79

898 24 9
                                    

3rd Person's POV



"Do you accept Xylene Park as your belov--"



"Diba rapper ka, Mark hyung? Wala bang mas ikakabilis niyan?" pagputol ni Jaemin sa kaibigan niya na umaktong pari.



Nagkaroon ng activity ang school nila. Bago sila ga-graduate ay gagawa ng booth bawat section. Ito na ang huling araw na matatawag pa silang estudyante sa kanilang school at bukas na ang graduation nila. Napag isipan ng section nila na wedding booth nalang ang sakanila.



"That's a long ass ride and you may now kiss your bride. Damn it! I quit!" padabog na sabi ni Mark at hinubad ang puting duster na suot niya. Siya kasi ang gumanap na pari sa wedding booth nila.



Nagtawanan lang ang mga nanood sakanila.



"Xy, you may now kiss the bride daw oh sabi ni Mark hyung." sabi ni Jaemin kay Xylene. Hinampas naman ito ni Xylene.



"Aww! Sadista ka talaga. Kiss lang naman eh!" sabi ni Jaemin at ngumuso pa.



"Hep hep hep! Bawal ang kiss bro. Hindi porket payag ako sa relasyon niyo eh pwede na ang ganyan." sabi ni Jeno



Napatawa ulit ang lahat.



"And not because we're just classmates you won't pay your wedding. Where's your payment?" sabi ni Mark



"Singilin mo si Chenle" sabi ni Jaemin.



"Hoy bakit nasali nanaman ang pangalan ko?" nakapameywang na tanong ni Chenle na bagong dating.



"Bayaran mo si Mark hyung ng 10 pesos." sabi ni Jaemin.



Napairap lang si Chenle. Tsaka humugot ng 10 pesos.



"Pasalamat ko love ko si noona."



Hindi na pinansin ni Jaemin ang mga kaibigan niya. Hinarap niya si Xylene at hinalikan sa noo.



"I love you Xy" nakangiting sabi ni Jaemin



"Love you too kahit ang corny pakinggan." sabi ni Xylene.



"Wooooohhhh lampo!!!"



"Maghihiwalay din kayo sa bentetres!!"



"PDA. Pati kami nilalanggam."



Kanchaw ng mga kaibigan nila.



"MGA ULUPONG INGGIT LANG KAYO!" sabi ni Jaemin



Puro tawa lang ang maririnig mo sa booth nila. Huling araw na ito bago sila maghiwa-hiwalay.



"Xy, tara date tayo." sabi ni Jaemin kay Xylene.



"Date nanaman?"



"Ayaw mo nun?" sabi ni Jaemin na nakapout.



"Pssssh. Wag ka ngang magpacute, di bagay sayo. Libre mo ah? HAHAHAHA" sabi ni Xylene.



Napangiti na lamang si Jaemin at hinawakan ang kamay ni Xylene.



Makikita sa mga ngiti ni Xylene na masaya siya tuwing kasama ang crush niya dati na naging kasintahan na niya ngayon.



'Alam kong napaka corny pero shems parang lumilipad ka kapag kasama mo ang taong mahal mo.' sabi ng isipan niya.

❝ lip tint❞ ✓ 𝘯.𝘫𝘢𝘦𝘮𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon