Set No. 1 - Coffee Incident

4.8K 134 36
                                    

Set No. 1 – Coffee Incident

“Wag kang magalaw!” Naasar na sabi ni Daniel Padilla habang lumalapit sa kakesena nyang si Kathryn Bernardo.

Tuloy naman sa pagkusot ng mga mata si Kathryn dahil sa pagkakapuwing nang magkabungguan sila habang nagtitinda ito ng hotdogs sa oval ng school nila.

Mabilis na hinipan ni DJ ang mata nito. Unti-unti namang binuksan ni Kathryn ang mga mata nya at napatitig sa kaharap niya.

1…

2…

3…

4…

5…

“Cut!” Sigaw ni Direk Francis.

“Well done everyone! That’s it for today.” Dagdag nito at isa-isa nang nag-ayos ng gamit ang staffs.

“Very good, DJ. Very good, Kathryn. Bukas maaga taping naten. 5am call time, walang malalate ha.” Paalala ni Direk sa dalawang artista na mabilis namang tumango.

Almost a month na silang nagtataping for Princess and I teleserye at araw-araw lalong nag-iimprove ang pag-arte ng cast na ikinatutuwa ng mga staffs. Their first week gathered 32% percent at 16% lang ang ratings ng kalaban nilang network. Dahil dito lalong nachallenge ang production na pagbutihan at pagandahin pa ang serye.

Ibig sabihin, lalo ding dumami ang trabaho ng mga staffs behind the successful program. Kasama na dun si Mara Schnittka, isa sa staffs na may mahalagang trabaho para sa ikagaganda ng project.

BLAG!

Sa sobrang pagmamadali nabunggo na ni Julia si Kathryn na pabalik sana sa tent ng cast habang siya naman, papunta sa tent ng production. Buti na lang mabilis na nasalo ni DJ si Kath dahil kung hindi babagsak sya sa lupa.

“Sorry, Ms. Kathryn di ko sinasadya.” Hinawakan ni Julia si Kathryn sa balikat at nagsorry.

“Okay lang. Sige na kailangan ka na ni Direk dun.” Ngumiti naman si Kathryn at itinuro ang tent ng production. Tumango na lang si Julia at nagtatakbo na sa tent.

“Sino yun?” tanong ni DJ na hinabol ng tingin ang babaeng nakabunggo kay Kathryn.

“Si Julia.” Sagot naman ni Kathryn.

“Ibig kong sabihin, sino sya?” Tanong ulit ni DJ na napasimangot sa isinagot ni Kath.

“Si Julia nga.” Nagkibit balikat si Kath na parang sinasabing tama naman ang sagot nya.

Behind The Scenes - JulNieL FF Based on a True StoryWhere stories live. Discover now