CHAPTER 11

21 2 2
                                    

Chapter eleven

Date

________________________

Hays. Tinignan ko na yung closet ko. Meron lang dito is fitted dress. Tapos yung ibang dress masyado ng pambata. Puro jeans kasi ako e.

Hindi kasi ako mahilig mag-dress. Di ako komportable.

Dibale na nga. Yung blue fitted dress na lang na may thin strap.

Tinignan ko naman ngayon yung mga nakasabit na bag salikod ng door closet.

Iba-iba ang bag na nandoon. Merong mga pouches,tapos marami pang iba. Ang bag pack ko nama ay sa likod ng pinto nakasabit. Hehehe.

Magdadala na lang ako ng pouch. Silver ang kulay. Tas may print ng Eiffel tower ng Paris.

Hays. Pagkahanda ko ng mga isusuot ko para bukas, bumaba ako para maghiwa ng pipino  para ilagay sa mata mamaya.

Kumuha lang ako ng two slice then bumalik na ko sa bedroom.

Dim na ang lights sa buong sala. Isang lamp shade lang ang bukas. Tapos sa kusina rin bukas ang ilaw.

Umakyat na ko at nilagay sa mata ko ang pipino.

Hays. Excited na ko.

Bago matulog kagabi inalis ko na yung pipino.

Kringggggggggg....(alarm)

Bumangon na ko para magluto ng almusal. Hobby ko na talaga ito.

Naghilamos muna ko ng mukha sa cr sa kwarto ko. Nagtali na rin ng buhok.

Bumaba na ko after nun.

Magsasangag ako ng kanin at bacon and egg na lang ang ulam namin.

Dinurog ko na yung kanin.

Pagkatapos ko madurog yung kanin. Isinangag ko na yun.

Pagkatapos ko masangag iyon, niluto ko na rin yung ulam.

"Pandesal, pandesal!" Narinig kong dumaan na yung nag bebenta ng pandesal sa umaga.

Lumabas ako para bumili. Sa ibabaw ng ref laging may nakalagay doon na para sa pambili ng pandesal, simula nung ako na ang tagaluto nila ng almusal.

Sakto nakita ko si manong na nagtitinda ng pandesal huminto sa kapitbahay namin. Yung katapat lang ng bahay.

Tumawid ako.

"Kuya pabili nga ng 20 pesos na pandesal" ani ko.

Binigay na sakin ni kuya yung halagang 20 pesos na pandesal.

"Salamat po" bumalik na rin ako sa bahay.

Inilagay ko lang sa muna sa mesa yung pandesal. Maliligo na ko.

Paglabas ko sa kusina, yun naman ang pagpasok niya.

"Hello ma!" Bati ko.

"Morning, nak" bati ni mama.

Dumiretso na ko sa kwarto at naligo.

Malaki ang ngiti ko pagharap sa salamin. Excited na ko mamaya sa date namin ni Marky. First date namin yun.

Pagbaba ko sa baba, ayos na si Jaycee. Kakain na lang kami kasi parehas.

"Good morning, baby boy"  bati ko kay Jays. Hahah

"Good morning, panget" asar niya rin. Haha.

Tinawanan ko lang. Nang-aasar lang yan katulad ng ginawa ko.

The Three Guys and MeWhere stories live. Discover now