"KRISANTINE ano ba! Hindi ka ba gigising malelate ka na .Exam nyo pa ngayon diba?" Rinig kong sabi ni tatay habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto....
"Opo Tatay gigising na!" Pasigaw na sabi ko. Haaaay! Bakit Kasi Ang daming kailangang pag- aralan sa exam! Ayan tuloy napuyat ako.
Dali dali akong naligo at nagbihis pagkatapos ay pumunta na sa kusina at kumain.Kasabay kong kumain si tatay at mga kapatid ko .Wala si Nanay dahil nagpunta siya sa ibang bansa para magtrabaho. OFW siya doon at nagsisikap pag-aralin kaming magkapatid.
"Bilisan niyo na jan ! Nandito na ang sundo nyo" sabi ni tatay
Dali dali akong kumain at pagkatapos ay nagsuot ng sapatos. Kasama ang mga kapatid ko ay sumakay na kami sa motorcab ni Mang Berto ang sundo namin. Nandito narin Yung ibang estudyante na kapit- bahay lang rin namin , sundo rin kasi nila si Mang Berto.
Habang patungo sa paaralan ay biglang nahulog ang mga gamit ko.Naku! bukas pala tung bag ko.
"Mang Berto ihinto mo muna!"sigaw ko at agad na inihinto ni Mang Berto ang kanyang sasakyan.
Dali dali akong tumakbo upang kunin ang mga nahulog kong gamit.
"Naku KRISANTINE ba't mo kasi Hindi sinara yung bag mo ayan tuloy siguradong malalate ka na" Inis na sabi ko sa aking sarili.
Habang pinupulot ang panghuling notebook ko ay biglang sumigaw si Therine ang bunso kong kapatid. Malayu layo na kasi ang itinakbo ko para kunin tung mga gamit.
"Ate! tumabi ka! may sasakyan!"
Nagulat ako sa sigaw niya at huli na ng malaman ko dahil nahagip na ako ng sasakyan...
Tumilapon ako sa daan at unti unting nandilim ang buong paligid. Rinig ko pa rin ang sigaw ng mga kapatid ko at ni Mang Berto. Habang unti unting pumipikit ang aking mga mata ay may nakita akong puting liwanag na hugis bilog sa aking tabi. Hindi ko Alam ngunit parang may nagtutulak sa akin na hawakan ang bagay na yun kaya kahit nanghihina ay sinubukan ko pa rin itong abutin. Nagulat na lng ako ng biglang lumaki ang liwanag at may malakas na hangin na biglang humila sa akin papasok roon. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay...............
**************
Hmmmmm...ang sarap ng tulog ko ang lamig ng simoy ng hangin, ang mga huni ng ibon , ang...............sandali! Hindi ba't nasagasaan ako!
Unti unting kong iminulat ang aking mga mata at dahan dahang tumayo. Nagtaka ako dahil walang masakit at nakakagalaw ako ng maayos. Hinawakan at kinapa kapa ko ang aking sarili subalit ayos lng talaga ako. Tinignan ko ang buong paligid at nagulat ako sa aking mga nakita.
Nasaan ako! Paano ako nakarating rito!
Maraming mga bulaklak na nakapaligid sa akin, iba't ibang kulay. Napakaganda nilang pagmasdan. Maraming nagliliparang mga ibon, may mga puno ,halaman, at may talon rin....... Kay lawak at kay ganda ng kalangitan.
Nasaan ba ako? Nasa langit na ba ako?
May nakita akong isang puting paru-paro at bigla akong nilapitan. Dumapo ito sa ilong ko. Hinayaan ko lang ito dahil natutuwa akong pagmasdan ang magandang paru-paro. Ngunit biglang nangati ang aking ilong at di napigilang bumahing kaya lumipad ito.
"Sandali lang paru-paro!"sigaw ko rito. Sinundan ko kung saan ito papunta at mas binilisan ang paghabol. May nakita akong napakaraming paru-paro.
Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sadyang parang gusto kong sundan ang puting paru-paro na dumapo sa akin kanina . Maabutan ko na sana ito ng bigla akong nahulog sa isang.................. bangin .
"Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!" lubos na kaba ang aking naramdaman habang nahuhulog
Napakalalim ng bangin at hindi ko mapigilang lumuha sa sobrang kaba.
Mamamatay na ba ako? Hanggang dito na lang ba ako? Paano na si Nanay ,ang mga kapatid ko ,si tatay?
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sariling mahulog sa napakalalim na bangin...
Paalam.........
***Author***
Hello readers first time kong magsulat ng story kaya sana suportahan niyo .Gagawin ko ang best ko para sa story na tu kaya sit back, relax, and enjoy reading.Please vote
YOU ARE READING
Krisantine's Quest
ПриключенияAte ! tumabi ka! may sasakyan ! Nagulat ako sa sigaw nya at huli na ng malaman ko dahil nahagip na ako ng sasakyan.Tumilapon ako sa daan at unti unting nagdilim ang buong paligid .May napansin akong liwanag at may malakas na hangin na humila sa ak...