Set No. 2 Symptoms

4.2K 125 43
                                    

Set No. 2 Symptoms

At 5AM, kumpleto na ang cast and staff para at ready na lahat para sa taping. Unlike kahapon na maaga silang natapos, mukhang magdamag ang taping ngayon dahil maraming scenes ang nakaschedule, at kailangan din nilang itape ito sa ibat ibang oras. Buti na lang ‘fully charged’ ang main characters dahil sakto sila sa tulog ngayon.

Almost 3 hours na silang nakasalang sa taping at sikat na ang araw pero mukhang hindi pa rin napapagod ang mga ito. Kabaligtaran naman ito ng energy ng staffs na nagpuyat kagabi para matapos ang episode na kailangang i-air mamayang gabi sa primetime slot. Kung may pinakapagod sa lahat maliban kay Direk Francis, yun ay walang iba kundi ang production assistant na si Julia.

“Julia, come here.” Tawag ni Direk nang saglit na nagbreak sa taping ang cast para iready ang props sa next scene.

Kahit antok na antok pa at malamlam ang mga mata, mabilis at maliksi pa rin kumilos si Julia. Ayaw niyang ipakita na pagod siya dahil kailangan nyang magpakitang gilas sa bagong team na kinabilangan niya. Kung pano niya naimpress ang staffs ng ‘Imortal’ na isang successful teleserye din, dapat mas maimpress nya naman ang ‘Princess and I’ Team para mabigyan ulit sya ng panibagong trabaho pagkatapos ng serye.

“Yes Direk.” Nauna pang magsalita si Julia bago makalapit sa director. Pansin niya na may  isang babae na halos kaedad lang niya ang kausap nito. May nakasabit na DSLR sa leeg nito at may nakakabit na ABS CBN ID sa kaliwang bulsa ng suot nitong polo shirt.

“Ito si Bernice, trainee photographer ng ABS CBN na dito naassign. Ang unang assignment na binigay ko sa kanya, magtake ng candid photos on set para may mailabas tayo sa internet para lalong matuwa ang fans ng bawat love team. Paki-tulungan na lang siya kung magkaproblema at pakienhance din lahat ng photos na matatake nya mamaya. Let me see it first and if I approve, you can upload it online. Clear?” Kahit mabilis ang pagkakasabi ni Direk, kuha naman agad ni Julia. Dahil na rin siguro ibat ibang lahi ang mga nakakausap niya nung nasa Germany pa siya kaya nasanay na talaga ang tenga nya sa ibat ibang pagsasalita ng tao.

“Crystal clear Direk.” Masiglang ngumiti si Julia sabay thumbs up pa sa director.

Napangiti naman si Direk sa ginawa ni Julia. Nung una nag-aalangan siyang kunin ito as production assistant dahil parang bata pa ito at baka hindi magampanan ng maayos ang trabahong ibibigay sa kanya. Sa lahat kasi ng posisyon sa production team, pinakamahirap ang production assistant. Kailangan sa lahat ng aspects may alam ang production assistant. Magmula sa videos editing, down to script writing, kahit konting concept dapat may alam ito. Kasama din sa job description ang pag-aassist sa mga artista, pagtulong sa advertisement at kahit pagkuha ng malamig na tubig para sa ibang staffs at artista, sakop din ng production assistant. Anything related to production, scope of work ng assistant at ang ibig sabihin ng production, kabuuan ng project simula sa pagpplano ng teleserye, hanggang sa pagtatapos ng serye at kung may sequel or part 2 pa ito.

“You’re doing great Julia. I’m glad hindi mo pa ko nadidisappoint so far. Keep it up.” Tinapik ni Direk sa balikat si Julia bilang recognition pero nagulat ang lahat ng sumigaw ito.

“ARAY!” napaatras si Julia sabay baba ng balikat niya.

Behind The Scenes - JulNieL FF Based on a True StoryWhere stories live. Discover now