Chapter 4
Napa-upo ako sa kama ko. Tumulo lahat ng luha ko. Hinayaan ko lang itong umagos at umiyak lang nang umiyak.
Niyakap ko yung unan ko. "Tyron. Bakit ka naman umalis? Iniwan mo ako tyron. Iniwan mo ako. Bakit? Bakit Tyron." Ang hirap. Bakit kailangan pa niyang umalis? Bakit kailangan niya pa akong iniwan?
"Ate?" Napatingin ako sa pintuan. Andon si Tyler. Nakatayo. Tinignan ako. "Tyler." Tumayo ako at niyakap siya. Niyakap niya lang ako ng mahigpit. "Shhh. Ate... Tumahon ka na." Hinimas-himas niya yung likuran ko. "Bakit anong nangyari ate?" Tanong niya bigla. "Napanaginipan ko na naman si Tyron. At namatay siya. Namatay siya Tyler. Namatay na naman siya." Napahagulgol ako nang malakas. "Bakit kailangan pa niyang umalis?"
"Shhh. Ate. Tahan na."
Ganyan lang yung posisyon namin. Ako nakayakap sa kanya, siya naman, hinimas-himas ang likuran ko. Mga ilang minuto ang lumipas nang huminahon na ako. Basang-basa tuloy yung damit ni Tyler. "Pasensiya ka na, Tyler."
"Okay lang yun ate. Ano? Gusto mong kumain? May niluto kasi si Tita bago siya umalis." Sabi niya habang tinulungan akong mag ayos. "Umalis si Tita?" Napatingin siya sa akin at tumango.
"Bumili lang po siya ng mga kailangan sa kusina ate. Napansin kasi niya na wala na tayong gulay. Kaya lumabas siya at bumili."
Lumabas ako sa kwarto at sinundan ako ni Tyler. Gabi na rin pala. Ilang oras pala akong nakatulog. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig.
Naalala ko na naman yung insidente. Yung sinulat ni Tyron. Dala-dala ko iyon lagi. Kinuha ko iyon at tinignan. Halos kunot na rin ito.Binigay ko iyon kay Tyler. "Sinulat 'yan ni Tyron bago siya namatay." Binasa iyon ni Tyler at bakas sa mukha niya ang lungkot. Dumiretso ako sa hapagkainan at kumain doon. Sumunod naman si Tyler. "Ate, tanggap mo ba ako?"
Natigil ako sa pag kain. Napatingin ako sa pinggan ko. Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Bumuntong-hininga ako at tinignan siya. "Bakit naman hindi? Kapatid kita eh. Masaya nga ako kasi andito ka na. Hindi na ako nag iisa." Ngumiti ako sa kanya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko.
"Patawad ate. Patawad dahil wala ako nung kinailangan ni Tyron ng karamay. Patawad ako wala ako nung araw na nawala siya. Patawad."
"Okay kang 'yun. Ang mahalaga ay nandito ka na. Magkasama."
At doon sa gabing 'yon ay naging masaya ako. Masaya dahil nandito na si Tyler sa tabi ko.
- -
"Tita. Pa'no kapag babalik na sila mama at papa dito?" Tanong ko kay tita habang nakatutok sa laptop ko.
"Makakaya mo ba anak? Makakaya mo bang makita sila? Mapapatawad mo ba sila ng oras?"
Napayuko ako. "Hindi ko rin alam tita." Napasandal ako sa upuan at tumingila.
Naalala ko si Amanda. "Tita. Pwede bang lumabas saglit? May pupuntahan lang po ako." Napangiti si tita ng malaki."Oo naman anak. Mag ingat ka ha?" Dahil don, dali-dali akong umakyat at naligo. Nang matapos na ako ay nagbihis na ako. Napatingin ako sa orasan at alam kong may pasok na sila Tyron sa ganitong oras.
Lumabas ako sa kwarto ko. Pero bago ako makaalis ay tinignan ko muna si Tyler. Napatawa akong ng mahina. Para talaga siya si Tyron kung matutulog.
"Tita, kung hinahanap po ako ni Tyler, paki sabi nalang po na may pinunatahan lang po ako ng saglit."
"Oh sige, anak. Mag ingat ka ha."
Umalis na ako at saktong may taxi sa labas. Pinara ko iyon. "Manong, sa St. John University po."
Halos wala pang limang minuto ay naka dating na ako sa skwelahan. Agad akong nagbayad at bumaba na. Ang laki talaga ng St. John.
Nilibot ko ang buong skwelahan at tumanong kahit sino kung kilala ba nila si Amanda Reyes. Halos sila hindi alam kung sino siya. Tanong lang ako ng tanong hanggang sa nakita ko siya.
Saktong umupo siya. Nilapitan ko siya, "Amanda?"
Napatingin siya sa kin, "Ate Iya? Anong ginagawa mo rito?" Teka. Ba't kilala niya ako? "Ba't kilala mo ako?"
"Palagi ka kasing sinasabi ni Tyron sa'kin eh."
Tyron? Amanda? "Ikaw si Amanda Reyes?" Napangiti siya. "Opo. Ako po iyon."
"Pano kayo nag kakilala ng kapatid ko?"
Bumuntong-hininga siya at nagsalita.
- -
Nang matapos siyang magsalita ay tumulo yung luha niya. Nalaman kong naging sila pala ni Tyron. Apat na taon na rin pala ang lumipas nang maging sila. Pero naudlot iyon ng mismo si Tyron ang nag putol ng relasyon nila. Hindi alam ni Amanda kung bakit. Tatanungin niya sana daw Tyron nang nalaman niyang wala na siya.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa nalaman. Naalala ko yung sulat. Kinuha ko iyon at binigay sa kanya. "Para sa'yo, Amanda. Sinulat ni Tyron."
Tinignan ito ni Amanda at kinuha. "Mauna na ako, Amanda." Nginitian ko siya at umalis na ako.
Pumara agad ako ng taxi palabas. Hindi ko alam na meron palang nobya si Tyron. Apat na silang taon nito pero di man lang niya pinakilala sa'kin.
Pagdating na pagdating ko biglang nanikip ang dibdib ko sa nakita. Ba't sila nandito? Bakit?
"Ma? Pa? Anong ginagawa niyo rito?"
BINABASA MO ANG
From This Moment On
General FictionSummary "From this moment on, I will be strong for you, Tyron." Bakas ang kalungkutan ni Iya nang malaman niyang namatay ang kanyang kapatid. Nagpakamatay iyo dahil sa depresyon. Ilang araw ang lumipas simula nang namatay si Tyron. At dahil dito...