Binawi ni Gideon ang aking braso sa kamay nang lalaki
"Hindi siya, ako ang magpapaturo" tinaasan ko siya nang kilay dahil doon
"G-gusto ko din Gideon" saad ko gamit ang mahinang boses
Ilang minuto pa ang lumipas saka lamang pumasok sa aking utak ang nangyayari. Nagseselos is Gideon!
"Isasakay kita mamaya baby, hahawakan ko ang kabayo sa tali saka kita ililibot sa lugar. Ayos lang ba iyon?" bumaling naman ang aking mata sa lalaki
"A-ayos lang naman susunod nalang ako sainyo para bantayan kayo mamaya" nautal pa ito habang nagsasalita
"Lourdian pala. Tara na baka abutin kayo nang takipsilim kung mamaya pa tayo magsisimula" sabay talikod nito at pinasunod kami sakaniya
Pag dating sa kuwadra nang mga kabayo ay namangha ako sa dami nang mga naroon
"Wow! Ang daming kabayo!" sambit ko habang nililibot ang aking mata
Nang maayos na ang kabayo ay pinaunang sumakay si Gideon saka pumwesto si Lourdian sa kaniyang likod
Takip takip ko ang bibig upang ang aking halakhak ay hindi kumawala
Kitang kita ang pagkailang sa mga mata ni Gideon. Gusto mo yan ha!
Pinanonood ko lamang sila habang tumatakbo nang mabilis ang kabayo sa paligid
Ang braso ni Lourdian ay nasa bandang bewang ni Gideon upang hawakan ang tali nang kabayo
Gusto ko rin sana noong una ngunit habang tinititigan ang kanilang ginagawa ay parang ayaw ko na. Paniguradong maiilang ako at uusok lang ang tenga nitong lalaki ito
Umabot nang ilang oras ang pagsakay nila roon. Magtatanghalian na at napagkasunduan naming bumalik muna sa bahay para kumain
Habang tinutungo ang aming mansyon ay nasa aking bewang lamang ang kaniyang braso
Hindi ko na napigilang magtanong "Anong pakiramdan baby?" humagikgik pa ako pagtanong ko roon
Namula siya na parang isang kamatis kaya ang halakhak na kanina pa pinipigilan ay lumabas na nga "Para kayong mag jowang nagkakahiyaan!" dagdag ko pa sa pang aasar
"Mas ayos na iyon kesa ikaw ang makita ko sa ganoong posisyon" si Gideon habang seryosong seryosong nakatitig sa daan
"Bakit ka ba kasi nagseselos baby, siguro naman ay hindi mag tatake advantage yon, mukang mabait naman" ngumuso pa ako
"Hindi kita kayang makitang nakasakay sa kabayo habang nasa likod mo yung ugok na yon! Tapos yung kamay andon pa sa bewang mo! Malapit pa ang muka! ano sa tingin mo? Hindi ako magseselos?!" sermon nito saakin
Nakarating na kami sa resthouse ngunit simula nang pagtalunan iyon ay hindi niya na ako kinausap
Habang muling nagluluto nang tanghalian sa kusina ay nilapitan ko siya saka mahinhin na hinitak ang gilid nang kaniyang damit
"Pansinin mo na ako baby, sumunod naman ako sa gusto mong mangyari" nakayuko kong sabi
Ginulo niya ang aking buhok at dinampian ito nang isang magaang halik sabay hinawakan niya ang aking baba at tinaas ito
"Oh sige na, huwag ka na malungkot. Pasensya na rin kung hindi ako pumayag kanina ha? Wala lang talaga akong tiwala sa lalaking yon" ngitian ko lamang siya at tumango tango
Totoo namang naiintindin ko siya, siguro kung babae iyon ay hindi rin ako papayag lalo na kung ganoon kalapit ang kanilang katawan
Pagtapos kumain nang kaniyang hinandang tinola ay bumalik na kami kaagad kila Mang Theodore
BINABASA MO ANG
Mellifluous
RomanceIsang ibong walang karapatan na pumili sa kaniyang daang tatahakin. Napadpad sa isang sayawan, namulat sa reyalidad at nagkaroon ng isang kasunduan. Pera kapalit ng dignidad, pero nang lumaon ay naging pera kapalit ng puso. Sa pagkakataon bang ito a...