Set No. 4 Moving Closer

3.6K 97 25
                                    

Set No. 4 Moving Closer

Napatingin si DJ kay Julia mula ulo hanggang paa, paglabas nito sa gate ng bahay nila.

“What?” Tanong ni Julia nang mapansin na mukhang natahimik si DJ.

“Yan talaga? Sobrang simple mo naman.” Dismayadong sagot ni DJ sabay kamo sa ulo. Todo porma pa naman siya at nagmukha na siyang prinsipe sa elegant black suit nya, naubos nya yata isang bottle ng gel maiayos lang ang pasaway nyang buhok samantalang itong si Julia isang plain cream dress lang ni wala man lang ayos ang buhok at wala man lang hikaw or bracelet man lang.

“Formal attire po… hindi basta bastang kasalan yun… parang nakakailang naman yata kung ganyan kasimple yung damit mo?” honest complement ni DJ. Maganda naman si Julia pero sobrang simple pa din talaga ng suot nito.

“Sabi ko naman sa inyo wala naman talaga kong damit para dun. Isa pa, sabi ni Direk ok lang naman basta ang importante may representative ang PAI production. Wag ka na magreklamo jan noh tara na bilis!” Paliwanag naman ni Julia sabay lapit sa kotse kung saan maangas na nakasandal pa si DJ.

Aagapan na sana ni DJ na ipagbukas sya ng pinto pero mukhang hindi ito na pansin ni Julia at kusa nang pumasok sa kotse. Napailing na lang si DJ.

Dahil hindi naman heavy traffic, maagang nakarating sina DJ at Julia sa venue. Matapos ipark ang sasakyan, nagmamadaling bumaba si DJ para magpakagentleman sa kasama.

“Oy wag na kaya ko naman eh.” Sigaw naman ni Julia nang maisip ang gagawin ni DJ. Hindi sya sanay na ganito itrato ng isang lalaki at para sa kanya nakakailang lalo kung ganito ang iaasal ni DJ.

Inunahan ni Julia si DJ. Nabuksan na niya ang pinto at nakalabas na siya pagdating ni DJ sa side niya. Malakas pa niyan naisara ang pinto sabay harap kay DJ na parang batang nakikipagunahan pa.

“Kaya ko naman eh.” Ulit ni Julia saby ngiti at taas baba pa ng kilay.

“Pero kasi-” mangangatwiran pa sana si DJ pero pinigilan siya ni Julia.

“You don’t need to be so formal and ideal. Mas uncomfortable pa nga pag ganun. Isipin mo lang parang work lang… wala tayong pakielamanan. Nasa tent ako, nagtataping ka. As simple as that.” Pinangunahan na ni Julia para klaro na mamaya pag nasa recepcion na sila.

“Ok.” Ang nasabi na lang ni DJ sabay buntong hininga.

Inayos ni DJ ang damit niya at ganun din si Julia. Ready na sana silang maglakad papasok ng venue nang biglang may marinig silang tunog na parang may napunit na tela.

Napalingon si DJ kay Julia at napahinto naman si Julia. Dahan dahan pa itong tumingin sa likod nya at napanganga na lang nang makita na naipit pala sa pinto ng kotse ang damit nya at dahil may pagkaboyish sa pagkilos si Julia, napwersa ang damit sa paghakbang niya…at napunit.

Behind The Scenes - JulNieL FF Based on a True StoryWhere stories live. Discover now