Chapter 9 : Ang Misteryosong Lalaki

33 8 9
                                    


Tapos na kaming mamitas ni Savanna at sabi niya ay ibibigay daw niya yun sa kanyang ina't ama pati na rin daw sa kapatid nitong lalaki. Ang bait bait naman ng batang ito at ang sweet pa.

Tinulungan ko siyang dalhin ang mga bulaklak at naglakad kami patungo sa isang silid nang may isang dalaga ang dali daling pumunta sa kinaroroonan namin.

"Prinsessa Savanna! Saan ba kayo galing? Kanina pa po ako naghahanap sa inyo." humihingal na sabi nito. Ibig sabihin......ay isang prinsessa ang batang ito?

"Wag ka ng mag-alala Stella. Nandoon lang naman ako sa hardin namimitas ng mga bulaklak." nakangiting sabi ng prinsessa. Lumapit si Stella sa kanya at sinuri ang buo nitong katawan.

"Hay buti naman at ligtas po kayo. Pinag-alala niyo po talaga ako" sabi nito sabay yakap sa batang prinsessa. Kumalas ito sa pagyakap at pagkatapos ay tumingin ito sa akin.

"Sino ka?"nagtatakang tanong nito.

"A.......ah ako nga pala si KRISANTINE" nakangiti kong tugon.

"Alam mo Stella tinulungan niya akong mamitas ng mga bulaklak!" masayang sabi ng prinsessa. Tinitigan ako ng babae na para bang sinusuri rin ako. Imbestigador ba tu? Maya maya'y ngumiti ito sa akin.

"Kumusta ako nga pala si Stella ang personal na tagapagsilbi ng prinsessa. Ikinagagalak kong makilala ka KRISANTINE....." masiglang sabi nito. Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Mabuti pa at ipasok na natin tung mga bulaklak." sabi ko sa kanila.

"Sige! sige!" masayang tugon naman ng prinsessa.

"Oo tayo na ." dagdag pa ni Stella.

Naglakad kami patungo sa silid at masayang nagkwentuhan roon.

Naikwento ko pa nga sa kanila ang pagkaligaw ko sa lugar na ito . Naawa naman ang mga ito at pansamantala muna akong pinayagang matulog sa silid ni Stella dahil wala naman talaga akong matutuluyan. Mabait rin naman ito at madaling pakisamahan kaya masaya na rin akong siya ang makakasama ko.

******

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking balat at nakita si Stella na nag-aayos.

"Oh buti naman at gising ka na KRISANTINE. Heto may mga damit ako ito munang gamitin mo. At pagkatapos ay kumain ka muna. Sabi nito . Tumayo ako at tinignan ang damit na aking susuotin.

"Talaga! ang ganda nito Stella." manghang sabi ko.

"Oo bigay sa akin ito ng mahal na prinsessa samakatuwid ay sa kanya lahat galing ang mga damit ko. Ipanagbibili niya rin kasi ako ng mga kasuotan pag pumunta sa Van ang mga tagapagsilbi upang mamili." nakangiti nitong paliwanag sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Kung ganon ay salamat sa'yo Stella" masaya kong tugon.

"Walang anuman KRISANTINE mabuti pa at bilisan na natin kailangan ko na kasing puntahan ang mahal na prinsessa."

Nagmadali akong naligo,nagbihis pagkatapos ay kumain. Inayos na rin ni Stella ang buhok ko at tinulungan akong magbihis.

Narito kami ngayon sa hardin at nakikipaglaro ng tagu taguan sa prinsessa. Nagmumukha kaming mga bata sa ginagawa namin ngunit nakiusap ang prinsessa kaya pumayag na lang kami.

Sa parte lang ng hardin dapat kami magtatago at ako ang taya.......

" Nasaan na kayo?! Savanna?! Stella.....!"

Kanina ko pa kasi sila hinahanap sa napakalaking hardin na tu kaya napagdesisyuna ko na lang na sumuko.

Napatitig na lang ako sa buong paligid at tanging mga huni ng ibon ang aking naririnig. Nagulat na lang ako ng may maramdaman akong hininga mula sa aking leeg at may biglang bumulong.

"Napakaganda hindi ba?" sabi nito ng may malamig na boses.

Agad akong dumistansiya at nilingon kung sino ang may gawa nun. Nakita ko ang isang makisig na lalaki na ngayon ay nakatayo habang may ngiti sa kanyang labi.

May pula siyang buhok ,pulang labi, at pulang mga mata. Kakaiba ang taong ito kung tititigan .

Nakadagdag sa atraksiyon ng gwapo niyang mukha ang kakaiba nitong mga mata at kulay ng buhok.

"S....Sino ka? nauutal kong tanong. Ang ngiti nito ay biglang naging isang ngisi at dahan dahang lumapit sa akin. Napaatras naman ako ng kaunti sa ginawa nitong paglapit.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito. Pagkatapos ay napatitig sa akin.

"Ako?.........Tawagin mo na lang akong Dimithri aking binibini."
malumanay nitong sabi at hinalikang muli ang aking kamay. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang sa ginawa niya kaya hinila ko agad ang aking kamay.

"A........ah kumusta Dimithri ako nga pala si KRISANTINE." sabi ko rito at pilit hinihinahon ang aking sarili.

"KRISANTINE napakagandang pangalan at napakaganda mo rin aking binibini." nakangiting tugon nito habang inaayos ang aking buhok na nililipad ng hangin. Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa ginagawa niya.

"Aah salamat." sabi ko rito at ngumiti. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin kaya nilihis ko ang aking attensiyon sa hardin at tumingin sa mga bulaklak doon.

"Ang ganda ng mga bulaklak nu? Lagi ka bang pumunta dito sa hardin?" tanong ko rito ng hindi naiisipang lumingon.

Hindi kaagad siya sumagot ngunit paglipas ng ilang segundo ay nagsalita na ito.

" Hmmm.... hindi , naisipan ko lang pumunta ng may masilayan akong isang napakagandang dilag dito kahapon...." malumanay na sabi nito.

Teka....namitas kami ng bulaklak kahapon ni Savanna. Napatingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin rin pala ito sa akin.
Baka ibang babae yun. Ayaw ko namang maging assuming nu.

" Namimitas siya ng bulaklak kasama ang isang bata" dagdag pang sabi nito. Aaah baka ibang babae talaga yun .Pero...... bakit parang ako talaga yun? Haist! bahala na nga . Malabo naman sigurong magustuhan ako ng napakagwapong nilalang na tu.

"KRISANTINE nasaan ka na ba!" rinig kong sigaw ni Stella.

"Ah sandali lang Dimithri. Pupuntahan ko muna ang kaibigan ko."

Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa dahil bigla na akong tumalikod at umalis. Grabe kinabahan ako dun ah.

"Stella!"

"KRISANTINE? Hay ano ka ba naman kanina pa kami naghahanap sa'yo . Saan ka ba galing?"

"A....ah dun lang sa may tulay ng hardin at ako kaya yung kanina pa naghahanap sa inyo!" sigaw ko rito na tinawanan lang niya.

"Ayos lang yan KRISANTINE. Mabuti pang magpahinga muna tayo at pagkatapos at puntahan natin ang mahal na prinsessa" sabi nito .

"Mabuti pa nga ..... ah teka lang may ipapakilala......." naputol ang sasabihin ko ng makitang wala na ang misteryosong lalaki kausap ko kanina. Nasaan na kaya yun?

" Ah wala....mabuti pang umalis na tayo Stella." pagpapatuloy ko sa aking sinasabi at hinila na ito paalis.


Nakatitig sa dalagang kinahuhumalingan ang binatang si Dimithri habang nagtatago sa likod ng isang puno. Bigla naman itong napatingin sa kanyang palad na kani kanina lang ay hawak hawak ang malambot at maliit na kamay ng dalaga.

Para sa kanya ang makasama at makausap ang dalaga ay naghahatid sa kanya mula sa labis na kalugoran .At kahit sa sandaling oras niya lang itong nakasama ay parang ninanais niya na agad itong halikan at angkinin .

Dahan dahan niyang inayos ang kanyang kasuotan at tinakpan ng balabal ang makinis nitong mukha. Sumulyap pa ulit ito sa dalaga bago tumalikod at nilisan ang lugar.

" Hanggang sa muli nating pagkikita KRISANTINE ....."






*****Author*****

Araw-araw akong mag-uupdate kaya sana tangkilikin niyo yung story. Salamat pa rin sa mga nag re read kahit na walang vote hahaha love you readers!

Please Vote

Krisantine's QuestWhere stories live. Discover now