitino din naman minsan yang mga kaibigan ko" sabi ni Jaemin na nakangiti at pumunta na ng counter.



Napangiti nalang si Xylene. Galing sa pagkatulala na ay unti unti ng sumi sink in sa utak niya ang mga nangyari.



'Crush ako ng crush ko. Mainggit kayo haha' sabi ng isip niya at di maitago ang ngiti sa labi.



*************************************************

A/N: If maraming typo sa story na ito sorry talaga. Tamad po talaga ako mag edit HAHAHAHA. May nagbabasa pa ba? Don't forget to vote and comment ; ) 

-Author Leemon 

❝ lip tint❞ ✓ 𝘯.𝘫𝘢𝘦𝘮𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon