Pito

17 9 0
                                    

Dalawang araw na ang nagdaan mula nang gabing iyon ngunit kahit isang text manlang ay wala na akong natanggap mula kay Gideon

Hindi ko alam kung bigla siyang naglaho. Dalawang araw na rin akong walang ganang kumain at nandito lang sa kuwarto, nagkukulong

Lagi kong binabantayan ang aking telepono. Kaya bawat pag tunog nito ay nagbibigay saakin ng kaba. Ngunit nadidismaya nang malamang hindi siya ang nagtext

Habang nakahiga sa aking malambot na kama at nagbabasa ng ilang libro na galing sa aming library ay narinig kong tumunog ang aking cellphone hudyat na may isang mensaheng dumating

Napabangon ako bigla at nagmadaling kunin iyon. Ngunit nang masilayan ang pangalan ni keesen roon ay nahilamos ko nalang ang mga palad ko sa aking mukha

From Keesen:

Pasensya na girl kung di na ulit kita napuntahan diyan, biglaan kasi ang pagpunta ko sa Canada. Pinahawak muna saakin nila mommy ang aming business habang wala siya

Matamlay akong nagtipa ng sagot

To Keesen:

Ayos lang. Naiintidihan ko. Sorry nga pala sa pag iwan ko sayo sa bar sigurado naman akong may naiuwi kang lalaki

At doon na nga umikot ang aking buong araw. Baba pagkakain, pagkatapos ay babalik sa loob ng aking kuwarto at muling magbabasa

--

Isang tawag at katok muli ang gumising saakin kinabukasan

"Ma'am Aria! Andiyan po amg kaibigan ninyo sa baba hinihintay kayo!" sigaw nito

Tamad akong bumangon. Akala ko ba'y nasa Canada si Keesen?

"Sandali lang at maghihilamos ako manang" pagkatapos na maghilamos ay hindi na ako nagpalit suot suot parin ang magkapares na pantulog sa aking pagbaba

Muntik na akong mahulog sa hagdanan sa pagtakbo pababa upang salubungin ng yakap ang naroon. Hindi ko inakalang siya ang makikita ko rito ngayong umaga

"Mukang miss na miss ako ni Aria ko ah hmm" saad nito gamit ang kaniyang lalaking lalaking boses. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking tenga dahil sa sobrang lapit ng katawan namin

Ilang beses ko siyang sinuntok sa dibdib. Nang napagod ay muli akong yumakap sakaniya. Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng aking luha dahil sa lahat ng frustrations na nakuha sa kaniyang biglaang pagkawala

"Wag ka umiyak please? Pasensya na" ginawaran niya pa ako ng halik sa aking noo

"A-akala ko di ka na magpaparamdam nakakainis ka!" kumalas siya sa aming yakap at hinawi ang mga luha na lumalandas sa aking pisngi

"Nagtrabaho kasi ako sa isang café, sakto at umalis raw ang isang staff nila, pero babalik rin agad. Umaga ang oras nang pagtatrabaho ko roon at sa gabi naman ay nagtatrabaho ako sa bar bilang waiter kaya ayon wala na akong oras para magtext pag dating ay bagsak agad sa kama at hinihila na ng antok, sorry Aria" saad niya gamit ang isang malambing na boses

"Bakit kasi kailangang pumasok ka pa sa café?!" tanong ko gamit ang pasigaw na tono

"Hindi ba't nangako akong ililibre kita sa enchanted kingdom? Kaya kailangan ko ng extrang pera" seryoso niyang sabi habang titig na titig saakin

"saka bakit sabi mo waiter ka sa bar? doon parin ba sa dati? Hindi ba't stripper ka?"

"pumayag lang ako na sumali roon dahil nagkulang sila at sakto namang kailangan ko ng pera dahil malapit na ang birthday ng kapatid kong si stace.sa isang araw iyon, aasahan kita ha?" tumango tango ako ng magiliw

MellifluousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon