Dalawpu't isa

14 2 0
                                    

Halo halo na ang aking mga nararamdaman. Kaba, matinding kalungkutan at poot

Wala sa sarili kong binuksan ang pinto gamit ang susing nakuha mula sa babae sa front desk

Bumungad saakin ang kadiliman. Tulala akong umupo sa sofa at pinakinggan ang bawat halinghing ng babaeng kasama niya ngayon sa kuwarto

Bawat marinig kong tinig ng dalawa ay tila isang kutsilyong sumasaksak sa aking dibdib

Tahimik na tumutulo ang aking luha. Hindi na ako nag abala pang punasan iyon dahil mapapagod lang ako sa kakasangga kahit alam ko namang wala iyong katapusan

"Ughh babe isagad mo pa! Fuck Gideon!" impit na tinig ng isang babae

"Ughhh ang sikip" hindi ako makapaniwalang si Gideon ang aking naririnig. Nabibingi ako sa kataksilang ito

Hindi ko na kaya, ano mang oras ay sasabog na ako

Nang sa palagay ko ay tapos ng paligayahin ng aking nobyo ang makating babaeng iyon ay naghanda na ako

Mahigpit kong kinapitan ang sling bag na aking suot

"Ang laki talaga niyan babe! Pwede ba natin itong ulitin? Kahit magkano ay babayaran kita" sambit ng babae gamit ang malanding tono

Napapikit nalang ako sa naririnig. Kahit minsan ay hindi ko to inaasahan

Naririnig ko na ang kanilang yapak. Sa paglabas ni Gideon ay namutla ito at nanlaki ang mata

Nang magtama ang aming mata ay tila gusto ng bumigay ng aking katawan

"A-aria anong g-ginagawa mo r-rito?" ngumiti ako ng peke at tumayo

"Masarap ba Gideon?" iyon ang unang lumabas sa aking bibig kahit na marami akong gustong itanong

Kung paano niya nagawa saakin ito? Hindi niya na ba ako mahal?
Ang akala ko ba ay umayaw ka na sa trabahong ito?

"Wait! Who are you bitch?! Pano ka nakapasok dito?! Tatawag ako ng Guard! Are you thief?! Oh My Gosh!" maarte nitong saad

Napataas ang aking kilay "Oh wait! What did you say? Bitch? E ikaw? Slut? Nagbabayad ng lalaki para ikama ka? Oh I pity you. And thief? Baka ikaw pa ang magnakaw saakin pag nalaman mo kung sino ako? Go tumawag ka, isama mo na rin yang maruming lalaki sa tabi mo! Fuck y'all!" tila sasabog na bulkan ang babae sa akong harap

Nababakas rin ang sakit sa mga mata ni Gideon. But who cares?!

Agad akong tumalikod at lumabas sa maruming kuwartong iyon. Baka mahawa pa ako sa kati ng babaeng mukang bulldog na yon!

Saktong paglabas ay nahuli ni Gideon ang aking kamay at pinilit akong iharap sakaniya

"B-baby hayaan m-mo akong magpaliwanag.." pagsusumamo nito

"Ipaliwanag ang ano? Na nangati ka kaya ka humanap ng babaeng pokpok dyan sa kanto? Tigang na tigang?" akma nitong ibubuka ang kaniyang bibig ngunit muli akong nagsalita

"Oh wait! Sana naman naghanap ka ng mas maganda sakin. Nakakainsulto e. Fuck! pinagpalit ako sa bulldog! Hayaan mo next time magsabi ka sakin hahanapan kita ng hindi cheap na babae" saad ko sabay tapik sa kaniyang balikat

Nang makita ko ang mata nitong namumula at handa ng umiyak ay tumulo na nga muli ang kanina pang pinipigilang luha

Sa muling pagbabalak na makatakas sakaniya ay nahahuli niya ulit ang aking kamay

Nabigla ako ng lumuhod ito sa aking harap at humagulgol na tila bata

"M-mahal wag mo a-akong iwan.. Hayaan m-mo naman akong m-magpaliwanag oh?" kumapit ito sa aking binti

"N-nagmamakaawa na ako, huwag mo akong iwan" umupo ako upang mahanap ang kaniyang mga mata

"Gideon.. Magkano buong buhay mo? Sabihin mo naman please. Bibilin ko para lang makasama kita habang buhay.. Sabihin mo, magkano ka?" hindi ko na makilala ang sarili kong boses ngayon

Punong puno ito ng kalungkutan at sinseridad. Niyakap ako ni Gideon at pinaulanan ng halik sa aking balikat at noo

"Kahit bilin ko ang buong buhay mo, kung hindi mo naman para saakin nilaan iyan ay magmumuka lang akong kaawa awa. Desperadang babae. A-ako si A-ariadne Calixta L-leodones" ang aking mga hikbi ay hindi na matago

"G-ginago mo s-si A-ariadne C-calixta Leodones" halos hindi ko na masabi ang linyang iyon. Kasabay ng pagsambit ko roon ay inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking binti at tuluyan ng naglakad palayo sa inaakala kong panghabang buhay

Naglakad palayo kay Gideon..

Halos wala na akong makita. Malabo ang aking mata dahil sa patuloy na pag agos ng aking mga luha. Wala na akong pakialam sa mundo. Kung yung mundo ko nga dinurog ako

--

Himalang nakauwi pa ako ng ligtas sa aming mansyon

Nagkalat na mga body guard at maids ang bumungad saakin

"Ma'am Ariadne! Saan ba kayo nanggaling?! Naku! Galit na galit sila Sir at Ma'am!" sabi ng isang maid na sumalubong saakin

Ngunit kahit tapunan ito ng tingin ay hindi ko ginawa. Tuloy tuloy lamang ako papasok

Katulad ng aking inaasahan ay galit na mga magulang ang aking naabutan

"Aria! Saan ka ba nanggaling! Nakipagkita ka nanaman ba sa lalaking iyon?! Alam mo ba kung gaano mo kami pinagalala ng Daddy mo?!" sigaw nito ngunit nanatili lamang walang reaksyon ang aking mukha

"Kahit talaga anong gawin namin ay matigas parin ang ulo mo! Isasama ka na namin sa Paris! Hinding hindi ka na babalik rito!" halos lumabas na ang lalamunan ni Mommy sa pagsigaw nito

Tumango lamang ako at akma ng aakyat ng hagdan

"At saan ka pupunta Ariadne Calixta?!" pahabol pa nito

"Mag iimpake. Hindi ba't sabi mo dadalin mo na akong Paris?" nalaglag ang panga nito. Ang inaasahan kasi nilang reaksyon ko ay tututol sa kanilang pasya

Tuluyan na nga akong umakyat at pumasok sa aking kuwarto. Kinuha ko ang aking mga maleta at sinilid halos buong kuwarto ko roon

Nang mapunta ang aking paningin sa teddy bear na nakaupo sa gilid ng aking kama ay nilapitan ko iyon at dinampot. Galing ito kay Gideon

Hinagis ko iyon palabas ng bintana at nagpatuloy sa aking ginagawa. Nang sa palagay ko ay kumpleto na ang aking mga gamit ay naupo ako sa aking kama at inisip kung totoo nga ba ang mga nangyayari ngayon

Nabalik lamang ako sa aking sarili ng pumasok si Manang Ofelia sa aking kuwarto

Hindi ko alam kung bakit tumulo nanaman ang aking luha ng maramdaman ang mainit na yakap nito

"Anak sabihin mo saakin ang nangyari" ng ikwento ko ang buong pangyayari ay hindi rin ito makapaniwala

"Aba't gago iyon! Pero anak Aria.. Sigurado ka na ba sa desisyon mong sumama sa ibang bansa sa mga magulang mo?" tumango ako rito

Alam kong nalulungkot si Manang

"Manang Ofelia.. Wag ka na malungkot. Iiwanan ko ang laptop ko rito para makakapag skype tayo. Hayaan mo kung maari ay ipasusunod rin kita roon" niyakap muli ako nito ng mahigpit

Mabilis na natapos ang araw na iyon. Mamayang madaling araw na rin kami lilipad patungong Paris

Ngayon ay nakatanaw ako sa aking bintana at pinanonood ang mga bituin. Naalala ko pa noong narito pa sa baba si Gideon

Napailing nalang ako. Bakit ko pa ba iniisip ang lalaking iyon! Nang mahimasmasan ay binuhat ko ang hawla ng aking ibon

"Hi" saad ko rito. Humuni naman ito pabalik saakin

Alam ko ang nararamdaman mo. Pinuwesto ko iyon sa aking bukas na bintana

Pinikit ko ang aking mga mata at kasabay ng muling pagmulat ay ang pagbukas ko sa pinto ng hawla nito

Nagmamadali itong lumipad palayo. Sinundan ko na lamang siya ng aking tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa madilim na kalangitan

"Malaya ka na.. Sana ganito rin kadali palayain ang sarili ko"

--
Plagiarism is a crime

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MellifluousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon