Chapter six
Favor granted
____________________
Since may kasunduan kami ni Jeon, na lulutuan ko siya ng lunch niya everyday.
Nagluto ako ngayon.
Maaga rin akong gumasing naunahan ko pa si mama.
"Uy, ano ginagawa mo diyan, nak?" Kakagising lang pala ni mama.
Nag-bless muna ko.
"Magbabaon ako, ma" sabi ko. At pinagpatuloy itong ampalayang may egg. Di ko alam tawag e. Hahaha.
Tignan natin kung magpapaluto pa yun sakin pag natikman niya na yan.
"E di ka naman kumakain niyan" sabi ni mama.
"E, ah eh, ma. Trip ko lang po. Baka po magustuhan ko na ngayon" sabi ko.
"O sige. Anong ilulyto mong almusal natin?? Di naman sa atin kasya yan. Pang-isang tao lang yang niluto mo e" sabi ni mama.
"Ano po ba gusto niyo?" Tanong ko. Nililipat ko na yung ampalaya sa lunch box.
"Bahala ka. Bacon at hotdog na lang. Tapos isagag mo yung tirang kanin kagabi. Di pa nama yun sira e" nagtungo na si mama, doon sa coffee maker.
Nag-blend na siya ng coffee bean.
Kumuha ako ng bagong kawali at inilabas ang bacon at hotdog sa ref. Sinagag ko muna yung kanin.
At habang hinihintay nalang na uminit yun. Binalatan ko na yung platic na nakabalot sa hotdog.
Hinugasan ko na rin yung kawali, para may pagprituhan ako nitong ulam.
Tumayo na ko at kinuha yung bagong hugas na kawali. Medyo di pa tuyo kaya pinainitan ko na sa kalan.
Pintay ko na yung sa fried rice.
Nung natuyo na dahil sa init yung kawali. Nilagay ko na yung mantika.
Bumalik ako doon sa mesa. At kinuha yung mga ulam. Una kong prinito yung hotdog. Next bacon.
Habang nagpriprito, pumasok si ate sa kusina.
"Abah, ano nakain mo??" Tanong niya.
Kumuha siya ng tubig sa water Despenser. Yung warm water lang iniinom niyan pag bagong gising.
Umalis na rin nung di ko pinansin.
Ayan na! Tadaah!
Tapos na. Tapos na kong magluto.
"Ma, kain na tayo" tawag ko kina mama.
"Ate tawagin mo na si Jaycee" utos ni mama kay ate.
"Maliligo lang ako, ma ha" paalam ko. Tumango na siya.
Umakyat na ko sa taas. Nakita ko pa si ate na kumakatok sa kwarto ni Jaycee. Pumasok na rin ako sa room ko. Whooh. Pinagpawisan ako ng onti dun ah. Hahha. Lagot sa akin yan si Jeon. Tignan natin kung gugustuhin niya pa lasa ng luto ko.
Ampalaya pa naman iyon. Di ko pa nilagyang ng magic sarap at onting asin lang din nilagay ko doon.
Para malasahan pa rin ang pait. Haha.
Naligo na ko.
Naka-uniform na ko ng bumaba.
Naghahain na sila.
"Kumain ka na dito, nak" ani mama.
Nakita niya kasi akong pababa ng hagdan. Nandoon na din yubg kapatid ko na si Jaycee. Naka-uniform na rin. Buti naman.
YOU ARE READING
The Three Guys and Me
De Todohi! I'm Leona Mary Kim I'm half korean base on my surname, by the way I'm high schooler. And I have friends,don't need to mention their name here. In my third year in high school I meet three guys name: Jeon Park, the cold one. Leesam Lee, the jerk...