Labing anim

12 6 0
                                    


Sa pag gising ay katawan agad ni Gideon ang aking hinanap. Nang matangtong wala na siya sa aking tabi kahit wala pang hilamos at mumog ay lumabas na ako ng kuwarto

Na hagip ng aking mata ang nobyong abalang abala sa pagtapos ng isang kahoy na lamesa. Nilibot ko pa ang aking mata at namataan ang ibang abala rin sa kaniya kaniyang ginagawa

Naninibago ako dahil kadalasan sa tuwing lalabas ako ng aking kuwarto ay mga maids lang na abala sa kanilang mga trabaho ang nakikita ko

Nagtatawanan ang mga ito ngunit natigil ng mapansin nilang pinanonood ko sila

"Oh apo gising ka na pala! Pagpasensyahan mo na ang ingay namin, nagising ka ba?" ngumiti lamang ako saka sinabayan ng iling

"Hindi na kita ginising ang himbing kasi ng tulog mo, pasensya na kung iniwanan kita sa kama" saad naman ni Gideon. Pawang katahimikan lamang ang aking sinukli

Pagkatapos mag umagahan ay lumabas kami sandali ni Gideon upang libutin muli ang kanilang lugar

Dinala niya ako sa isang ilog. Tanging pag agos lamang ng tubig ang aming naririnig

Naupo ako sa batuhan at nilubog ang aking paa. Malamig ang tubig kaya't masarap sa pakiramdan

"Masarap kaya tumira sa malapit sa dagat? Iyong paglabas mo makikita mo agad ang paghampas ng alon sa dalampasigan" umupo na rin siya sa tabi ko, nilubog ang kaniyang paa saka hinimlay ang ulo sa aking balikat

"Mas sasarap tumira sa ganoon pag ikaw ang kasama ko. Kahit saan naman Aria gusto ko, basta't kasama kita" nakagat ko ng mahina ang aking labi dahil doon. Ito talagang lalaking to hindi na nawalan ng banat

"Puwede bang maligo dito? Malalim ba?" sa tagal na nakalubog ang aking paa ay naakit na ako ng tubig na lumublob kahit saglit lamang

"Hindi baby, marumi ang tubig, diyan kasi naliligo ang mga kalabaw" sa bigla sa kaniyang sinabi ay agad kong iniahon ang aking paa

Ang aking palad ay sunod sunod na tumama sa kaniyang braso

"Masakit mahal! Tama na!" si Gideon habang humahalakhak

Nagtagal pa kami roon hanggang magtanghali, saka lang namin napagdesisyunang bumalik ng makaramdam ng gutom

Kasalukuyan kaming nasa kusina at pinanonood si Lola Nelia na maghanda ng sangkap ng kaniyang lulutuing adobo

"Adam apo, humuli ka ng isang manok roon sa likod, saka niyo linisin ng lolo mo" pumalakpak ang aking tenga sa narinig, noon ko pa pangarap na manghuli ng manok!

"Gideon ako nalang manghuhuli!" taas ang isang kilay itong tumingin saakin

"Hindi ka marunong, baka masugatan ka baby. Hayaan mong ako nalang" napasimangot ako sa narinig. Nang tatalikod na ito ay muli kong hinawakan ang kaniyang braso

"Please Gideon gustong gusto ko talaga manghuli ng manok" matagal ito bago sumagot. Kahit na may pag aalinlangan ay napa'oo ko naman siya gamit ang aking charms

Pagdating sa likod ng bahay ay nagulat ako sa dami ng manok na nandoon. Sa tingin ko ay nasa dalawapu ito!

Napalunok ako ng mariin, mukang mahihirapan ako dito

Sinubukan kong maghanap ng target saka iyon hinabol ngunit napasama pa. Natakot ang ilang manok kaya nagsitakbo ang mga ito

Napakamot ako sa aking ulo at naupo sa gilid, maya maya pa isang ideya ang pumasok sa aking utak

Tumayo ako at dahan dahang nilapitan ang isang matabang manok, ng akmang dadamputin ko na ito ay nagsiliparan ng mababa halos lahat ng nandoon at nagkagulo

Napagitna ako sa mga ito kaya napaupo ako sa takot na magasgasan ng matutulis na kuko

Nang matapos ang kaguluhan ay napuno ng balahibo ang aking buong katawan. Ang ilan ay pumasok pa sa aking bibig

Isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid "Aria ayos ka lang ba?" hindi ko namamalayan nakalapit na si Gideon saakin

Tinanggal niya ang natira pang balahibo at tinayo ako nito. Matapos pagpagin ang maduming daster ay sinuri niyang mabuti ang aking katawan kung may galos ba iyon

"Makulit ka kasi mahal! Ang sabi sayo ako nalang dahil mga pilyo at pilya itong mga manok na ito! Hayaan mo at kakatayin ko silang lahat! Sinasaktan nila ang prinsesa ko ha" sa hindi malamang dahilan ay napayakap nalang ako sakaniya

Dala na rin siguro ng matinding takot sa nangyari kanina at gusto kong makaramdam ng seguridad. Seguridad na sa kaniyang bisig ko lamang nakukuha

"May masakit ba saiyo? Ituro mo saakin. Gagamutin ko agad kung mayroon nga" tanging iling lang ang aking magawa dahil hindi pa nawawala ang gulat sa nangyari




Pagbalik namin sa loob ay alalang alala rin sina Lola Nelia at Lolo Anong kaya siniguro ko rin sakanilang wala naman akong natamong sugat



Matapos mapanatag sa aking kalagayan ay bumalik na sila sa kani kanilang gawain. Si Lola Nelia ay nag gigisa, si Lolo Anong ay ginagawa parin ang lamesa at si Gideon ay nanghuhuli na ng manok na iaadobo



Pinanonood ko lamang silang lahat, pati ang kanilang mahihinang asaran at tawanan. Hindi ako makapaniwalang sa ganitong klaseng pamumuhay ay kaya mong maging tunay na masaya. Hindi pala sa pera at materyal na bagay lang nakukuha ang iyon



Ang kaninang masiglang aura ay napalitan ng lungkot. Pinalaki akong naniniwalang pera lang ang batayan sa buhay, pera lang ang kailangan para sumaya



Nagulat nalang ako ng makaramdam ng presensya sa aking tabi. Nakabalik na pala si Gideon



"Natatakot ka pa ba sa manok baby? Wag ka ng malungkot please? Tingnan mo ito oh. Kasing ganda mo ito pag nakangiti ka" isang pulang rosas ang bumungad sakin


Unti unti na ngang sumilay ang matamis na ngiti sa aking bibig. Sa simpleng salita lang talaga niya ay nagagawa niya na akong pangitiin



Pinaulanan niya ako ng halik sa aking leeg matapos kong tanggapin ang kaniyang binibigay. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala itong lalaking to. Sana kaya kong patigilin ang oras

--

Dahan dahan akong nagsasalin ng mabangong adobo sa aking harap, mapapalaban nanaman ako nito!



Habang kumakain ay hindi ko napigilang magtanong kay lola



"Lola hindi ho ba kayo naiinip rito? Hindi niyo alam gamitin ang cellphone niyo, tapos wala rin naman hong kuryente rito kaya hindi rin kayo nakakapanood ng tv, pano po kayo nakatagal ng maraming taon sa ganitong lugar?" ang akala ko ay masasaktan ko ang kaniyang damdamin sa aking tanong ngunit isang ngiti ang isinukli nito saakin



"Bakit ko pa kakailanganin ng selpon at telebisyon? E andito naman ang asawa kong si Anong? Ang selpon ay para makipagugnayan sa malalayong mahal sa buhay. Eh katabi ko naman na siya araw araw apo bakit ko pa kakailanganin noong gadyet na iyon? Ang telebisyon ay para maaliw sa panoorin ngunit sapat na saaking siya nalang ang pinanonood ko oras oras, habang parehas na pumuputi ang mga buhok namin. Sapat nang dahilan ang kasama ko ang aking pinakamamahal para makatagal sa isang bahay na malayo sa kabihasnan. Nasagot ko ba ang tanong mo Aria apo?" ang kaniyang bawat salita ay tila bumabaon sa aking puso. Para iyong pinipisil ng walang anesthesia.


Tama si Lola, ang kabataan ngayon ay pinaiikot ang kanilang buhay sa mga gadyet. Hind nila hinaharap ang mga mahal sa buhay kaya kung kailan wala na ay saka sila iiyak na akala mo ay pinahalagahan nila ang taong iyon ng nabubuhay pa


Kahit na hindi pa tapos sa pagkain ay tumayo ako saka niyakap ng mahigpit si Lola Nelia, Lolo Anong at pati na rin ang aking pinakamamahal na nobyo


Ang mga taong nagmulat sa aking mata sa reyalidad. Mga taong tinatawag nilang mangmang dahil salat sa pera ngunit sila pa pala ang mas maalam sa totoong buhay. Kung saan hindi nabibili ang kasiyahan at pagmamahal

--
Plagiarism is a crime

MellifluousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon