Chapter 2: Goodbye

60 2 0
                                    


Naramdaman ko nalang na parang bumibigat ang katawan ko at umuubo ako ng dugo... unti unting bumibigat ang mga mata ko pero nilalabanan ko..... masakit mang isipin pero ito na siguro ang katapusan ko....

Nakita ko nalang ang munti kong anghel ay tumatakbo papunta sa'kin. Nararamdaman ko ang mga patak ng luha ni arthur at mga body guards nya na hinahabol ang mga kalaban.

"Angelica anak~ w-wag ka m-mag alala a-aalagaan ka ng m-mabuti ni daddy..." nanghihina na talaga ako. Walang alam si Angelica na nabaril ako. Pero nakita kong binuhat sya ni nanay conching at pinasok ulit sa sasakyan. Binuhat ako ni arthur... hanggang sa unti unti na akong napipikit.

Nararamdaman ko namang sinasampal ako ng mahina ni Arthur pero hindi ko na kaya...
Ito na yung araw na mahihimlay ako sa kamay ni ama.

"Hon, mahal na mahal kita mahal na mahal ko kayo...............paalam" yan nalang ang huli kong nasabi hanggang sa tuluyan na akong napapikit.....

Arthur's POV

"Shit! Gumising ka!" Yan ang sinasabi ko sa kanya.. ayaw tumigil ng luha ko.

Nasa kabilang sasakyan si Angelica at nanay conching. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay Angelica ang lahat. Masyado pa syang bata para malaman at maintindihan.... alam kong matalinong bata si Angelica pero....... hindi ko alam kung kakayanin nya dahil hindi nya kaya na wala ang mommy nya sa tabi nya.

---

Nakarating na kami sa hospital. At dinala na sya sa I.C.U ilang oras na ang nakakalipas pero wala parin...

7:40 pm.

Wala pa rin akong nakikitang Heaven Reeze.  Siguro ay inooperahan pa rin sya. Medyo hindi na maayos ang kutob ko. Pinauwi ko muna sila Angelica at nanay conching sa bahay para makapag pahinga si Angelica. Alam kong hindi nakakatulog si Angelica kapag wala ang mommy nya pero alam kong makakaya nya dahil baka sa simula ng araw na ito ay araw araw kaming dalawa nalang ang  matutulog...

Marami kaming bodyguards at yung kalahati ay nasa bahay namin para bantayan sila nanay conching at Angelica.

At yung iba ay nasa hospital.

9:30pm

Saktong lumabas na ang doctor at agad akong kumaripas ng takbo. Nakita ko sa mga mata nya ang takot at lungkot...

"Doc. Nasan ang asaw ko? Ok ba sya?, success ba yung pag oopera nyo sa kanya?, nakuha nyo ba yung bala?, doc sabihin nyo?!!" Hindi ko na maiwasan ang pagiyak at masigawan  ang doktor. Kinuwelyuhan ko sya at hindi makatitig ng maayos sa'kin.

"I-im s-sorry p-pero hindi na nya k-kinaya." Nung marinig ko yun.... nabitawan ko sya sa damit at agad pinuntahan sa room nya. Nakita ko ang katawan nyang putlang putla. Hindi ko maiwasang umiyak at niyakap ang malamig nyang katawan.

"H-hindi ko alam na ito na ang huling araw na makakausap kita, bakit moko iniwan? Bakit mo kami iniwan?! Ha? Tumayo ka na nga jan! Diba ihehele mo pa si Angelica? Diba ipag luluto mo pa sya nung pancake na paborito nya?! Uyy~ sumagot ka!!!" Umupo ako sa isang sulok at umiyak ng umiyak.

Hindi ko alam na hanggang dito nalang yung masasayang ala ala na'tin. Sana naprotektahan kita... Punyemas yung mga taong pumatay sayo! Ipaglalaban kita. Mahal na mahal ka namin ni Angelica. Magpahinga ka na....

---

Dun ako nakatulog sa hospital at umuwi ako sa bahay namin ng maaga. Nakita kong natutulog si Angelica katabi si nanay conching. May school ngayon si Angelica. Kaya ilang minuto palang ay nagising na sya. Narinig kong bumaba sya sa salas at pumunta ng kusina. Alam ko kung sino ang hinahanap nya. Pero hindi nya alam na ang hinahanap nya ay mahimbing ng natutulog.

Mafia's Daughter (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon