Nagawa namin ni Kim ng maayos ang operasyon. Sa ngayon ay nandun na siya sa kanyang kwarto at nagpapahinga.Pagkatapos ng operasyon ay dumeretso na kami sa opisina ni Professor Tan Lee. Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad samin silang tatlo na nag uusap sa sofa. Nang maramdaman ng professor na dumating na kami ay pinaupo kami nito.
Bali nasa right sofa kaming dalawa ni Kim. Habang sila Dr. Ho at si Dr. Sy ay nasa left sofa. Si Professor Tan Lee naman ang nasa harapan namin.
Tumayo si Professor sabay sabi ng "This is Dr. Pat Lucas Montemayor, one of the best doctor in this hospital." Sabay turo nito saakin.
Tumayo ako at naglahad ng kamay sa harap. Tinanggap naman ito nilang dalawa sabay ngiti maliban nalamang kay Kaia.
"This is Dr. Kim Tan lee, my daughter and also Dr. Pat's partner in operation." Ngumiti naman si Kim at naglahad ng kamay na tinanggap naman ng dalawa.
"My two expert doctors. This is Dr. Richard Ho, my daughter's escort but now, I don't know"
"Oh professor." Sabay iling ni Kim at nagsmirk. Bumaling din ito sakin na ngayon ay nakatingin na sakanya ng seryoso.
"Is there any problem?" Bulong nito. Umiling naman ako at ngumiti ng tipid.
Bumaling na kami sa kanila. Na ngayon ay tumayo lang si Dr. Ho at yumuko samin. Yumuko din kami ng tipid tanda ng pagbigay balik ng kanyang binigay na galang. Saka siya tipid na ngumiti samin.
"And our very last one. Dr. Katrina Ianne Sy, our first anesthesiologist." Tumayo din ito at yumuko sabay ngiti kay Kim.
Hindi siya si Kaia pero ramdam ng puso ko na siya talaga ito.
Nang matapos ang introduction ay nagplano nanaman kami sa mga major deceases. At mga kailangan ng klaseng doctor.
"We badly need Medical Geneticists" seryosong sabi ng professor sa harap ng entablado.
Ibinaling naman namin ang aming paningin sa LED.
Nakita namin ang isang dalagang may hereditary disorders. Siguradong sa parents ito nakuha.
Natapos ang aming meeting kasama ang ibang professors at mga bagong drs.
Pumunta kami ni Kim sa pinakamalapit na coffee shop at nag order ng frappe.
"So, hindi nga si Kaia ang babaeng yun?!" Mataray na tanong ni kim sakin pagkaupo ko.
"Hindi, siguro ay reincarnation niya. Pero yung puso ka eh, parang kilalang kilala siya. Nagbago ang kanyang mukha. Yung mahaba niyang buhok ay biglang bumaba at nagkulot at ang kanyang agresibong mukha ay biglang naging maamo. Maraming nagbago sakanya kaya naisip ko na hindi siya si Kaia" seryoso kong sabi.
Biglang akong bumaling sa babaeng nakatayo sa table namin. Ngumiti ito saamin.
"Mind sitting here? Wala kasi akong kakilala, wala din si Richard at nasa opisina siya, busy. Can I?" Maamo nitong sabi.
"O-ofcourse" utal kong sabi sabay tayo at lumapit sa tabi ni Kim.
"So, what do you want?" Tanong ni Kim.
"Frappe nalang tutal ay yun naman ang inorder niyo eh" aniya. Tumayo naman si Kim at bumaling sakin saka ngumiti.
Nang makaalis na si Kim ay kinausap ko naman siya.
"Kaia?" Panimula ko.
"Excuse me? Nakalimutan mo ba ang pangalan ko? I'm Katrina Ianne Sy. But you can call me Ianne instead." Aniya sabay ngiti.
YOU ARE READING
Strange Girl
Fiksi IlmiahI'm really hoping that I could finally meet her at the end of the life.