Pupungas pungas akong tumayo sa kama at dumiretso sa banyo
Ngayon ang araw ng aming alis, tutungo na kaming Batangas upang doon naman mamalagi ng ilang araw
Sinabihan ko na rin si Mang Rodel na sunduin kami pag patak ng alas nuebe
Kinabahan rin ako dahil ito ang unang pagkakataong makikilala ko ang kaniyang lolo at lola
Paglabas ng banyo ay naamoy ko na ang niluluto ni Gideon. Madali akong nagbihis at tumungo sa kusina
Natunugan agad niya ang aking pagdating "mag aalas nuebe na, sakto at luto na itong niluluto kong sinigang na hipon. Tara na kumain para handa na tayo pag dating ni Mang Rodel" kasyual na saad nito
Tahimik lamang kaming kumakain. Tanging kalansing lang ng tumatamang kutsara at tinidor sa plato ang naririnig
Maya maya pa ay nagsalita na nga ito "Baby mainit ngayon sa Batangas, hindi mo pwedeng gamitin yang nga damit mong dala" taka akong tumingin sa kaniyang seryoso mukha
"Eh anong isusuot ko?!" hysterical na tanong ko
"Hihiraman kita kay lola o baka may naiwang damit doon ang mga pinsan kong babae" naiisip ko pa lamang ay para na akong hihimatayin
"Sige ayos lang" iyon nalang ang aking nasabi bago makarinig ng isang busina mula sa labas
Dinampot ni Gideon ang aming dalang bag saka ito nilagay sa likod ng kotse, samantalang ako ay pumasok na sa loob
Habang nag babyahe ay inaliw ko nalang ang aking sarili sa pagtatanong sakaniya ng kung ano ano
"May bukid kayo?" isang marahang tango ang natanggap ko mula rito
"Iyon lang ang kinabubuhay namin doon. Pagtatanim ng mga gulay saka palay" saad niya
"Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin kong sa ganoong lugar tumira. Tahimik saka malinis ang hangin. Maglaro sa ilalim ng tirik na tirik na araw kasama ang iba pang bata, kaysa mag isa sa isang air conditioned na kuwarto" hinawakan niya ang gilid ng aking ulo saka nilapit sakaniyang bibig. Ginawaran ako nito ng halik sa sentido na nakapagpagaan sa aking loob
"Pwede ko ba subukang gawin ang araw araw mong ginagawa doon?"
Hinawakan niya ang aking kamay saka hinalikan ang likod noon "Kung hindi ka sanay ayos lang, hindi naman ganoong pamumuhay ang ibibigay ko sayo Aria. Magsisikap ako para maibigay ang nakasanayan mong buhay" agad akong umiling upang ipakita ang hindi pag sangayon
"Ayos lang sakin kahit ano, basta ikaw ang kasama ko Gideon" habang sinasabi iyon ay nakatitig lamang ako sa kaniyang mapupungay na mata para makita niya ang sinseridad doon
Akmang magsasalita pa ito ng biglang magsalita si Mang Rodel
"Sir, hanggang dito ko nalang ho kayo kayang ihatid, hindi po pupwede ang kotse sa bukid na iyon, mukang may tanim pa" sumilip si Gideon bintana upang tanawin ang sinasabi nitong bukid
"Ayos lang Mang Rodel, ayon nalang naman ang bahay nina Lolo at Lola sa pilapil nalang kami dadaan, salamat!" nauna siyang bumaba saka binuksan ang pinto sa aking gilid
Paglabas palang ay sabik na sabik na ako, bumungad saakin ang huni ng mga ibon na tila umaawit at nagsasayawang dahon ng mga puno
Dinipa ko ang aking kamay saka gumalaw paikot upang damhin ang paligid. Pagtigil ko ay umiikot parin ang paligid, tuluyan na nga akong nawalan ng balanse
Siguro kung wala si Gideon sa aking likod ay lupa ang sasalo sa aking katawan
"Ingat baby, baka sabihin ng parents mo hindi kita inaalagaang mabuti" giniya niya ako sa aming lalakarang pilapil, maputik ang baba noon kaya maingat naming binalanse ang aming katawan
BINABASA MO ANG
Mellifluous
RomansIsang ibong walang karapatan na pumili sa kaniyang daang tatahakin. Napadpad sa isang sayawan, namulat sa reyalidad at nagkaroon ng isang kasunduan. Pera kapalit ng dignidad, pero nang lumaon ay naging pera kapalit ng puso. Sa pagkakataon bang ito a...