Set No. 3 The Representatives

3.3K 105 13
                                    

Set No. 3 The Representatives

Nakaheadset with full volume habang naglalakad si Daniel Padilla sa corridor ng university at walang pakialam sa mga nakakasalubong niya.

Mula sa likod, napatingin si Kathryn at nagmamadaling tinawag siya.

“Sir Gino!” sigaw ni Kathryn pero hindi lumingon si Daniel kaya nagmamadali siyang naglakad-takbo at hinawakan ito sa balikat para makuha ang atensyon.

Napalingon si Daniel sa ginawa ni Kath at cool na cool na ibinaba ang headset sa batok nya para marinig ang sinasabi ni Kath.

“Ahm, hindi pa po pala ‘ko nakakapagpasalamat sa inyo kagabi. Salamat po ah. Hayaan nyo po makakabawi din ako sa inyo.” Parang nahihiya pang sabi ni Kathryn.

Saglit na tinignan muna ni Daniel si Kathryn bago nagsalita.

“Mahilig ka ba sa kotse?” tanong ni Daniel.

“Ah.. uhm!”mabilis na tanong ni Kathryn.

Magsasalita sana ulit si Daniel nang biglang…

“CUT!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Sigaw ni Direk Francis.

Napahampas si DJ sa noo niya. Mukhang sablay nanaman yata at uulitin nanaman nila yung scene na yun for the third time.

“Hindi pa ko convinced. DJ dapat mas maangas pa. Para kang si Patrick Rivero na nagtatanong kay Ella kung nakagawa siya ng assignment eh. Dapat hindi muna makikita yung mabait at gentle na side ni Gino.” Paalala ni Direk.

“Sorry po.” Napahiyang sagot ni DJ.

Napangiti na lang ng alanganin si Kath nang makita na disappointed din ang kaeksena niya. Naiintindihan naman kasi niya na wala pang tulog si DJ dahil sa sunud-sunod na mall shows nila kahapon at sa pagppractice nito sa banda niyang Parking Five na magkakaroon ng gig next month. Kahit sinong artista naman nahihirapan maginternalize at minsan nahihirapan mag-isip ng diskarte sa pag-arte kapag pagod na pagod.

“Direk, pwede magsuggest po kay Daniel Padilla?” Kanina pa nanonood ng taping si Julia hawak ang ilang pages ng script para makakuha sana ng ideas at kanina pa din niya pansin na matamlay ang actor nila kaya hindi na siya nakatiis. Ang ganda ng scene sa isip niya pero hindi niya makita sa eksena at naffrustrate siya pag ganon.

“Ok sige. Break muna cast. DJ pahinga ka muna marami-rami na din naman tayong natape simula kanina.” Payag naman ni Direk sabay gesture na puntahan niya si Daniel. Tumango naman si Julia at lumapit sa dalawa habang nagpupulasan na ang mga staffs.

“Anong problema?” tanong ni Julia kay Kath.

Behind The Scenes - JulNieL FF Based on a True StoryWhere stories live. Discover now