Ilang araw na ang lumipas nananatiling abo parin ang kulay ng mga mata nya at ngayong araw na ito ay ang huling makikita namin ang mommy nya.
Matipid lang magsalita si Angelica sa simula ng malaman nya ang totoo.
Opo,po yan lang ang madalang nyang sagot at minsan ay tumatango at umiiling nalang sya.
Pinaliguan na sya ni yaya Mica dahil ito na yung last day, at pupunta kami mamaya sa sementeryo. Kahit anong gawin mong pagpapatawa ay ni isang guhit sa kanyang labi ay nababaluktot simbolo na nakangiti sya pero nananatili itong blangko.
10:20pm
Nasa sementeryo na kami. At hawak hawak ko ang kamay ni Angelica. Wala paring nagbabago sa kulay ng mata nya.
Nung ibababa na ang kabaong nya sa lupa ay nagsiiyakan na ang lahat pwera kay Angelica na nananatiling tahimik at walang emosyon. Nung tatabunan na ng lupa ay bigla nalang sumigaw si Angelica habang umiiyak.
"Mommy kooo~ wag mo kaming iwaaann~ mommy!!!~ buhay pa si mommy ko!~ daddy~diba gising pa si mommy? Diba daddy matutulog tayong tatlo?! Daddy! Bilis na! Tawagin mo si mommy!~ mommy gising na!tayo ka na dyan! Panoorin mong magluto si daddy ng pancakes! Bilis mommy!~ mommy ko~wag mo kaming iwan!~ saka diba mommy magkakaron pako ng kapatid diba!? Diba mommy? Mommyy ko sumagot ka!!! Mommy ko mahal na mahal kitaa~" sigaw ni Angelica habang naka yakap kay nanay conching. Lahat nalang kami ay umiyak habang nagsasalita si Angelica. Karamihan ay nagtataka sa kulay ng mata nya pero ni isa ay walang nakakaalam.
Walang nagawa si Angelica kundi umiyak habang kulay abo parin ang mga mata. Pagkatapos ilibing ay lumapit ang father samin. Tinitigan nya ang mga mata ni Angelica.
Father: anak. Arthur. Kilala mo ba si Lolo toñio?
Arthur: opo father.
Father: dalin mo ang anak mo sa kanya at sakaling makatulong sya.
Tumango nalang ako. At sinunod ang pari.
Nanatiling tahimik si Angelica habang nakatingin sa bintana ng kotse. Hanggang sa nakarating na kami kila lolo toñio.
Wala gaanong nakapila kaya mabilis ang usad.
Lolo: ay eh kamusta kana arthur.
Arthur: ayos lang po pero gawin nyo ang lahat para malaman kung ano ang problema ng mga mata ng anak ko. Handa akong mag bayad ng malaki lolo.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'kin. Dahil dati pag kumakausap ako ng kahit sino ay may kasamang mura at wala talaga akong galang.. pero mabuti na'to kahit panandalian dahil kasama ko ang anak ko.
Maya maya ay nagsalita na si lolo toñio.
Lolo: alam ko kung ano ang dahilan at ibig sabihin ng mga ito. Alam mo ba arthur na ang pinaglihian ng asawa mo ay Instrument of The goddess nature? Marahil ay nagtataka ka kung ano iyon. Yun ay ang aklat na naglalaman ng mga elemento ng mundo. Itinataglay nito ang tubig,hangin,lupa,at apoy... kung marahil ay nagtataka ka kung bakit madalas ay nagiging asul,kayumanggi,abo,at pula ang kulay ng parehas nynag mata. Iapapaliwanag ko ng mas mabuti sayo arthur.
Tubig:
Ang tubig o kulay asul na nagsisilbing,kapayapaan,kasiyahan,at kagalakan ng loob. Iyan ang makikita mo sa kulay ng kanyang mata kung sya ay masaya.Hangin:
Ang hangin o kulay abo na nagsisilbing
Kawalan, o emptiness, ang ibig sabihin lang nyan ay masyado syang naapektohan sa pangyayari. Pagiging cold o walang pakeelam sa mga bagay bagay na nakapaligid sa kanya.Lupa:
Ang lupa na nagsisilbing kulay kayumanggi.
Tinataglay nito ang kalungkutan,pagka-selos,o maaaring pagkainggit.
BINABASA MO ANG
Mafia's Daughter (TAGLISH)
Teen FictionBakit karamihan sa mga tao. Tinitignan lang ang panglabas na anyo? Bakit hindi nila kayang imulat ang mga mata sa katotohanan. Kundi araw araw kang husgahan? Hindi mo makausap,dahil dala mo ay kapahamakan. Imbis na magkatuwaan ay ikay kanilang kinat...