*dalawang buwan na ang nakalipas*
Dalawang buwan na rin pala ang nakalipas simula nung nagkaayos kami. Medyo nailang naman kami sa una pero naging kampante naman kami sa isa't isa. Hanggang sa mag patuloy ay naging okay na rin kami.
"Ate, handa na ba yung mga pagkain para mamaya?" Napatanong si Tyler habang abala sa pag-ayos ng mga gamit niya. "Tyler! Ano ka ba, hinay-hinay ka nga. Baka masira yang mga gamit mo." Sabi ni Amanda. Oo. Simula nung nagkakilala sila ay lagi na silang magkasama hanggang sa nauwi sa pagkamahalan nilang dalawa. Natatakot pa nga si Tyler baka magalit si Tyron pero sinigurado ko siya na hindi magagalit yun kasi gusto niyang makita si Amanda na masaya.
"Oo na. Kaya ikaw, umupo ka na lang diyan. O di kaya tulungan mo si Ate."
Sabi niya sabay kuha sa mga gamit at lumabas.May bakasyon kasi kami ngayon. Pupunta kami ng Boracay at doon mag pasko. Heto ako ngayon naghanda ng pagkain para sa byahe namin. Sigurado akong matagal bago kami dadating sa boracay kaya naisapan namin magdala ng pagkain para iwas gastos.
Habang sila Mama at Papa naman ay dun, pinaghandaan lahat ng mga gamit nila. Natapos ko nang iligpit lahat ng pagkain at saktong tapos na rin sila sa paghanda ng nga gamit nila. "Oh, okay na ba kayo anak?"
"Opo mama. Eto na po yung nga pagkain."
"Ikaw iha? Amanda? Handa na ba mga gamit mo?"
Napangiti si Amanda sa sinabi ni Mama. Napangiti rin ako. Mabuti narin naging masaya ulit si Amanda. Sigurado akong sasaya si Tyron kung nakita niyang nakangiti si Amanda.
"Opo tita. Andon na po kay Tyler."
"Hay, kailan mo ba akong tawagin na Mama?"
Namula ang pisngi ni Amanda dahil sa sinabi ni Mama. "Mama naman. Ang bata-bata pa ni Amanda eh." Sabi ni Tyler habang sumali sa usapan.
"Eh nag sabi lang ako anak. Masaya lang talaga akong makita kayong masaya ni Amanda." Napangiti si Mama at hinawakan ang kamay ni Papa.
"Tyler, ingatan mk 'yan si Amanda ha?" Pagsasabi ni Papa kay Tyler na binigyan naman niya ng tango sabay tawa at niyakap si Papa.
"Oh, ano? Tara na?"
Sumang-ayon sila lahat sa sinabi ko at lumabas na sila. "Amanda, Tyler, pwede bang pakidala muna ito. Susunod lang ako ha? May kukunin lang ako saglit lang."
"Sige ate. Tara na Tyler." Kinuha ni Amanda ang mga pagkain at lumabas na silang dalawa ni Tyler.
May idinukot ako sa'king bulsa. Hindi ko pa rin makita kung para saan 'tong susi. Hindi ko kasi mahanap eh. Sinubukan ko ito sa mga pintuan pero masyado itong maliit.
Napabuntong hininga ako. Papaalis na sana ako nang marinig ko ang boses ni Tyron. "Ate..."
Bigla akong napatigil at tinignan kung saan nanggaling yung boses niya. Patuloy lang siya sa pagtawag hanggang sa mapunta ako sa isang sulok. Nasa bodega pala ako. Pero hindi iyong tipikal na bodega. Itong bodega na to ay ginawa ni Tyron bilang isang pagtaguan.
Nakita ko sa ilalim ng gabinete ay may kahon na kahoy doon. Kinuha ko iyon. Saktong kailangan ito ng susi. Bigla kong naalala ang susi na binigay ni Tyron sa kin. Kinuha ko iyon at sinubukan at saktong-sakto siya.
Pagbukas nito ay may sulat, may maliit na laruan at flash drive. Binasa ko yung sulat.
"Ate. Tagal mo namang maghanap eh. Joke lang po. Ate, pag nabasa mo 'to, alam kong okay na kayo nila mama at papa. Alam kong kaya mo ate eh. Kaya mong magpatawad. Kaya mong makinig ng explenasyon. Hindi mahirap diba? Kailangan mo lang talaga ilabas lahat. Ate, mag ingat ka ha? Ito na ang huling sulat ko sa'yo. 'Wag kang umiyak ha? Baka mas lalo kang pumangit. Gwapo kaya kami ni Tyler. Diba? Pero ate, alagaan mo rin si Amanda ha? Paki usap ate, pasayahin mo siya kahit wala na ako. Mag ingat kayo palagi ha? At ate? Kung tatanungin mo ako kung napatawad ko na sila? Oo. Noon pa. Napatawad ko na sila kasi ang bigat sa pakiramdam pag may galit ka. Pakisabi sa kanila ni Mama at Papa na mahal na mahal na mahal ko sila. At ate, yang laruan na yan, para sa'yo yan. Ingatan mo yan ate ha? Ito na ang huling sulat ko ate. Mahal na mahal kita. Paalam ate."
Napangiti ako sa sulat ni Tyron. May banat pa siyang nalaman ha. Kinuha ko yung laruan at niyakap. Tsaka ang flash drive. Pumunta ako sa pintuan. Nilibot ko ang huling tingin at ngumiti. Lumabas na ako at sinarado na ang bahay.
- -
Halos limang oras ang byahe namin sa Boracay. Masaya naman ang byahe namin. Kanta lang kami ng kanta. Pinagtinginnan pa nga ng mga tao pero tuloy pa rin kami sa pag kanta.
Heto na kami ngayon sa pinag tulugan namin. Ang laki sa Hotel na'to. Niligpit ko muna yung mga gamit ko at humiga sa kama. Naramdaman ko ang flash drive.
Napangiti ako sa isang plano. Dali-dali akong bumangon at pinuntahan sila Tyler.
"Tyler, gusto mong manuod?"
"Anong papanuorin natin ate?"
"Basta, tawagin mo sila mama. Dali!"
Napadali si Tyler at tinawagan sila mama at papa. Napatawa kaming dalawa ni Amanda.
"Ate Iya, salamat po ha?" Ngumiti si Amanda.
"Nako, wala na 'yon. Total, para naman kitang kapatid eh. Kaya ikaw? Mag pakasaya ka ha?" Sabi ko habang ginulo ang buhok niya at tumango siya sabay ngiti.
Biglang pumasok sila mama at papa.
Napahingal si Tyler at humiga sa kama."Akala ko naman kung anong nangyaring bata ka. Pinakaba mo kami!"
"Sorry na ma."
"Hou Tyler, tumayo ka nga diyan. Para kang isda diyan eh." Napasimangot si Tyler sa sinabi ni Amanda. Napatawa nalang kami nila Papa.
"Anong gagawin natin anak?" Napakunot noong tanong ni papa. Itinaas ko ang flash drive. "Ano yan?"
"Basta po. Umupo nalang kayo at ako ang bahala."
Pumunta ako sa likuran ng tv at isinaksak ang flash drive. Tumabi ako sa kanila ni Mama at sinimula ko na ang bidyo.
"Magandang araw! Ako po si Tyron Rodriguez."
Lahat kami napangiti. Yung ngiti ni Tyron. Nakakamiss.
- -
BINABASA MO ANG
From This Moment On
General FictionSummary "From this moment on, I will be strong for you, Tyron." Bakas ang kalungkutan ni Iya nang malaman niyang namatay ang kanyang kapatid. Nagpakamatay iyo dahil sa depresyon. Ilang araw ang lumipas simula nang namatay si Tyron. At dahil dito...