Chapter 9: Karera (.1)

9 1 0
                                    

!Errors ahead!

*****

kringgggggg

kringgggggg

kringgggggg

Agad kong kinuha ang aking cellphone sa bag at tiningnan ang pangalan ng caller.

"Hello Frey" sagot ko sa tumatawag..

"May gagawin ka ba tonight? " Tanong niya sa kabilang linya

"Wala naman bakit?" Sagot ko sa kaniya.

"Okay puntahan mo ang lugar na ete text ko" usal niya

"Anong meron?"Taka kong tanong

"Basta you'll gonna enjoy it" sagot niya na may halong excitement

"But wait-"

"See yahh there" sabi niya sa kabilang linya, ni hindi niya man lng ako pinapatapos saking sasabihin.

Haysttt yung babaeng yun talaga.

"Ateeee" 

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Aaron" tawag ko sa pangalan niya at agad siyang dinampian ng halik sa pisngi.

"I missyou.. hindi ka na nakikipaglaro sakin ate" nakonsensya naman ako sa tuno ng pananalita niya. Ang cute niya talaga.

"Sorry... medyo busy kasi si ate sa pag aaral" pag pa paliwanag ko sa kaniya.

"Hayaan mo babawi si ate sayo promise" sabi ko kaya agad sumilay ang ngiti sa kaniyang mga muting labi.

"Promise yan ha" sabi niya kaya tumango ako at itinaas ang kanang kamay.

"Promise" ngiti kong sabi.

"Sige ate baka hinahanap na ako ni ate  Dyne nag lalaro kasi kami ng puzzle eh" sabi niya saka umalis.

Nakangiti naman ako habang pinagmasdan siyang umalis saking harapan.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat para mag handa.

Tiningnan ko ang aking relo 8:30 PM na. Binuksan ko ang aking cellphone upang tawagan si Andrew.

Pagkabukas ko saking cellphone ay agad tumambad sakin ang maraming missed call at messages.

"Nasaan kana?"

"Bilisan mo?"

"Hoy bruha pumunta ka dito"

"Magsisimula na"

"Papatayin talaga kita kung hindi ka pupunta"

Parang tanga talaga itong si Freya kala mo naman kung gaano ka importante ang pupuntahan namin.

Hindi na ako nag paligoy ligoy pa, baka tutuhanin niya yung banta niya sakin at baka magtampo yun kaya agad na akong umalis at pumunta sa address na tenext niya. Ngunit nagtataka ako bakit doon kami pupunta sa lugar na iyon?

" El Paraiso "

Magandang pangalan, ngunit kasalungat ng pangalan nito ang lugar na iyon.

Isa itong hide out ng mga mafia's at gangsters dito nangyayari ang ibat ibang transaction. Simpleng lugar na hindi mo akalaing may mga nakatagong lihim sa kabila ng isang abandonadong gusali sa loob ng kakayuhan. Nakakatakot itong pagmasdan kaya walang nagtatangkang pumasok dito at kung meron man ay tiyak hindi na sila nakakalabas na buhay.

The War Between UsWhere stories live. Discover now