Chapter 1: The Crazy

88 4 0
                                    

"Pat, kailangan mo na talagang magmove on! Hindi ka naman mamamatay kung kakalimutan mo siya eh!" Si kim.

"Alam ko, sadyang yun lang talaga ang kanyang habilin" sabi ko sabay perma sa mga papel.

"Oh! Ayan na! Maaari ka nang lumabas" sabay pat sa kanyang ulo.

"Ewan ko sayo! Mamatay ka kakaisip sakanya! Tutal, hindi naman ako yung  broken hearted FOREVER" tumawa naman ako. Kahit kailan ay isip bata parin si Kim.

2 years na din simula nang sumakabilang buhay na si Kaia. Inside of that 2 years ay hindi parin ako makamove on. Palaging siya at ang aming mga alaala ang aking iniisip.

"Pat! Kumain ka na! Alam kong gutom ka!" Si Kaia!

Sinundan ko siya at umupo kami sa sofa dito sa loob ng opisina ko.

"Siguradong napagod ang doktor ko kaya bibigyan kita ng! Ramyun!" Masigla nitong sabi. Tumawa naman ako at ng lumandas ang luha ko ay bigla nanaman siyang nawala.

Yumuko ako at nilabas ang sakit sa puso ko. Hindi parin siya lumabas sa aking puso. Sadyang matapang ang kapit niya.

Bigla akong nakaramdam ng kamay sa aking braso.

"Bat ka umiiyak? Di guto ni Kaia na umiiyak ang mapapangasawa niya. Halika at lumabas tayo!" Masigla padin nitong sabi at hinila ako dahilan ng pagkatayo ko.

Umiling ako saka binitawan ang katagang "ayokong makita nila na baliw ako, kaia"

Tumigil siya at ngumiti. "Hindi ka naman baliw ah?"

"Kaia, alam kong patay ka na. Peri sana naman ilagay mo sa lugar ang pagpapakita mo sakin!" Sigaw ko at ginulo ang aking buhok.

"Pat, hindi nagpapakita si Kaia. Alam mo sa sarili mo na imahinasyon mo lang iyan." Bungad ni Kim.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Ang sakit isipin na baliw ako. Ang sakit isipin na imahinasyon ko lamang iyon. Parang pinipiga ang aking puso.

"Tulungan mo akong kalimutan siya kim. I badly need your help. Ayokong maging baliw dahil lang sa di ko matanggap na patay na siya. Please, kim." Pagmamakaawa ko. Naramdaman kong ngumiti siya saka binitawan ang salitang "oo"

royal_maroon

Strange GirlWhere stories live. Discover now