77

886 24 7
                                    

Xylene's POV



"Kas! Kas! Kas gising!!!! Hoy may pasok pa tayo ano ba!!!"



Arrrrrggghhhh tangina. Dito nga pala pinatulog ng Mom ko si Jeno kasi nag day off lahat ng katulong namin at wala akong kasama sa bahay.



"Give me 5 minutes Jeno" tinatamad kong sagot sa kanya.



"Wala nang 5 minutes, Xylene. Bumangon ka na nga! Male-late na tayo ano ba!" sabi ng pinsan ko.



Napakamot nalang ako ng ulo tsaka bumangon.



"Oo na ito na!" sabi ko tsaka ginawa na ang daily routine.



Nasa dining room kami at kumakain ng almusal.



"Oh, ano na? Nasabi mo na ba?" tanong ni Jeno



"Napaka tsismoso mo talaga ano? Oo nasabi ko na bakit ba?" naiiritang sagot ko.



Napatawa lang ito. Minsan naiisip kong sadyang weirdo lang talaga itong pinsan ko.



Tapos na kaming kumain at itong si Jeno iniwan lang ang plato niya sa mesa. Kapal ng mukha leshe!



Hinugasan ko nalang ang mga platong nagamit namin tsaka sinuot na ang school shoes ko.



*dingdong*



Lumabas si Jeno at tiningnan kung sino yun.



"Uy! Bro!" narining kong sabi ni Jeno.



Bro?



"Hindi ikaw ang pinunta ko."



Sh*t si Jaemin!



Bigla ko nalang naalala yung pagconfess ko sakanya kagabi. Imbes na lalabas na sana ako ay napatago nalang ako bigla sa likod ng pintuan at napapikit mata.



"HAHAHA! Alam ko! Si Xylene ba? Xy, nandito bebelabs mo oh!" tangina mo talaga Jeno 😣



Biglang lumapit sakin si Jeno.



"Hoy umayos ka ah HAHAHAHA. Oh ito baon mo daw sabi ni Tita." sabi niya at binigay sakin ang pera.



"Nandiyan yung van ng NCT sakanila nalang ako sasabay. Ikaw sasabay ka kay Jaemin." nakangising sabi ng pinsan ko. Akala mo naman kung sinong gwapo kung ngumisi, nagmumukha namang asong ulol.



Hinawakan ni Jeno ang wrist ko at hinila palapit kay Jaemin. Tangina hindi ako makatingin sakanya.



"Bro, ingatan mo ito ah? Tanga tanga pa naman ito minsan." sabi ni Jeno kaya hinampas ko siya sa braso. Nakita kong tumango lang si Jaemin at ... Ngumiti?



"Oh siya! Bye! HAHAHAHAHA" sabi ng pinsan ko at sumakay na sa van nila. Tsaka umalis.



Shems kaming dalawa nalang ni Jaemin ang nandito 😣



"Tara?" sabi niya nang nakangiti.



Napatango nalang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papuntang school. Walking distance lang kaya hindi masyadong malayo kung lalakarin mo.



Puta, kinikilig ako 😣



"Hmmm Jae? Ano kasi---"



"Magpapalibre ka mamaya?" pagputol niya sa sasabihin ko.



"Hindi. Yung kagabi kasi eh ..."



"Hindi mo ma kailangang magpaliwanang. Nasabi mo na ang gusto kong marinig." sabi niya at ngumiti sakin.



Napaiwas nalang ako nang maramdaman kong nag iinit ang mukha ko.



Nasa school na kami at nakasalubong namin si Hina. Nakangiti ito saamin. Tiningnan ko si Jaemin at she mouthed thank you to Hina.



Lumapit sakin si Hina at may binulong siya sakin.



'You look good together, bagay kayo' tsaka ngumiti siya sakin.



Napangiti nalang din ako.

❝ lip tint❞ ✓ 𝘯.𝘫𝘢𝘦𝘮𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon