Prolouge

6 0 0
                                    

Prolouge

"Paalam ate. Mahal kita."

'Yan ang huling salitang narinig ko mula sa kanya. Ang araw kung saan hindi ko na siya makasama muli.

Di ko inasahan ang nangyari. Ilang segundo'y masaya pa siya. Di ko alam na pag alis na pag alis ko ay dun na pala niya ginawa ang gusto niyang gawin.

Si Tyron. Ang kaisa-isahang kapatid ko. Bata pa lang kami ay malapit talaga kami sa isa't isa. Hanggang sa mag college ako ay biglang nawala. Lahat naglaho parang bula. At dahil dun, nawalan ako ng atensiyon sa kapatid ko. Nagkaroon siya ng depression. Dahil sa problema ng pamilya at pati narin sa personal niyang buhay.

Dahil dyan, napunta sa ganitong sitwasyon. Kung alam ko lang talaga, napigilan ko pa sana. Pero hindi eh. Wala. Iniwan niya ako.

Heto ako ngayon sa bahay kung saan ang lamay ng kapatid ko. Oo. Sa bahay. Kung saan siya namatay dun rin ang lamay. Ganda ano? Ha.

Kahit man lang sa sarili nilang anak ay hindi sila sumulpot? Ni kamusta nga wala eh. At mas masakit pa dun ay wala silang pake alam saming dalawa. Oh diba?

"Anak.." Bigla akong napalingon. Si tita Femi. Palapit na siya nung niyakap ko siya. "Tita.. Ba't niya ako iniwan? Kung alam ko lang sana, napigilan ko pa tita. Ang sama kong kapatid. Ni hindi ko man lang siya natanong kung ano nang nangyari sa kanya. Tita.. Ang sama kong ate!!" Sabi ko kay tita kasama sa mga hikbi ko.

"At mas masakit dun tita ay ni sila mama at papa ay wala dito. Pati ba naman kay Tyron ay hindi pagbigyan? Bakit tita? Bakit!!" Hinimas-himas ni tita yung likuran ko. "Hindi ka masama anak. Sadyang may bigay lang talagang nararamdaman si Tyron kaya niya iyo  nagawa. Mabait kang ate kay Tyron, iya. At wag ka nang umasa sa mga magulang mo. Simula pa nung nag highschool kayong dalawa ay nag bago ma ang mga magulang mo."

Bumitaw si tita sa yakap at tinignan ako sa mata, "ang mahalaga ay andito ka para kay Tyron. Maging matatag ka anak." Napabuntong hininga ako at tumingin sa kabaong ni Tyron. Ang himbing niya. Para lang siyang natutulog ng mahimbing. Nanggiligid na naman ang mga luha ko.

Ang bata pa niya. Pero, wala naman akong magawa dahil sa nararamdaman ni Tyron. Ang sama kong kapatid. Ang sama-sama.

Tyron. Ba't mo ko iniwan. Ba't ka sumuko? Biglang umihip ang hangin ng malakas.. "Ate..."

"Tyron?"

From This Moment OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon