Hindi parin ako makapaniwala talagang nandito sila Khalix.
Nasa loob ako ng aking sasakyan habang pinagmasdan sila, buti na lng tinted ang sasakyan ko kaya hindi nila ako makikita sa loob. Masaya silang nag kwekwentuhan ngunit maya maya ay pumasok si Khalix sa isang sasakyan.
"No way " bigla kong usal sa sarili.
Wag niyang sabihin na sasali din siya.
Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan si Khalix na pinapaadar ang kaniyang sasakyan.
Naakasakay siya sa isang sikat na sasakyan pangalawa sa pinaka mabilis na sasakyan sa buong mundo ang Hennessey Venom GT. It had recorded a top speed of 265mph on a 2 mile long runway. The Hennessey Venom GT is powered by a twin turbocharged 7.8-liter V8 engine delivering an insane 1,244hp at the rear wheels, and it weights just 244 kg giving it a perfect 1 hp per kg or 1000hp per ton. The 1200hp Venom GT is priced at $ 1 million.
Nakakasilaw ang puting makintab na kulay nito.
Nagsalita na ang MC ng event.
Hudyat na magsisimula na ang karera. Kaya napag desisyonan kong pumunta na saking pwesto.
Naka helera na ang ibat ibang uri ng sasakyang pang karera. At nakaka mangha ang ganda ng kanilang mga sasakyan. Diko mapigilang ma excite kaya agad kong chineck ang aking sasakyan para maiwasan ang anumang aksidenteng na maaring mangyari.
Nang masigurado ko na maayos na ang lahat ay umayos na ako sa pag kaka upo. Binaba ko ang bintana ng aking sasakyan upang maka Singhap ng sariwang hangin ngunit kasabay ng pag baba ng bintana ng aking kotse ay kasabay din nito ang pag baba ng bintana ng katabi kong kotse.
Sadyang mapaglaro ang tadhana, bigla akong napatingin sa gawi ng sasakyan at nataranta ng mapagtanto kung sino ang lulan ng kotse. Aakma siyang lilingon sa aking kinaroroonan kaya madali kong isinuot ang aking helmet. Malakas ang kalabog ng aking dibdib nang mag tama ang mata namin sa isat isa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin buti na lng nasuot ko agad ang aking helmet kayat na sigurado kong hindi niya ako nakikilala. Nawala ang tensiyon sa pagitan naming dalawa ng may dumating na bagong sasakyan.
Isang kulang yellow na sasakyan,
McLaren F1 powered with a BWM- sourced 6.1 liters 60-degree V12 engine which was naturally aspirated and tuned to produced 267hp. A rev-limiter removed F1 even reached the top speed of 243mph in 1998.
Binaba din nito ang bintana ng kaniyang sasakyan kaya namukhaan ko kung sino ang nakasakay dito.
Si Kayson De Guzman
Aba mukhang sasali din siya, may kung ano silang pinag usapan ni Khalix at kung ano man iyon ay wala na akong pakialam. Isinara ko na ang bintana ng aking sasakyan at inayos ang sarili.
Nagsimula ng mag ingay ang buong paligid, sigawan ng mga tao at tunog ng mga sasakyan ay ang maririnig sa buong paligid.
Kita kong iwinagayway na ang flag sa aming harapan, magsisimula na nga.
Tumingin muna ako sa gawi ni Khalix bago itinuon ang atensiyon sa harap at sinimulang paandarin ang makina.
Marami na akong nasalihan na karera ngunit kinakabahan parin ako.
"In count of three" sabi nung taga anunsiyo.
"One"
"Two"
"Three"
"Go"
At isang putok ang kumawala tanda ng pag umpisa ng laban.
YOU ARE READING
The War Between Us
ActionDifferent world, different personalities. Galing sa magkaibang pamilya, pinalaki ng magkaibang tao. A girl who loves to keep secrets, a brave woman who wanted to prove something. Her father hates her because of the past that will never be forgo...
