How to be you po?

282 91 17
                                    

"How to be you po?"

"This story is inspired by the trend 'How to be you po?' in the Philippines, where people ask for advice on maintaining a positive and composed demeanor despite facing personal struggles."

Pagpasok ko sa pintuan ng aming silid-aralan, agad kong inilagay ang aking bag sa tabi ng mesa. Uupo na sana ako sa aking upuan at magso-soundtrip dahil masyado pang maaga para sa klase, nang may narinig akong hikbi mula sa pinakalikuran. Ibinaling ko ang aking paningin doon at nakita si Cole na tahimik na umiiyak sa kanyang upuan.

Nabigla ako dahil si Cole ay kilala sa aming klase bilang masigla at parang walang iniisip na problema. Siya ang nagbibigay saya sa amin sa tuwing kami ay nalulumbay, kaya't ikinagulat ko nang makita siyang ganito—umiiyak, na para bang may mabigat na dinadala.

Dali-dali kong nilapitan siya at tinapik sa balikat niya. "Okay lang iyan, Cole. Sige lang, ilabas mo lang," sabi ko habang nagngingiti upang magbigay ng kaunting ginhawa.

Tinignan niya ako ng diretso sa mata, ang mga luha ay mabilis na pinunasan gamit ang likod ng kanyang kamay. "Hahaha, ano ka ba naman, Laine! Nagpra-practice lang ako para doon sa play natin!" sagot niya na may halong tawa, pero hindi maikakaila ang lungkot sa kanyang mga mata.

Talaga namang mahusay si Cole sa pagpapanggap. Kung hindi ko siya naabutan sa kanyang malalim na pagluha, malamang ay maniniwala akong wala siyang problema.

Ngumiti ako ng taos-puso at pinunasan ang mga natirang luha sa pisngi niya. "It's okay, man. It's okay. Tayo lang naman ang nandito, walang makakaalam. Hindi ko ipagsasabi na umiiyak ka. Just cry. I'm here beside you."

Bumuhos ulit ang kanyang mga luha, at mas lalo pang lumakas ang kanyang hikbi. Nakakapanlumo makita siyang ganito; alam kong malakas ang mga lalaki, at karaniwan ay iiyak lang sila kapag talagang sobrang sakit na ang nararamdaman.

Mga ilang minuto ang lumipas bago siya unti-unting tumahan. Tinabihan ko siya habang tahimik na nakatitig sa dingding ng aming silid-aralan, ang kanyang hininga unti-unting bumabalik sa normal.

"How to be you, Laine? Yung ngumingiti kahit walang problema. Yung tumatawa na walang bigat na nararamdaman," tanong niya, ang boses ay puno ng pag-aalinlangan at pagkalito.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata at binigyan siya ng pinaka-totoong ngiti ko. "To be me is to be yourself. Stop pretending, man. It's okay to be weak. You're human. You have emotions. You're not a robot. Remember that."

Dumating na ang iba naming mga kaklase, kaya't tumayo na ako. Tinapik ko muli ang balikat ni Cole na ngayon ay tila nasa isang mas mapayapa at malalim na pag-iisip dahil sa sinabi ko.

Pages Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon