Chapter 5: Holdup

9 2 0
                                        

Nasa bahay na ako ngunit hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Ano kayang motibo ng taong iyon? Bat niya ako binagga?.

"Ate!" Galak na sigaw ni Aaron nang makita ako.

"Hai Aaron.. how's my baby?" Tanong ko habang kinakarga siya.

"I'm not baby anymore ate" Sabi niya habang naka nguso. Ang cute niya talaga.

7 yrs old si Aaron tatlo kaming magkakapatid si ate Dyne 23 yrs old, ako at si Aaron.

Inilibot ko Ang tingin ko sa loob ng bahay walang katao tao.

Nasa states sina mama at papa, kami lng nila ate at Aaron ang nandito kasama ang mga kasambahay at driver.

"Ohh nandiyan kana pala" sabi ni ate

"Kakarating ko lng" usal ko at hindi na siya nag salita bumaling naman ang atensiyon niya kay Aaron.

"Aaron come here.. gusto taong kausapin nina mom at dad" agad ko namang ibinaba si Aaron dahil sa sinabi ni ate.

May kung anong kirot akong naramdaman. Pano ako hindi ba nila ako gustong kausapin? Pamilya naman nila ako ah.

Hindi ko na lng ito pinansin bagkus ay umakyat ako at pumanta saking kwarto.

Agad akong nagbihis sinuot ko ang aking leggings na black at sando na pinatungan ko nang isang navy blue na denim jacket, hinablot ko ang aking Fila na sapatos at sinuot ito. Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin naglagay ako ng kunting liptint sa labi saka agad kinuha ang aking cellphone at sombrero bago tuluyang umalis.

Pina andar ko agad ang aking motorsiklo at pinaharurot ito.

Kasalukuyan akong nagdri drive habang nakaramdam ako ng gutom kaya na pagpasyahan kong huminto muna sa isang malapit na restaurant.

Habang nag aantay ng order ko naisipan kong tawagan si Andrew. Isang matalik na kaibigan na lagi kong nasusumbungan ng problema at mga drama ko sa buhay.

"Hello?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Nasan ka?" Tanong ko

"May date ako bakit?"Tanong niya

"Meet mo ko sa tambayan" sabi ko

"Hoy ulol may date nga ako di ako makakapunta kasi-"

Na putol yung usapan namin  ni Andrew ng biglang may nabasag sa kabilang table.

Kasabay nito ang pagpasok ng mga lalaking naka itim at may takip sa mukha.

"Hello.. hoy Erin!"

"Tawagan ulit kita mamaya" sabi ko at agad binaba ang tawag.

"Walang kikilos!" Sigaw nung isang lalaking naka balot ang mukha ng itim na mask sabay labas ng kaniyang baril.

Agad naman nag sidatingan ang kaniyang  apat pang kasama na may hawak na kutsilyo at mga tubo, Lima sila lahat.

"Ahhhhh"

"Maawa po kayo wag ninyo kaming saktan"

"Ahhhhh mama"

Nabalutan agad ng sigawan sa loob ng restaurant. May iilang mangiyak ngiyak na.

Kita ko naman na palihim na kinuha nung isang staff ang telepono. Ngunit na pahinto siya at isang putok ng baril ang kumawala.

"Wag mong tangkaing mag sumbong sa pulis kung hindi mamatay kayong lahat dito!!!!" Sabi niya bigla namang napa atras yung babaeng staff dahil sa takot.

The War Between UsWhere stories live. Discover now