Chapter 4 : Panganib

35 10 14
                                    

Umupo ako at tinignan ang nakahain sa lamesa.Ang bango bango at napakasarap tignan.Dahan dahan akong kumuha ng mga putahe at nilantakan ang lahat ng mga iyon.Ramdam kong may nakatingin sa akin.Kaya lumingon ako at nakitang nakatingin na pala sa akin sina prinsepe Lexus at Marcus.

"Bakit..."tanong ko sa kanila

"Wala ang gana mo palang kumain." natatawang sabi ni Marcus.

"Ahhh....eh.pasensiya na hindi pa kasi ako kumakain.Kanina pa ako nagugutom."sabi ko at muling sumubo. Hindi ko nalang silang tinignan........ Hehehe bahala sila talagang gutom na ako ehh... Hindi ko na magawang maging mahinhin kapag gutom.

****

Nakahiga ako sa isang malambot na kama habang may maraming iniisip.Marami akong nakilala at parang ang bilis ng lahat ng pangyayari.Pagmulat ko ay bigla nalang akong nakakita ng gwapong nilalang...Teka ba't ko ba naiisip yung unggoy na yun.Naiimagine ko tuloy yung mukha niya.Tama,yung mapa.Kinapa kapa ko ang aking bulsa at kinuha ang papel na naroon....Ano ba ito.Hindi ko naman ito naintindihan.Ang daming nakasulat....

Hay,matutulog na nga lang ako.Pinikit ko ang aking mata at unti unting dinalaw ng antok.


*Laven Ash Vastrea*

"Mahal na hari"

Nakayuko at pagbibigay galang ko sa aking ama.

"Nasaan ang mapa?"

"Patawad po may isang lapastangang babae ang nagnakaw nun sa akin....."

"Papaano nangyari yun!"

"Patawad po nilinlang niya ako at inakit.Hindi ko na lang namalayan na nakuha na pala niya ang mapa"

"Hindi ba't sabi ko sa'yo na huwag kang magtitiwala ng kung sinu-sino at nagpaakit ka pa talaga sa isang babae!"

"Patawad po ama.Hayaan niyo at huhulihin ko ang babaeng lapastangang yun at tiyak na mapaparusahan siya sa ginawang pagnanakaw."

"Kung gayon ay hanapin mo Ang babaeng yun at kunin ang mapa sa lalong madaling panahon."

"Masusunod ama......."






Patungo kami ngayon sa Van ang bayan na sakop rin ng Vanisses.Masaya ako dahil pinayagan ako ng mahal na prinsepeng sumama.Binigyan rin nila ako ng kasuotan.Simple lang ang disenyo ngunit magandang tignan.

*Flashback*

"Kamahalan gising na po ang binibini....."narinig kong sabi ni Marcus.

"Ihatid mo na siya kung saan siya patutungo"may malamig na boses na sabi ng prinsepe.Ngunit hindi ko pa alam kung saan ang daan pauwi .

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at yumuko sa makisig na prinsepe. Lumingon siya at tila nabigla sa aking pagsulpot.

"Kamahalan,hindi ko pa po alam ang daan pauwi at maaaring maligaw lang uli ako.Pakiusap,payagan niyo po akong sumama sa inyo...."

Nakayuko lang ako at ramdam ko ang mga titig nito.Maya maya'y nagsalita rin siya.

"Hindi maaari......"

Nagulat naman ako sa naging tugon nito.

"Pero.... bakit po."

"Maaaring makasagabal ka lang sa aming pupuntahan at mapanganib ang lugar na yun.Mahina kang tumakbo at natitiyak kong hindi ka rin marunong makipaglaban."mahabang lintaya nito na biglang nagpalungkot sa akin.

Nasaktan ako sa sinabi niya ngunit tama rin naman siya.Mahinhin ako kung kumilos at walang ibang alam gawin kundi umiyak.Ngunit wala akong kilalang maaaring makatulong at baka mas lalo pa akong mapahamak kung hindi ako sasama sa kanila.Kakapalan ko na talaga ang mukha ko.Lumuhod ako at yumuko kagaya ng mga nakikita ko sa palabas.

Krisantine's QuestWhere stories live. Discover now