Chapter 6 : Pagtatagpo

29 6 12
                                    

"Kainis naman tu eh!. Kung sinu-sino na ang nababangga ko makuha lang yung papel na mapa na ewan.

"Makikiraan lang po. Paumanhin po ! Hindi ko po sinasadya !" yan ang sinasabi ko sa mga taong nababangga.

Sinubukan kong tumakbo ng mabilis at nakita kong iniihip ito ng hangin patungo sa itaas. May nakita akong hagdan papunta roon kaya ito ang ginamit ko paakyat.

Pagkarating ko ay nakita ko agad ang mapa na nakapatong sa ibabaw ng mga itinitindang rosas sa gilid nun ay may mga batang kumakain ng prutas.

"Huli ka!"

Tumakbo ako at masaya na sanang kukunin yung mapa nang bigla nalang akong nakaapak ng balat ng saging at nawalan ng balanse.

"Aaaaaahhh!!!"

Akala ko ay babagsak na ako. Napansin ko nalang na may tao na palang sumalo sa akin. Nakatakip ang mukha nito at hindi ko gaanong maaninag. Nakahawak siya sa likod at bewang ko at ang lapit lapit lang namin sa isa't isa.

Humanda talaga tung mga batang tu sa akin. Hindi ba nila alam na bawal ang magtapon ng basura sa kung saan saan!

"Aaah..... maraming salamat po"

Tinignan lang ako nito. Susubukan ko na sanang umalis sa pagkakabuhat niya ng bigla niya nalang akong binitawan. Nahulog ako at bumagsak ang pwet sa lupa.

Abaaat bastos tu ahh! A.....aray ang sakit ng pwet ko. Dahan dahan akong tumayo at tinitigan siya ng masama.

"Hoy! Hindi porket tinulungan mo ako ay pwede mo na tung gawin sa akin !" sigaw ko

"Aaah talaga?" tamad niya lang na sabi.

Teka kilala ko yung boses na yun ahhh..! Dahan dahan niyang tinanggal ang nakatakip na balabal sa kanyang mukha at nagulat ako kung sino ang taong yun...

"Ikaw?!"

"Oo ako nga" nakangising sabi nito habang tinatangay ang mala kulay abo niyang buhok ng malakas na hangin..... Napakagwapo niyang tignan para siyang isang modelo sa isang brand ng shampoo. Teka nga ba't ko ba pinupuri ang unggoy na tu....

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili saka tumalikod at naglakad. Bahala ka nga sa buhay mo.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko at napaharap sa kanya.

"A......aray ano ba!"

"Nasaan ang mapa?" diretsong tanong niya.

"Anong mapa? Ano bang sinasabi mo?" pagsisinungaling ko.

"Wag ka na ngang magkaila pa! Alam kong kinuha mo yun." mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin.

"Aray ! Ano ba hindi ko nga alam yung sinasabi mo!" Sinubukan kong makawala ngunit talagang napakalakas ng unggoy na tu!

"Pag hindi mo ibinigay sa akin yun ay paparusahan kita!"

"Sinabi ngang wala sa akin eh!"

"Ibigay mo na dali" sabi niya dala hila ng kamay ko.

"Ba't ba ang kulit mo! Hindi ka ba nakakaintindi!" sabay hila ng kamay ko pabalik at dun na nakawala. Tumalikod ako at tinignan yung mapa. Salamat naman at nandoon pa rin siya.

Aalis na sana ako ng hilahin  na naman ng unggoy ang kamay ko.
Kainis na tu ahh! Pagod na pagod na ako sa kakitiran ng utak niya!.
Hindi ako nagpatalo at nakipaghilahan rin.

Bigla naman itong napangisi ng malamang hindi pala ako nagpapatinag  kaya hinila niya ako ulit ng buong lakas at doon ay napasubsob ako  sa dibdib niya habang siya naman ay bigla akong niyakap ng sobrang higpit yung tipong hindi ako makahinga. May balak ba siyang patayin ako!

Pinagsasampal ko siya kaya napabitiw ito habang ako naman ay humingal dahil sa kakulangan ng hangin.

"Sumosobra ka na!"

Lumapit ako rito at buong lakas na inapakan ang kanyang paa.

"Aa.....aaahhhh....! Humanda ka sa aking babae ka!"sigaw niya habang hinahawakan yung paa niya. Hehehe matulis pa naman tung suot kong sapin sa paa.

"Buti nga sa'yo!"

Pinuntahan ko agad kung nasaan yung mapa pagkatapos ay kumaripas na ng takbo.....

Nagtago ako sa may gilid ng nagtitinda ng mga tela kaya nung wala na akong nakitang anino ng unggoy  ay lumabas na ako at handa ng bumalik sa pinag-iwanan sa akin ng prinsepe at ni Marcus.

Agad akong tumakbo  ngunit bigla akong  natumba ng may nakabangga na naman ako.....

"Pasensiya na po ..." pag-uumanhin ko . Tinignan ko yung nabangga ko . Hindi man lang ito natumba at nanatili lang nakatayo. Mukhang ako pa ata ang nasaktan dahil dun .Ang laki kasi ng katawan niya. Nagulat naman ako ng makita kung sino taong yun.

"Arthur?"

Nakatingin lang ito sa akin at walang mababakas na ekspresyon sa mukha nito.

" Mabuti naman at nahuli mo siya Arthur."  may biglang nagsalita sa likuran ko at paglingon ko ay nakangisi na pala si unggoy. Huluh! paano na tu nandito na rin pala siya. Kailan ba ako tatantanan ng mga ito! Hay nakakainis na!

Aalis na sana ako ng bigla nalang hinawakan ni Arthur ang kamay ko.

"Arthur  please naman oh. Pabayaan niyo na ako wala naman akong ginagawang masama."

"Talaga lang huh! Bilisan mo ibalik mo na yung mapa nang mabawasan yang parusa mo."

At sumabat pa talaga tung unggoy na tu huh!

" At ano naman ang parusa ko pag sinauli ko na yung ma.......mapang sinasabi niyo?"

Binitawan na ako ni Arthur. Dahan dahan namang lumapit yung unggoy sa akin at tinignan ako ng mabuti na para bang nag-iisip pa siya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang ngumisi.

" Sa tingin ko pag sinauli mo yung mapa ay mapapababa yang parusa mo. Hmmmm..... Maaaring putulin lang yang dila mo o pwede rin namang ikulong ka ng panghabangbuhay....Ahhh hindi bago yun kailangan muna naming  putulin yang kamay mo dahil kinuha mo yung mapa at dahil narin sa pagsampal mo sa akin. At pati na rin pala yang mga paa mo ng hindi kana makatakbo....." Mahabang lintaya nito na para bang napakagaan lang ng parusa.

Napatulala  naman ako sa mga sinabi niya. Ganyan ba talaga magpataw ng parusa ang mga taga rito? Nakakatakot naman....

"Ano! Ano pa bang pinagkaiba niyan sa parusang kamatayan!" pasigaw at parang nanginginig ko ng sabi.

"Hindi ka naman papatayin eh puputulin  lang yang parte ng katawan mo" kaswal naman nitong tugon at para bang matatawa na.

" Kung ganoon ay wala sa akin yung hinahanap niyo!"

Bigla namang nagkaroon ng katahimikan sa buong paligid.
Maya maya'y lumapit nalang ang unggoy patungo sa akin at bigla niya na lang akong binuhat at isinukbit sa balikat niya.

"Aaahhhhhhhhhhh! Ano bang ginagawa mo!"

"Kung wala talaga sa'yo ang mapa ay isasama nalang kita sa palasyo.... May kasalanan ka pa ring ginawa sa akin kaya't humanda ka dahil paparusahan kita!"

"Ano! Hindiiiiiii!!!!!!!!!"





******Author ******

   Grabe yung away nila nu! Pinahirapan pa talaga si author.....

Please Vote

Krisantine's QuestWhere stories live. Discover now