INVITING JEON
_____________________________
Nagising ako ng maaga pero ako ang late na bumaba samin ngayon kasi ginawa ko pa ang assignment ko.
Hindi pa kasi pala ko nakaka-abot sa kalahati sa assignment na yun.
Isinave ko na sa flash drive yung assignment ko at agad-agad na lumabas ng bahay para mapaprint na.
Bumalik rin agad pagkatapos.
"Oh san ka galing?" Tanong ni mama ng magkasalubong kami sa tapat ng bahay.
Nagtatapon siya ng trash sa trash can sa labas. May dadaan na kasing mangongolekta ng basuran sa subdivision.
"Ah, nagpa-print lang po dyan" sagot ko.
Sabay na kami pumasok sa bahay. Pero nauna si mama ng very slight lang. Ako na kasi nagsara ng gate.
"Maghugas ka na ng kamay at kumain ka na dyan sa hapag. Nauna na yung mga kapatid mo sayo e"
Timango ako.
"Bilisan mo ha, si Jaycee naliligo na yun." Paalala pa ni mama.
"Sige po, ma" ani ko.
Kumuha na agad ako ng plato, kubyertos at baso. Tinanggal ko ang nakatakip sa ulam.
Naghain na ko sa sarili ko. Mabilis lang ako kumain kasi ayokong ma-late kami ng kapatid ko sa school.
Hinugasan ko na ng mabilis ang kinainan ko at dala-dalawang baitang na ang lakad sa hagdanan.
Naligo at nagbihis na ko ng mabilis.
Patakbo na rin ako pababa sa hagdan hanggang sa makarating sa sala at palabas na sana. "Oh! Ate, hintayin mo ko" si Jaycee.
Nasa kusina at umiinom pa ng tubig.
"Bilisan mo na. Mahuhuli na tayo"
Pumasok na rin ako sa kusina at uminom na rin sa basong niyang kakalapag pa lang.
Ganito ko minsan e. Actually kami lang ni Jaycee ang ganito, umiinom sa baso na kahit ginamit na ng iba.
Basta ba kapamilya namin. Hahah.
Di ko pa naman nata-try uminom sa baso ng iba na hindi namin kapamilya.
Tamad kasi kaming dalawa ni Jaycee maghugas, kaya para onti lang hugasin nagsha-share kami minsan ng baso.
Bwahahaha. O may tipid tips na kayo sa amin. Para sa mga tamad maghugas dyan.
Bwahahaha, ulit.
"Ikaw na maghugas ate ha?" Aniya at agad na aalis na pero hinarangan ko.
"Teka, aber? Bakit ako? Diba ikaw ang unang gumamit nito at ikaw pa kumuha sa lalagyan, hmmm?" pagtataray ko. Haha.
Oh ano sabi sayo pagdating sa paghuhugas, ayaw namin yan.
Tsk tsk tsk.
YOU ARE READING
The Three Guys and Me
Randomhi! I'm Leona Mary Kim I'm half korean base on my surname, by the way I'm high schooler. And I have friends,don't need to mention their name here. In my third year in high school I meet three guys name: Jeon Park, the cold one. Leesam Lee, the jerk...