"Erinnn"
Papasok pa lang ako ng gate nang may biglang tumawag sakin.
Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Mikaela.
"Hai" bati niya sakin habang naghihintay sa tapat ng gate.
"Oyyy" maikli kong tugon at nagsimulang mag lakad agad naman siyang sumunod sakin.
"Alam mo ba-" blah blah blah ang ingay ingay niya ang dami niyang sinasabi ngunit ni isa wala akong na intindihan.
Bigla naman akong naman akong napahinto nang biglang sumagi sa isip ko yung nangyari ka gabi.
"Hoy Erin" napabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni ella.
"A-ano yun?" Wala sa sarili kong tanong.
"Sabi ko okay lang ba na maging kaibigan kita?" Tanong niya sakin.
"Oo naman" sagot ko saka nag patuloy sa paglakad.
"Yeeyyyy may bago na akong kaibigan ... bestfriend? " Tanong niya sakin habang inilahad ang kaniyang kamay agad ko naman itong inabot nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at nagtatalon sa saya.
"Yeheeyyyy "muli niyang sabi habang nakahawak saking braso.
"Teka bakit parang wala ka sa sarili?" Nagulat ako dahil sa tanong niya.. napansin niya pala.
"Ahh wala may iniisip lng" sagot ko
"Boyfriend mo nohhh yeeeehh?" Nanunukso niyang tanong
"Tanga wala akong boyfriend " natigilan naman siya sa sinabi ko.
"Kawawa ka naman" mahinang sabi niya
"Bakit may boyfriend ka ba?" Tanong ko sa kaniya.
"W-wala rin" nakayuko niyang sabi natawa naman ako sa inasal niya.
"Hahaha wala ka din naman palang jowa eh" panunukso ko sa kaniya.
"Hehehe kaya apirrrr"sabi niya na mas ikinatawa ko.
Napahinto ako sa pagtawa nang mag tama ang mata naming dalawa.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso mukhang pamilyar sakin ang pangyayaring ito at na alala ko ang nangyari kagabi.
Napahinto siya sa paglalakad at gayon din ako. Naalala niya kaya ang nangyari kagabi? Namukhaan niya kaya ako?.
Nananatili kami sa ganoong situation ng ilang minuto.
Kringgggggg*
Isang tunog ang pumukaw samin attention senyales na mag uumpisa na ang klase. Nagsitakbuhan naman agad ang mga estudyante maging ako ay hinatak na rin ni ella papasok sa aming klase.
Nakita ko naman saking peripheral vesion na nakasunod siya sa amin.
"Okay ka lng?" Alalang tanong ni Ella
Agad naman akong tumango bilang sagot.
Nagsimula na ang aming klase ngunit hindi parin ako mapakali saking upuan, pansin kong tila may nagmamasid sakin. Kaya agad kong iginala ang aking paningin sa apat na sulok ng kwarto, pumako ang aking tingin sa lalaking nasa aking likuran nagtama ang aming mga mata ngunit agad siyang umiwas at finocus ang attention kay maam. Hindi ko na lng ito pinansin kayat itinuon ko narin ang aking attention sa harap at nakikinig sa discussion ni Mrs. Perez.
Natapos ang aming klase nang wala akong na intindihan pinilit kong mag focus ngunit dinidistract ako ng kaniyang prensensiya.
Nasa canteen kami ni Mikaela ngayon ako ang omorder ng pagkain namin kaya ayun siya sa upuan namin.
Nakuha ko na lahat ng order pabalik na ako sa mesa namin ni Ella nang mapahinto ako dahil sa malakas na tawa ni Yuan kung di ako nagkakamali, siya yung medjo singkit.
Kita ko na may iilan silang mga pasa siguro ay dahil to sa nangyari kagabi buti na lng hindi masyadong halata ang pasang kanilang natamo.
Lahat yata ng estudyante sa loob ng canteen ay nakatingin sa grupo nila ngunit patuloy parin sa pagtawa si Yuan na parang walang paki alam sa iisipin ng mga tao sa kaniya. Bigla namang lumipat ang paningin ko sa katabi niya nagulat ako nang mapansin kong nakatingin din siya sakin. Agad siyang napangiti na ikinataka ko siguro ay nakita niya ang reaction ko at ang epic siguro ng mukha ko kaya siya natawa.
"Arayyyy" agad akong naphinto saka ko lng namalayan na naa pakan ko na pala ang paa ni Sophie.
"S-sorry.. Sorry hindi ko sinasadya " sabi ko saka agad pinunasan ang sapatos ni Sophie.
Nabigla siya sa ginawa ko maging ako ay nabigla din.
"O-okay lng.. ako na lng" sabi niya sabay punas sa sapatos niya.
Napangiti naman ako ng bahagya.. ang bait niya.
"Ano ka ba girl dapat tapakan mo din ang sapatos niya" protesta ni Claire
"Yeah better buhos this to her" sabi naman ni Samantha habang inabot ang isang baso ng juice.
"Guys.. Okay lng naman ako eh" sabi niya saka ngumiti sakin.
Kaya umalis na ako sa pwesto nila, rinig ko pa ang mga sinasabi nila ngunit hindi ko na lng ito pinansin.
"Ohhh anong nangyari doon?" Takang tanong ni Ella
"Ayun natapakan ko ang sapatos ni Sophie" sabi ko habang sumusubo ng pagkain.
"Ohh tapos?" Tanong niya ulit
"Nag sorry ako" sagot ko
"Tinanggap niya?" Tila hindi makapaniwala niyang tanong
"Oo" tipid kong sagot
"Talaga?" Pag kokomperma niya kaya tumango ako bilang sagot.
Daldal talaga nito
Hindi na ako kumibo nagpatuloy ako sa pagkain gayon din ang ginawa niya.
"Ang gwapo niya talaga" napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Ella
"Sino?" Taka kong tanong sa kaniya
"Sino pa ba.. edi si Khalix " muntik naman akong mabilaukan sa sinabi niya.
Uminom agad ako ng tubig at tumingin kay Ella ngunit nasa ibang direksyon ang kaniyang mga mata kaya tiningnan ko ito at napukol ang tingin ko sa kaniya.
Kay
Khalix
Ang kaniyang mga ipinakita
Mga nakaw na tingin
Ang kaniyang lihim na pagsulyap sulyap sakin
Ang kaniyang pag ngite sa tuwing tumatama ang mata namin sa isat isa.
Anong ibig sabihin nun?
Anong ibig sabihin ng lahat ng iyon?
Hey there! Thank you for reading..
Sorry sa mga typo and grammatical errors..
Support this story..
Please don't forget to vote and please leave some comments..
Lovyahh!!
YOU ARE READING
The War Between Us
БоевикDifferent world, different personalities. Galing sa magkaibang pamilya, pinalaki ng magkaibang tao. A girl who loves to keep secrets, a brave woman who wanted to prove something. Her father hates her because of the past that will never be forgo...
