Chapter 7 : Tulisan

27 9 16
                                    

Naglalakad ako habang sina Arthur at ang unggoy ay prenteng nakasakay sa kanilang mga kabayo.

Niyaya na sana ako ni Arthur na sumakay  ngunit pinigilan ito ng lalaking sobrang sama ang ugali.

Kainis!nagmumukha tuloy akong hayop nito . Biruin niyo! nagawa pa nga niyang itali ang leeg ko ng lubid habang hila hila niya ito.

"Wala pa ba tayo?!"

"Aba't parang nananabik ka na ata sa parusang ipapataw sa'yo!" sabi niya dala hila ng lubid.

"Aray ano ba!" pasigaw kong sabi.

Habang hinihila niya ako ay para namang masasakal ang leeg ko. Paano ba ako makakatas dito tiyak akong hinahanap na ako ni prinsepe Lexus at Marcus.

"Bilisan mo nga jan! Matatagalan tayo sa sobrang bagal mo!"

"Eh kung sana ay ipinasakay mo ako sa kabayo ay kanina pa tayo nakarating!"

"Ayaw ko nga parusa na rin yan sa lahat ng kasalanang ginawa mo sa akin!"

"Sabi mo doon na ipapataw ang parusa ko. Ba't dito pa lang pinapahirapan mo na ako!"

"Ba't ba ang ingay mo! Manahimik ka nga jan!"sabi nito at hinila ulit ang lubid. Sumosobra na talaga tung unggoy na tu!

*Arthur*

Hindi ko maiwasang maawa sa babaeng hirap na hirap na sa paglalakad. Wala rin naman akong magawa dahil ang trabaho naming mga bantay ay protektahan at sundin ang utos ng aming pinaglilingkuran. Tanging ang babae lang ito ang nagtangkang lumapastangan sa mahal na prinsepe.

Sa aming kaharian ay walang nagtatangkang kumalaban o manakit man lang sa aming prinsepe. Kilala ito bilang isang taong walang kinatatakutan at ayaw na ayaw nito ang sinasagot sagot. Mabilis rin itong magalit at mahilig manakit ng iba. Kung ano ang gusto niya ay siyang dapat masusunod.

Nagulat na lang kami ng biglang bumagsak sa lupa ang babae.

"Hoy! ano ba tumayo ka nga jan.." rinig kong sigaw ng prinsepe.

*KRISANTINE THURPOS*

"Hoy! Ano ba tumayo ka nga jan..." rinig kong sigaw ng taong dahilan ng paghihirap ko ngayon .

Wala na akong lakas para tumayo at nanatili na lang nakayuko. Hindi ko alam kung  bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Ayaw ko na rito gusto ko ng umuwi.......

Napansin ng dalawa na hindi na ako gumagalaw at nanatili na lang nakaupo sa posisyon ng pinagbagsakan ko. Bumaba silang dalawa upang tignan kung ano ang nangyayari sa akin.

Naramdaman kong umupo ang unggoy para magkapantay kami at tinignan ako. Pinigilan kong hindi mapahagulgol  ng iyak. Napaka iyakin ko talaga!

Napansin kong hindi siya nagsasalita at nanatili lang nakatingin sa akin.

"Kamahalan , sa tingin ko kailangan muna nating magpahinga." narinig kong sabi ni Arthur. Umabot ang ilang
segundo at hindi pa rin ito nagsasalita.

"Kamahalan?" tanong ulit ni Arthur.

" Ah.............sige maghanap muna tayo ng paglilipasan ng gabi rito." rinig kong tugon nito.

Naramdaman ko na lang na umalis na pala siya at narinig ang hakbang niya papalayo. Nakita kong papalapit sa akin si Arthur at tutulungan sana akong makatayo ng ilayo ko ang aking sarili sa kanya at sinubukang tumayo ng mag-isa.

Mag-sama sila ng kamahalan niyang unggoy!

Lumipas ang gabi at doon nga kami nagpahinga . May apoy sa gitna namin habang ako naman ay nakasandal lamang sa puno at hindi sinubukang magsalita.

Krisantine's QuestWhere stories live. Discover now