"M-mommy?? M-mom... Don't leave me please . Mommy!!! "Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak habang pinapanood siyang palayo ng palayo.. why did she leave me??
"Mommy!.. "
lumingon siya sakin ng nakangite di ko masyado maaninag ang mukha niya blurred masyado. Hahakbang na Sana siya pabalik ngunit bigla na lng siyang hinila ng mga lalaking naka maskara.
"Mommy!!.. don't.."
Dali Dali akong tumakbo papunta sa kanya pero bigla na Lang akong hinila ng isang lalaki di pa siya katandaan mga nasa 30's pero diko ma klaro Ang mukha niya..
"Baby.. listen to me "..Sabi nito habang hinawakan ako sa braso umupo siya ng bahagya para mapantayan ako.
"Baby...you need to run as fast as you can.. no turning back.. don't let those bad guys caught you okay?." Sabi nito habang pinunasan Ang mga luhang umagos Mula saking mata. At saka niya ako Niyakap.
"I love you baby.. I will bring your mommy back to us..."Sabi nito at saka tuluyang tumayo.
"Now.. do what I said run!!.." Sabi nito Wala akong magawa kundi tumakbo Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Tumakbo ako ng tumakbo di ko Alam Kung saan tutungo..
Nasa di kalayuan ako ng makarinig ng sunod sunod na putok ng baril.
Mommmmmyyyyy!!!!!!
Natagpuan ko ang sariling tumatakbo sa kalsada malalim na ang gabi kayat walang mga sasakyang dumadaan. Madilim ang kapaligiran tanging ang iilang ilaw sa poste lamang ang nag silbing liwanang sa daan. Halos hindi ko na ma klaro ang aking daanan dahil sa mga luhang bumbara saking mata. Hindi ko alam kung saang lugar na ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
"Tulongggg" sigaw ko sa kawalan umaasang may makakarinig sakin.
"Tulungan niyo po ako"
"Mommyyyy.. dadddyyyy.. nasan kayo" malakas parin ang aking pag iyak.
Patuloy lamang ako sa pagtahak sa aking daanan.
Lumingon ako sa aking likuran nang mapansing tila may sumusunod sa akin, kayat mas binilisan ko pa ang pag takbo.
*Peeeeeeeeeep*
Isang tunog na nagpahinto sa aking mundo. Rinig ko ang malakas na pagtibok ng aking dibdib, nangangatal ang aking mga labi, ramdam ko ang panginginig ng aking katawan na anumang sandali ay babagsak na. Nag uunahan parin sa pag patak ang aking mga luha, tila bumagal ang takbo ng orasan sa mga sandaling iyon habang nakatitig sa puting ilaw na unti unting paparating sa aking kinaroroonan. Hindi ko maigalaw ang aking buong katawan, nangungusap ang aking mga mata ngunit nananatili akong nakatayo dahil wala akong magawa.
"Aaaahhhhhhhhhh"
Huling tinig na aking pinakawalan bago ako tuluyang balutin ng kadiliman.
Napabalikwas ako , at dadali daling bumangon. Pawis na pawis ako na tila may humahabol sakin. Inilibot ko Ang aking paningin na sa isang silid ako.
"Damn! That dream!! "Inis na sambit ko ng mapagtantong nananaginip na naman ako bakit lagi na lng. Halos gabi gabi ko na yun napapanaginipan. Anong meron sa panaginip na yun .. Sino Ang mga taong iyon. Parte ba ito NG aking nakaraan o Isa sa mga nawawala Kong memorya..
I was 8 years old back then.. when I lost my memory. Sabi Ni dad na bangga ako ng sasakyan muntik na daw akong mamatay. Malala Ang nangyari sa ulo ko Kaya nawala Ang memorya ko..kaya minsan bigla na lng may nag fla flash na images ng mga Tao.. taong Hindi ko kilala..
At Kung Sino man sila malalaman ko Rin...
Hey there! Thank you for reading..
Sorry sa mga typo and grammatical errors..
Support this story..
Please don't forget to vote and please leave some comments..
Lovyahh!!
YOU ARE READING
The War Between Us
ActionDifferent world, different personalities. Galing sa magkaibang pamilya, pinalaki ng magkaibang tao. A girl who loves to keep secrets, a brave woman who wanted to prove something. Her father hates her because of the past that will never be forgo...
