CHAPTER 5

26 0 0
                                    

chapter five

My secret

______________________

Naligo muna ko bago bumaba para sa dinner.

7pm na kasi for sure nakaluto na si mama, at pauwi na si ate.

Bumaba na ko at kumpleto na naman sila doon. Andoon na si mama, Jaycee, at si ate Jasmine.

"Umupo ka na dito LM" yaya ni mama, nakita niya na kasi ako.

"Sige po" sagot ko lang at umupo na rin.

"San ka galing kanina Jaycee??" Tanong ko.

Simula kasi kanina nung umuwi ako di ko siya nakita.

"Sa bahay lang ng classmate ko. Nag-group study kami" sabi niya tas sumandok na nang kanin at ulam.

Kumuha na rin ako ng plato, para makasandok na rin ng kakainin.

Pagkatapos ng kainan namin nanood kami ng teleserye. Ito ang bonding time namin. Panonood lang ng teleserye sa gabi.

Wala naman angal yung kapatid kong lalaki. Dahil gusto rin ni mama ang pinapanood namin.

Unang pumasok sa kwarto si mama. Maaga siya natutulog. Sumunod si ate. Tas naiwan kami ng kapatid ko na si Jaycee dito.

"Aakyat lang ako" ani ko.

Umakyat na ko sa kwarto ko para kunin gamit ko. Gagawa na ko ng sulat para kay marky. Wahaha. Excited much.

Alam yun ng kapatid kong si Jaycee. Nahuli niya kasi ako noon na gumagawa ng sulat para kay Marky sa kwarto ko. Pumunta siya doon para hirain yung laptop ko.

Tas ayun na, nakita niya na. At nabasa pa.

Grabe yung hiyang naramdaman ko nun, pero ok lang wala naman siyang sinabihan iba e.

Bumaba na rin ako.

Nilabos ko na yung intermediate pad ko at ballpen.

"Para kay Marky ulit ate?" Tanong ni Jaycee.

"Yup"

Nagsulat na rin ako.

Dear Marky,

I know na baka nacri-creepy-han ka na sakin, dahil di pa rin ako nagpapakilala sayo. Basta ang gusto ko lang malaman mo na ako ang secret admirer mo at kung marami man akong kagaya, na secret admirer mo rin ito lang ang clue para malaman mo kung sino ako...

Basta ako ang.

Clue: pinakamaganda sa lahat ng admirer mo.

Yun lang. Naging masaya nga pala ako sa araw na ito dahil sayo.

Crush kita laging tandaan at ikaw ang inspiration ko.

Crush crush you. Mwah*

Ms. Dyosamaganda.

"Landi ate" sabi ng kapatid ko. Binabasa niya pala sulat ko.

"Landi ka diyan,inlab lang noh!" depensa ko.

"Sus, e bakit may kiss diyan??" Turo niya sa kiss emoji na nilagay ko.

"Wala ka ng pake don" inirapan ko lang siya.

"Diyan ka na nga, ikaw magpatay ng TV ah, matutulog na ko" sabi ko sabay ligpit ng gamit at akyat sa taas baliksa kwarto ko.

"Oo na, goodnight" sabi niya.

The Three Guys and MeWhere stories live. Discover now