Chapter 3: First encounter

13 2 0
                                        

*Ringgg*

Tumunog ang bell sinyales na tapos na ang aming diskusyon nag paalam na si Mrs. Perez at agad nag sitayuan ang aking mga ka klase.

Break time namin kaya na isipan kung kumain na muna sa canteen kasalukuyan akong naglalakad ng nakita ko ang tatlong lalaki na hinaharangan yung isang babaeng naka salamin.

"E-excuse me.. "utal na sabi nung babae

"May sinasabi ka ba miss?" Isa sa mga lalaki ang nag tanong.

Mag papatuloy na sana ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw nong babae.

"Arayy tama na na sasaktan ako.." pag mamakaawa niya habang pilit tinatanggal ang kamay nung lalaki na naka hawak sa buhok niya.

"Ang lakas ng loob mung talikuran kami habang kinakausap ka." Galit na sabi nung isa habang hinigpitan pa ang kaniyang pagka hawak sa buhok nang babae.

"Arayyy..." muling niyang sigaw.
Sdk9
Diko na nakayanan pa ang nakita kaya agad akong lumapit.

"Tama na yan nasasaktan na siya babae pa rin yan pre.. " sabi ko sa kanila. At napagtantong kaklase ko pala ang binubully nila.

"At sino ka naman para utusan kami"

"Lakas ng loob pre"

"Upakan na natin"

Sabi nilang tatlo

"Ayaw ko ng away.." sabi ko ngunit imbis na pakinggan nila ako ay sinalubong ako ng suntok.

Hindi ako umatras sinalubong ko ang kaniyang kamao at agad itong pinaikot napasigaw naman siya sa sakit. Rumesbak ang dalawa niyang pang kasama kaya agad kung sinipa ang isa sa kanila. Pansin kung may pa paparating na sipa kaya agad akong umikot at ginawang kalasag yung lalaking hawak ko mas napadaing siya sa sakit.

"B-bitawan mo ako.." halos mangiyak niyang pakiusap.

Kita ko naman ang takot sa mukha nung dalawa habang naka tingin sa isa pa nilang kasama.

Agad ko itong binatawan tatalikod na sana ako ng bigla siyang sumugod di na ako nag dalawang isip binalibag ko ito at pinaulanan ng madaming suntok. Huminto ako ng makita ang dugo sa kaniyang mga labi.

"You mess with the wrong person.." sabi ko bago sila tuluyang iniwan

Hayst badtrip dapat kasi umiwas ako eh. First day palang pero may nakaaway agad ako pambihira.

Di pa ako nakakalayo ng makasalubong ko ang limang lalaki agad akong napatigil sa paglalakad at mapatingin sa gawi nung isa sa kanila..

Di ako nag kakamali siya nga yon

Si Gravint


Nasa canteen ako kakatapos ko lng mag order kaya agad akong umupo sa bakanteng upuan. Hindi ko pa nalalatag ang dala kung pagkain ng dumating ang grupo ng mga kababaihan.

"Opppss.. what are you doing?" Tanong niya habang naka taas ang isang kilay.

"Obvious  ba e di uupo" pabalang kong sagot.

"Abay sumasagot pa" litanya ng isa sa kanila

"Tinanong nyo ako edi syempre sasagot ako" nakangite kong usal.

"Lahh! ang taray ng isang to samantha kala mo kung sino Ang pangit naman" sabi niya habang tumatawa.

"Wait you look familiar" sabi nung samantha.

Yeah siya yung nakasagutan ko kanina pag pasok sa gate yung kinulang sa tela ang suot

"Ohh it's you, We meet again" it's samantha.

"Tingnan mo kung saan ka lulugar baka di mo kilala kung sino binabangga mo" dagdag niya pa ayaw ko ng away kaya umalis na lng ako.

Ngunit nakakailang hakbang pa lng ako ng bigla niyang hablutin ang braso ko dahilan para tumilapon sakin ang dala kung mango juice. Napa mura ako saking isipan ng mapagtantong basa ang aking uniporme.

" Oppss.. sorry" sabi ni Samantha habang naka cross arm.

Hindi sinasadya? Tss di ako tanga para malaman na sinasadya niya talaga to.

"Ikaw kasi eh lagi mo akong ginagalit" pa bebe nitong sabi.

Nagpipigil naman ng tawa ang iba niya pang kasama.

Pinagkukumpulan na kami ng ilang estudyante sa canteen. Hindi ko na nakayanan ang kanilang mga titig kaya dalidali akong tumakbo upang maka hanap ng Cr.

Nakaharap ako sa salamin habang pinagmasdan ang aking sarili. Basa ang aking uniporme at wala akong dalang extra na pamalit.

Ilang minuto na ako sa loob, palabas na sana ako nang mapansin ko ang isang babae familiar ang mukha niya teka san ko nga ba siya nakita???

"P-para sayo" Sabi niya sabay abot sa isang paper bag.

Taka kong pinagmasdan ang ibinigay niya.

"Buksan mo na.. at salamat nga pala" usal niya na ika lito ko.

Pinagsawalang bahala ko na lng ito at agad binuksan ang paper bag na ibinigay niya.

Sumilay ang ngite saking labi

"Sa-- " diko na natapos ang aking sasabihin ng mapagtantong  wala na siya saking harapan.

Ibinalik ko na lng ang aking paningin sa unipormeng nasa loob ng paper bag.

"Salamat"







Hey there! Thank you for reading..
Sorry sa mga typo and grammatical errors..

Support this story..
Please don't forget to vote and please leave some comments..

Lovyahh!!

The War Between UsWhere stories live. Discover now