Chapter 6

1 0 0
                                    

Chapter 6

Dumating na kami sa 7/11. Napatawa ako sa expresyon sa mukha ni Tyler. Nakasimangot ito. "Ate, akala ko naman kung sa'n tayo pumupunta."

"Eh, sa dito gusto makipagkita yung kaibigan ko eh." Tumawa nalang ako nang napasimangot muli si Tyler. Kinuha ko yung selpon ko at tinawagan si Amanda. "Hello, Amanda? Andito na kami."

"Sige ate. Malapit na po ako."

"Pumasok na nga lang tayo, Tyler."

Pagkapasok namin, nagkatinginan kami ni Tyler. Napangiti kami ng malaki at dumiretso kami sa bayaran. Saktong walang lumilinya. "Kuya, dalawang slurpie po. Yung pinakamalaki." Sabay namin sabi ni Tyler. Napatawa kami. Tinignan kamk ni Kuya. "64 po lahat ma'm." Nilabas ko yung pera ko at binayaran lahat. Pagkabigay sa'min ng baso ay dali-dali kaming pumunta sa isang silid na nandun ang slurpie. Humanap na kami nang maupuan. Pagkaupo namin ay napabuntong hinga kami. Ang sarap sa slurpie. "Ang saraaaap!" Napatango lang ako at patuloy nang uminom.

Maya-maya'y dumating si Amanda. Pero napatigil siya nang nakita niya si Tyler. "Tyron?"

"Amanda, andito ka na pala. Halika. Umupo ka muna."

Pinaupo ko siya. Nakatitig pa rin siya kay Tyler. "Gusto mo nang slurpie?" Tumango lang siya. Titig na titig pa din kay Tyler. Si tyler naman, hindi naging kampante sa ginawa ni Amanda. Tumayo ako at ginawa ang ginawa namin kanina ni Tyler. Nagbayad muna ako at kumuha na nang slurpie.

Nang natapos ko na ay bumalik na ako dun sa inupuuan namin. "Amanda oh. Slurpie mo." Napatingin sa'kin si Amanda. "Salamat ate."

Umupo na ako. "Ano nga pala ang sasabihin at ibibigay mo sa'kin, Amanda?"

"Ay opo. Sandali lang po."

May kinuha siya. Napansin ko yung sulat ito. Pero may kinuha siyang maliit na box.

"Nabasa ko na po lahat ang sulat. Pero may parte po yun para sa inyo." Binigay ni Amanda sa'kin yung sulat. "Ate sino nga pala yung ipapakilala mo?"

Biglang kong naalala. "Amanda, siya si Tyler. Kambal ni Tyron." Nanggiligid ang mga luha ni Amanda. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ni Tyler. Nagulat siya sa kanyang ginawa at inalis ang kamay niya. "Pasensya ka na ha? Naalala ko kasi si Tyron sa'yo eh."

Umiling si Tyron sa kanya, "Okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman. Pwede mo bang isabi sa'kin kung ano siya sa'yo? Ako nga pala si Tyler." Inabot niya ang kanyang kamay. Dahil sa ginawa ni Tyler ay tinanggap niya ito. "Amanda Reyes." Ngumiti sila sa isa't isa. "Sa'n mo gusto magsimula?"

"Kahit saan." Sabi ni Tyler habang nakangiti. Dahil abala sila sa paguusap ay binasa ko yung sulat.

"Ate. Kung mababasa mo 'to, alam kong wala na ako. Pasensya ka na ate ha. Hindi ko na kasi kaya. Pero, wag kang mag alala. Kahit sa'n banda kang pumunta, palagi akong nasa tabi mo. 'Pag nabasa mo 'to, sigurado akong nakilala mo na si Tyler. Opo ate. Kilala ko na siya. Pasensya ka na ate ha. Kung hindi ko man lang sinabi sa'yo. Patawarin mo ko ate. Maging masaya ka ate ha? Lahat ng ala ala natin ay palaging naka tatak sa puso ko. Mahal kita ate. Sobra. Ate, kung gusto mong malaman kung pinapatawad ko na sila mama at papa, nasayo na 'yan para malaman. Sa ilalim na sulat na 'to ay may susi. Mag ingat ka ate ha? Mahal kita. Paalam ate. Mahal kita."

Napaiyak ako sa sulat ni Tyron. Alam niya? "Tyler, alam pala ni Tyron?" Tanong ko sa kanya ng diretso.

Napatigil si Tyler sa kanyang ginawa, " 'Wag kang magalit ate, ha?"

Tumango ako. "Opo.. Nung unang buwan pa lang." napasapo ako. Unang buwan? Pero sa puntong 'to, hindi ko magawang magalit sa kanya. Ano namang magagawa ko? Andito naman siya eh. "Nabasa ko na lahat, Amanda." Ngumiti ako sa kanya. Binalik niya yung ngiti. "Ate, wala sa'kin yung susi na sabi ni Tyron eh." Naalala ko yung susi. "Nasa akin, Amanda. Pasensya ka na. Nakalimutan kong ipasok ulit."

Ngumiti siya. "Okay lang po 'yon." Kinuha niya yung box at inabot sa'kin, "Ate sa'yo yan. At ito naman.." may kinuha siyang isang maliit na kahon at ibinigay iyon kay Tyler. "Ay para sa'yo. Plano ko kasing ibigay yan sa kanya eh. Kaso, wala na siya." Biglang nalungkot ang kanyang mukha. Pero umiling siya at kinuha yung slurpie niya. Itinaas niya ito, "Para kay Tyron."

Dahil alam ko kung anong gagawin niya ay itinaas ko rin ang slurpie ko kasabay kay Tyler at itinungga namin iyon. "Para kay Tyron."

Kumain lang kami nang kain hanggang sa nauna nang umuwi si Amanda. Hanggang sa naisipan namin na umalis na rin.

Lakad lang kami nang lakad. Nagpag usapan rin namin ang nakaraan namin. Nalaman ko ring palagi pala siyang binubugbog sa kumupkop sa kanya. Biglang kumirot ang dibdib ko sa nalaman. Kung hindi lang sana kami pinamigay nila, masaya sana kami ngayon.

Isang liko na lang ay malapit na kami. "Ate salamat ha? Salamat sa lahat lahat." Sabi niy saka tumingala sa langit. Maganda ang gabi ngayon. Lumabas ang buwan at kumikintab ang mga bituin.

"Oo naman. Kapatid kita eh. Andito lang ako ha?" Niyakap ko siya. Ngayon ko lang napansin mas matangkad siya sa'kin. Taga balikat lang kasi ako eh.

Nang makarating na kami, biglang gumuho ang mundo ko sa nakita ko.

- -

From This Moment OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon