Set No. 5 That Awkward Moment When…
“Ganito na lang talaga tayo?” Tanong ni DJ kay Julia.
Papalabas ng production room si Julia bitbit ang bagong set ng script para sa mga susunod na episodes ng Princess and I series para idistribute sa cast. Ito ang pinagkaabalahan niya for the last three weeks.
Samantala, parang nakahalata naman si DJ na simula nung ‘awkward’ dance nila sa recepcion ng kasal ng kaibigan ni Direk Francis, hindi na sila nagkausap ulit ni Julia. Nung una, naisip niya na baka dahil sobrang busy lang talaga niya sa mga mall shows at guestings nya. Pero nung mga nakaraang araw, halos hindi na niya nakikita si Julia sa set. Dati kasi may mga oras na pagala-gala ito at nag-iisip ng ideas para sa ikakaganda ng serye na ginagawa nila pero biglang dumalang ang ‘trip’ na ganun ni Julia. Makikita na nga lang niya ito kapag papauwi na at nagmamadali pang tumatakbo.
Tumagal ng tatlong linggo na wala talaga silang verbal communication ni ‘ha’ ni ‘ho at hindi alam ni DJ kung maiinis sya o matatawa. Apektado ba si Julia sa nangyari? Hindi naman mag-iiba ang pakikitungo nito sa kanya kung hindi ito apektado diba?
“Ano yun?” Tanong ulit ni Julia habang inaayos ang mga folders. Hindi siya makalabas dahil humarang sa pinto si DJ. Nakadantay pa ang braso nito sa gilid na parang maangas na studyanteng may kino-corner na isa pang student para i-bully.
“Nag-iiwasan ba tayo?” Nilinaw ni DJ ang gusto niyang itanong. Dahil sa pagiging aloof ni Julia parang nailang na din siya at parang umiiwas na lang din sya tuloy para hindi ito makita at hindi madisappoint twing hindi siya mapapansin. Siguro kaya ganun din ang epekto sa kanya, dahil nasanay siya na laging napapansin lalo ng mga mga babaeng ka-age pa nila.
“May…usapan ba tayong mag-iiwasan tayo?” Napatingin si Julia sa gilid na parang nag-iisip ng mabuti kung may ganung usapan nga ba? Napakacasual ng pananalita nito na para bang walang nangyari.
“Wala.” Napakunot noo si DJ at parang napaisip din sa ganting tanong ni Julia. Parang natauhan at napaisip. Bakit ng aba ganun yung tanong niya?
“Wala pala eh. Edi hindi.” Nagkibit balikat si Julia at didiretso na sana ng lakad pero napahinto dahil hindi pa rin umaalis si DJ sa dadaanan niya.
“Three weeks na tayong di nag-uusap.” Napabuntong hininga si DJ. Bakit ba parang hindi gets ni Julia ang sinasabi nya? O baka naman kunwari lang?
“Naks.. bilang talaga?” Pigil ang tawa ni Julia pero kumawala pa rin ang ngiti sa labi nya. Sa sobrang busy ng isang Daniel Padilla, nagawa pa magbilang ng mga ganung bagay.
“Naiilang ka ba sakin?” Tanong ulit ni DJ. Seryoso pa din ito at lalong nagsalubong ang kilay. Pakiramdam nya kasi napapahiya siya sa twing magtatanong siya at sasagot si Julia na parang wala talagang ‘something’ sa kung anong tinutukoy nya.
“Hindi.” Matipid na sagot ni Julia na mejo napakunot noo din.
“Oh, eh bakit di mo na ko kinakausap?” Pangungulit nya.
Magsasalita sana si Julia pero parang hindi niya maisip kung anong dapat niyang sabihin. Big deal ba na hindi sila nag-uusap? Dati naman na silang hindi nagpapansinan noon di ba? 1 month na nga sila nagtataping bago siya natandaan ni DJ bilang staff…ano ng aba ang issue at napakademanding yata nitong lead actor nila ngayon? Hindi ba niya naisip o napansin man lang na napakadaming ipinagawa sa kanya ni Direk na halos wala na siyang time kumain at matulog? Pano pa siya magkakaroon ng oras para makipagdaldalan sa cast?

YOU ARE READING
Behind The Scenes - JulNieL FF Based on a True Story
Teen Fiction(True story based on famous Harry Potter star Daniel Radcliffe) DJ, though famous and gorgeous, finds it hard to find the girl he would fall truly in love with because he is always working but it's really ironic that he finds love...while working!