"Mmmmmp! Mmmp! Mmpp!" pinipilit kong sumigaw kahit na mas malakas kung sino mang tao itong nakatakip sa aking bibig"Shhh wag kang maingay" nang marining ang boses na iyon ay kakaibang kaba ang aking naramdaman hindi na dahil sa mga lasing na nais na maikama ako
"Oh san nagpunta yon Kulas?! Tangina naman oh! Lamang tiyan na naging bato pa!" saad nang isa na halatang halata gigil na gigil na gigil dahil sa aking biglang pagkawala
"Masyado na yata tayong lasing at kung ano ano nang nakikita natin! tara na nga umuwi" saad ng isa pang boses
Ng marinig ang mga tunog ng yapak na papalayo ay nakahinga na ako ng maluwag
Niluwagan ng tao sa aking likod ang pagkakatakip sa aking bibig nang tuluyan nang nakaalis ang mga lasing
Pagharap ko ay halos maubusan ako nang hangin ng makumpiramang tama ang aking hinala. Siya iyon! Si Gideon! Niligtas niya ako!
"S-salamat" pagkasabi ko noon ay naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi
Ngunit ang inaasahan kong ngiti na aking matatanggap ay wala. Sa halip ay tinitigan niya ako gamit ang kaniyang nagliliyab na mata, mas madilim ito kaysa sa kanina
"Bakit ka nandito?" saad niya gamit ang nakakatakot na tono. Napayuko na lamang ako
"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?! Paano kung wala ako dito?! Edi narape ka na nang mga tarantadong mga lasing na iyon?! Sa tingin mo papayag ako na mangyari sayo yon ha?! Tapos ganiyan pa ang suot mo, bat di ka nalang naghuba-" hindi ko na siya pinatapos. Niyakap ko sya ng mahigpit at napatigil siya dahil roon
"Pasensya na gusto ko lang naman malaman kung saan ang bahay niyo" saad ko gamit ang mahina at nakakaawang boses na kahit kailam ay hindi ko pa nagagamit, ngayon palamang
Pagkalas ko sa aking yakap ay saka ko palamang pumasok sa aking utak ang ginawa, parehas ang eskpresyon ng mukha namin, gulat sa nangyari
Nakita ko rin ang pag iiba nang kaniyang mata ang kaninang nag aalab sa galit ngayon ay malambot na ang kaniyang pagtitig
Napakislot ako nang guluhin niya ang aking buhok
"Hindi mo naman kailan sundan ako at magtago para makarating sa bahay namin, sana ay sinabi mo dadalhin kita. At sisiguraduhin kong wala yung mga asungot na yon" muli nanamang nag init ang aking pisngi sa kaniyang sinabi
"Sus eh tinakasan mo nga ako kagabi!" sa parteng iyon ay para akong isang batang inagawan ng kendi
"Hindi ko kasi kaya pasensya na Aria" sambit niya at unti unting yumuko
"Gusto ko kasi na pag ginawa ko iyon eh, doon na sa babaeng makakasama ko habang buhay" marahan niyang paliwanag
Tumigil ang pagkislot ng kung ano sa aking tiyan dahil don at sa di maipaliwanag ay bigla akong nadismaya
"A-ah pasensya na kung pinilit kita. Heto ibibigay ko parin sa'yo ang 20,000 pesos" sabay hinugot ang cheke at nagsulat roon saka pinilas at inabot sakaniya
"Pasensya na talaga, hindi ko sana ito tatanggapin pero kailangan na kailangan ko talaga ng pera" si Gideon
"Ayos lang, bawi ka nalang para hindi mo isipin na di mo deserve 'yan" saad ko sabay pakita ng isang pekeng ngiti
"Paano naman?" kunot noo niyang tanong saakin
"Tara sa mall? Libre ko don't worry" alok ko sakaniya
"Sure! Pero sa ngayon umuwi ka muna, delikado na nang ganitong oras. Hindi ka ba hinahanap ng nanay at tatay mo?" nalungkot ako dahil sa kaniyang tanong. Wala naman kasi sila mommy at daddy
BINABASA MO ANG
Mellifluous
RomanceIsang ibong walang karapatan na pumili sa kaniyang daang tatahakin. Napadpad sa isang sayawan, namulat sa reyalidad at nagkaroon ng isang kasunduan. Pera kapalit ng dignidad, pero nang lumaon ay naging pera kapalit ng puso. Sa pagkakataon bang ito a...