CHAPTER 13

14 0 0
                                    

Chapter Thirteen

Operation: Pilitin si Jeon

___________________________________

Pagkatapos ng audition na 'yon masaya kong sinabi kina mama na makakasali na ko sa PBB.

Pero sinabi ko rin na fifty-fifty ang chance kasi yung drummer ng banda is hindi pa pumapayag.

"Good luck anak. Kaya mo yang pilitin" si papa. Sinabi ko yun sa harap nilang lahat, kahit si papa na nasa laptop lang namin nakikita.

"Sige po, pa! Gagawin ko ang lahat para mapapayag si Jeon" sabi ko kay papa.

"Oh! Si Jeon pala yang drummer nila e. Dalhin mo dito sa bahay. Lulutuan natin ng masarap na pagkain yan" sabi ni mama.

"Haha, wag na, ma. Kaya ko naman...ako na lang ang magluluto sa kanya" sabi ko.

Tutal lagi ko naman siyang nilulutuan noon.

"Wag na dalhin mo na dito. Siguro sa sabado. Lunch, dito mo siya dalhin"

Tumango na lang ako.

Monday...

Kagabi nagbake ako ng cake birthday kasi ni papa kahapon at iyon ang regalo, naisipan ko rin kasing cake ang ibibigay ko kay Jeon sa unang hakbang ko para makumpleto na ang band namin na sasali sa PBB.

Ang alam ko next week na start ng competition. Kaya kailangan na namin mag-audition.

"Good morning, ma" Bati ko kay mama ng makita kong nasa kitchen siya at naghuhugas ng pinggan at kung ano-ano pang ginamit namin sa pagluto kagabi ng handa ni papa.

Humihikab-hikab pa ko kasi sobrang late na kami nakatulog kagabi.

"Nakaluto ka na ma?" Tanong ko. Habang naka-heads down na dito sa mesa.

"Oo, ihain mo na nga sa mesa" utos ni mama.

Umangat ang ulo ko at tumayo na. Ginawa ko na ang utos ni mama na maghain.

Habang inaayos ko yung pagkain namin nagsibabaan na rin ang mga kapatid ko.

Kumain na kami at ilan sandali lang nag-asikaso na pumasok sa school at trabaho si ate.

"Bye ma!" Paalam ko at mabilis na tumakbo paakyat sa room.

Pag-akyat ko wala pang katao-tao sa room. Dalawang classmate ko lang at ako. Inilabas ko sa bag yung cake na gawa ko at inilagay sa mesa ni Jeon. Dinikitan ko ng sticky note.

Have a good day!

^_^

With smiley pa sa ibaba ng note.

Umupo na ko sa seat ko. Maya-maya lang nagsisidatingan na yung mga iba kong classmates.

Mukhang male-late pa sila. Tukoy ko sa mga kaibigan ko.

Pabalik-balik ang tingin ko sa pintuan at sa upuan ni Jeon. Baka kasi may makealam sa cake na ibibigay ko sa kanya.

After 5 minutes, dumating na rin sila sabay-sabay sina pumasok nina daisy, marky, leesam.

Yung tatlo umupo na sa likod, si Daisy naman tumabi na sa akin.

"WOOOOOOAAAAH! Jeon kanino galing yang cake??" Si Leesam.

Naagaw ang pansin ko ng tatlo.

"Ewan walang pangalan. Sabi lang 'have a good day'"aniya.

The Three Guys and MeWhere stories live. Discover now