Chapter 2 : Bagong Mundo

33 10 19
                                    

Buti naman at natakasan ko ang lalaking yun.

Teka...nasaan na nga ba ako?Gusto ko ng umuwi.Nadito daw ako sa lugar ng Van?Vanus?Vanessa?... Ahh Oo tama Vanisses.Yun ang sabi sa akin ng lalaki kanina.May ganon bang pangalan dito sa Pilipinas?

Wala bang tao rito? Hay maglalakad na nga lng ako baka sakaling may mahingan ako ng tulong.........


"Kamahalan....."

"Ano ba Arthur!"

"Kailangan na po nating umuwi tiyak na naghihintay na po ang ama niyo".

Tsk! Humanda talaga yung babaeng yun pag nakita ko siya.

"Tara na umuwi na tayo!"

Sinubukan Kong kapa kapain ang mapa Kung saan ko ito itinago ngunit Hindi ko ito makita.

"Ano pong problema kamahalan?"

"Yung mapa nawawala!"
Tumulong na rin si Arthur sa paghahanap ngunit hindi talaga namin ito makita.

"Kamahalan yung babae...."

Bigla namang napakunot ang noo ko sa sinabi niya at maya maya'y naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Tama yung babae!"

"Naisahan kayo ng isang babae...." rinig kong sabi ng walang kwenta kong kalaban kanina habang tumatawa.Nasa isang puno siya at nakatali.Tinali siya ni Arthur upang hindi makawala.

"At talagang buhay ka pa talaga!"

Sinuntok ko ito sa mukha at bigla na lang siyang nawalan ng malay.Psh! ang hina talaga.

"Tayo na Arthur at hanapin ang babae....!"

******

Haaay! Ilang oras na akong naglalakad at wala pa rin akong mahihingihan ng tulong.Tinignan ko ang sarili ko at nakasuot parin ako ng uniform.Nasaan ba ako? Hindi Ba't naaksidente ako? Bakit nandito ako sa lugar na ito?

Habang naglalakad ay bigla akong nakarinig ng mga boses ng tao.Sinundan ko ang boses.At bigla akong napangiti ng may makita akong isang bayan.May mga batang naglalaro,mga nagtitinda,at manggagawa!

Dali dali akong tumakbo at nagpunta roon.Bigla akong natakam sa mga tindang pagkain.Hay mukhang gutom na ako pero wala naman akong dalang pera.Tinignan ko ang buong paligid ni wala akong kakilala.Paanu na tu.

Umupo muna ako sa gilid para magpahinga.Tinignan kong muli ang buong paligid.Mahaba ang damit ng mga babae at hindi Kita ang paa at braso nila gayon din ang mga lalaki .Mga old fashioned ba tung mga tu.Wala ring kotse,motorcab,bus o kahit anong transportasyon maliban sa kalesa at mga kabayo.Bumalik ba ako sa nakaraan o di kaya'y napadpad sa ibang mundo!Haist! Ang hirap mag-isip pag gutom.Nabuhay nga ako sa pagkakaaksidente pero mamatay naman akong gutom..Ipinikit ko ang aking mata at inisip na panaginip lang ang lahat ng ito.

Ngunit bigla akong napamulat nang may marinig na pagsabog......May nakita akong mga nakasuot ng kulay itim habang sakay sakay ng kabayo.Nasisigawan at nagsisitakbuhan ang mga tao sa bayan na para bang takot na takot sa mga dumarating.Nagulat nalang ako ng biglang.Pinatatamaan ng mga nakaitim ng kanilang mga espada ang bawat naaabutang tao.Pati mga bata ay hindi nila pinalagpas.

Unti unting lumalapit and isa sa mga nakaitim sa direksiyon ko habang ako naman ay nakatingin lang at nanginginig sa sobrang takot.Papalapit na siya at muntik na akong tamaan ng hawak nitong espada ng may bigla na lang humila sa akin.....

"Takbo!"sigaw pa niya

Kahit natatakot ay pinilit Kong tumakbo habang hila hila niya ako.Natatakot akong lumingon at sa bawat pagtakbo ko ay kasabay ang mga luhang umaagos sa aking mga mata.Unang pagkakataon ko itong makakita ng may pinapatay.Naaawa ako sa bawat taong naririnig na sumisigaw at umiiyak dahil sa pagkamatay ng taong mahalaga sa kanila.

Hindi ko na kaya .Paano tu nangyari .Ramdam ko parin na may humihila sa akin ngunit nanghina ako at natalisod.
Mas lalong dumami ang luhang bumuhos sa aking mga mata dahil sa sakit na dulot ng pagkadapa.

"Binibini bilisan mo tumayo ka na maaabutan na nila tayo!"

Pinilit kong tumayo ngunit namamanhid na ang aking mga paa.Paglingon ko ay papalapit na ang nakaitim patungo sa amin may dala itong espada na handa ng ipatama .

Ngunit nang makalapit na ito at bigla nalang siyang nahulog at natumba.Napansin Kong may dugo na ito sa leeg.Sinubukan Kong tignan kung ano ang nangyari at kung sino ang may gawa sa pagpaslang rito .

Bigla akong napatitig sa isang lalaking nakasakay ng kabayo.May hawak itong espada at tumutulo ng dugo ang dulo nito.

Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy paring umaagos ang aking mga luha .Hindi ko magawang magsalita o gumalaw man lang......Unti unti siyang lumapit sa kinalalagyan ko at tinulungan akong makatayo.

"Halika na kailangan na nating umalis rito..."may malamig na boses na sabi nito.

"Kamahalan! Papalapit na po sila!"sigaw naman ng tumulong sa akin kanina....Magkasama pala sila.

Agad akong isinakay ng makisig na lalaki sa kabayo.Pagkatapos ay sumunod rin siya kaya parang niyayakap niya ako sa posisyon namin.

"Hyaaaahh!!!!!" sigaw niya at tumakbo kaagad ang kabayo ng mabilis.....





*****Author******

Anong tingin niyo sa mga characters? Mukhang maraming mag-aagawan... Hahaha sorry spoiler si author basta continue reading lang .Lovelots mwahhhh.

Please Vote

Krisantine's QuestWhere stories live. Discover now