78

870 21 2
                                    

Xylene's POV



"Jeno naman eh! Bakit mo inubos yung cake?!" reklamo ko sa pinsan ko.



Until now dito parin siya sa bahay namin nag i-stay. Nagkasundo yung mom at tita ko na dito na titira si Jeno para may kasama na ako at hindi na ako mag isa dito.



"HAHAHA masarap eh." sabi niya at nakangisi pa.



Hindi na nga ako mag isa pero may ka-kompetensya na ako sa mga pagkain dito.



"Arrrrrggghhhh I hate you kas!" sabi ko at padabog na umakyat papuntang kwarto ko.



Nabigla nalang ako pagbukas ko ng pintuan. May butas-butas na box kasi sa kama ko. Nilapitan ko ito at dahan-dahang binuksan. Baka mamaya kung ano nalang ang laman nito.



'Meow!'



Muntik nang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko. Pusa pala ang laman ng box. Kaya pala ang daming butas nito. Pero bakit may ganito sa loob ng kwarto ko?



"Jeno?" tawag ko sa pinsan ko. Lumapit naman ito saakin.



"Tingnan mo oh. Bakit may ganyan sa kwarto ko? Bakit may pusa?" tanong ko sakanya. Eh siya kaya yung mahilig sa pusa.



"Ayaw mo niyan? Ang cute nga oh" sabi niya.



Nilapitan ko ulit ito at kinuha sa box na kinalalagyan niya. Nakita kong may nametag ito.



'Jaelene'



Nilingon ko ang pinsan ko na nakangisi na.



"May kinalaman ka dito ano?" tanong ko.



Nagkibit balikat lang ito. Tiningnan ko ulit ang box. Teka may laman pa pala. Parang note?



Umupo muna ako sa kama at nilagay sa lap ko yung pusa. Tsaka ko kinuha yung note sa box at binasa.



Xy,

❝ lip tint❞ ✓ 𝘯.𝘫𝘢𝘦𝘮𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon