Chapter nine
Lunch date
___________________________
Kainaumagahan...
Maaga akong nagising para magluto ulit ng almusal. Noon si mama ang gumagawa nito. Pero ngayon halos araw-araw ako na. Kahit nung hindi ko na nilulutuan nang lunch si Jeon. Nasanay na kasi akong maaga magising.
"Oh, nak. Nauunahan mo na talaga ako magising ah. Haha" ani mama.
Pano kakabangon niya pa lang ako inaayos na ang mesa. Naluto ko na rin ang para sa lunch ni Jeon. Syempre ngayon simple lang, naaawa na ko kina mama e. Gumagawa kasi ako noon ng masasarap na ulam para kay Jeon, kaya nauubusan agad kami ng groceries, kaya naisip ko simula kagabi na, kung ano ang almusal namin iyon na ang lunch niya.
Eh ang almusal namin ngayon hotdog at sinangag. Pero yung kay Jeon is kanin. Haha. Baka di kumakain iyon ng fried rice e.
"Ma, tawagin ko na si Jaycee ah" paalam ko. Naka-ayos na naman ang mesa. Kakain na lang sila.
Nakasalubong ko pa si ate pababa sa hagdan.
"Jayss! Jays," tawag ko. Kumakatok na rin ako.
"Oh?!" Sigaw niya. Parang bagong gising lang ah.
"Bumangon ka na diyan, tss. Baka ma-late tayo sa school"
"Oo" sigaw niya ulit.
Tss. Akala mo naman di ko naririnig.
Kailangan pa bang sumigaw.
Dumiretso ko sa kwarto para maligo.
Naligo na ko at nag-uniform na.
Pagbaba ko wala pa rin si Jaycee. 'Bagal kumilos' sabi ko sa sarili ko.
"Oh asan na si Jaycee?" Tanong ni mama.
"Pababa na yun ma" pagkasabi ko nun saktong nakita ko na si Jaycee sa hagdan. Bumababa.
"Morning ma" bati niya. Binati niya rin kami ni ate.
Kumain na kami.
After five minutes of eating. Naghanda na si ate para sa work niya.
"Oh, tara na" mama.
Nakasapatos na kami ni jaycee.
"Ate jas, alis na kami!" Sigaw ni Jaycee.
Di na sumagot si ate jas. Baka nga nasa cr iyon at naliligo e.
Sumakay na kami sa car.
Bukas na yung gate para makalabas kami.
Pagkalabas nung car ni mama. Bumaba ulit siya, para isara yung gate ng bahay.
"Ikaw ba Jaycee, napapadpad ka sa building namin??" Tanong ko.
Di ko nakalimutan yung sinabi sa akin ni Zia na nakita niya na raw si Jaycee. E magkahiwalay naman ang building namin.
"Yup, kasama ko yung kaibigan ko" sagot niya.
"Babae ba yan o lalaki??" Tanong ko.
"Wala ka na ron ate!" Sagot niya.
"Jaycee!" May tumawag sa kanya.
"Bye na. Iyon na yung mga kaibigan ko oh" sabay turo doon sa mga tumawag sa kanya.
Tumakbo na siya roon. Umakbay siya doon sa isang babaeng kaibigan din nila.
Kunwari hinihingal. Eh ilang hakbang lang naman ang agwat namin sa mga kaibigan niya.
YOU ARE READING
The Three Guys and Me
Randomhi! I'm Leona Mary Kim I'm half korean base on my surname, by the way I'm high schooler. And I have friends,don't need to mention their name here. In my third year in high school I meet three guys name: Jeon Park, the cold one. Leesam Lee, the jerk...