Chapter 1
" Ate Iya, anong ginagawa mo diyan?" Sabi ni Tyron. Tyron? "Hoyyy ate!" Hinanap ko yung boses niya. "Tyron? Asan ka?"
"Andito ako ate!" Napatingin ako at andun nga siya. Tumakbo akong lumapit sa kanya, "andaya mo, hindi mo man lang ako hinintay ah!" Patawa kong sabi. Ngumiti siya. Yung ngiti niya, payapang tingnan. "Eh, kanina pa akong tawag ng tawag sa'yo eh."
"Asan ba tayo? Ang ganda dito ah!" Sabi ko. Napatingin ako sa kanya. "Ate tubig oh-!" Parang ilang segundo nang may narinig akong pumutok. Napatingin ako sa dibdib ni Tyron ng may dugo ito. Biglang bumagal ang oras. Ayaw akong palakarin ng mga paa ko. Ginawa ko ang makakaya ko at tumakbo sa kanya.
"Tyron! 'Wag kang bibitaw ha. Gumising ka. TULOOOONG!" Tumutulo na ang mga luha ko. Pabaling-baling akong humingi ng tulong. Walang mga tao. "TULOOONG! TULONGAN NIYO KAMI!" Sigaw ako ng sigaw pero wala pa rin. Hinawakan ni Tyron ang kaliwang kamay ko.
"Ate, wag na.. Okay lang ako ate." Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti. "Hindi! 'Wag sumuko Tyron. Please! 'Wag mo kong iwan!" May luhang pumatak sa mata niya at ngumiti ito. "Paalam ate. Mahal kita."
"Tyron! Please 'wag! Tyron!"
- -
" 'Nak. Gumising ka. Iya." Napamulat ako ng tinawag ako ni Tita. Isang panaginip. Pero bakit parang ang totoo? Si tyron? Bakit parang nangyari iyon sa totoong buhay? Bakit? "Pina-kaba mo ko iha." Napahawak si Tita sa dibdib niya. Nakonsensya ako bigla. "Sorry po. May napanaginipan lang po ako."
"Halika na't handa na ang almusal. Baba ka na agad ha?" Sabi ni Tita at lumabas. Bumangon ako at tumingin sa kwarto ni Tyron. Oo. Sa kwarto na ako ni Tyron natutulog. Halos mag isang buwan na rin pala simula nung namatay si Tyron. At dahil ako nalang mag isa sa bahay ay dito na rin tunira si Tita. Simula nun, sinamahan niya ako dito sa bahay. Siya lang. Mga magulang ko? Wala pa rin.
Tulala akong napatayo sa kama at pumunta sa banyo para maghilamos. Halos napatalon ako ng makita ko ang repleksiyon ko. Haaay. Simula nun, nasa bahay lang ako palagi. Nakakasawa kasing lumabas. Palagi kang tinatanong sa mga nangyari. Ayoko nang ibalik ang nangyari kaya nag kulong ako sa bahay.
Napabaling ang mga mata ko sa bahay, ang dilim. Napansin ko rin bihira nalang akong magbukas ng bintana at curtina. Napabuntong hininga ako. "Ate..." Sa di kalayuan ay nakita ko si Tyron. Nakatitig lang ito sa'kin. Diretso sa mata. Akmang yayakapin ko siya ng bigla siyang naglaho. "Ate..." Naglaho siya. Napatingin ako at hinanap siya.
Napabuntong hininga ako. Imahinasyon ko lang pala. Pumunta ako sa kusina at umupo. Ang sarap ng pagkain. Pero napalitan iyon ng lungkot ng naalala ko nung kami lang dalawa ni Tyron ang kakain. Sobrang saya naman non. Nakakamiss lang.
Kinuha ko yung sinangag nang magsalita si Tita, "Anak, gusto mo bang lumabas?" Tugon ni tita habang naka titig sa phone niya. Napatigil ako sa pagsandok. Napaisip ako. Siguro oras na rin para makapaghinga ako ng maluwag. Tumingin ako kay Tita. Napabuntong hininga ako. "Sige po, Tita. Para naman po makapag-isip rin ako ng maayos. Nakaka pagod ring mag mukmok dito sa bahay." Napatawa ng mahina si Tita. "Oh siya. Kumain ka na diyan. Mamaya na tayo lalabas." Tumayo si Tita dala-dala ang kanyang mga kinain.
Kumain lang ako nang kumain. Gutom na gutom talaga ako. Tumayo at pumunta sa ref para mag kuha ng tubig. Nang mabuksan ko iyon ay may nahulog na papel. Pinulot ko iyon at biglang nasaktan ang puso ko sa nakita ko. "Patawad ate. Hindi ko na kaya." Nanginginig ang buong katawan ko.
"Tyron. Bakit? Ba't mo ginawa 'yon? Sana sinabi mo naman para matulungan kita." Hindi ko na kinaya. Napasandal ako sa ref at napaiyak lang nang iyak. Hawak na hawak ko pa rin ang papel. Tyron.
Sumubsob ako at yumuko. Nakakaumay. Nakakawalang gana ng mabuhay. Wala ka na ngang kasama, at tanging kapatid mo nalang ang kasama, bigla pang nawala. Parang nawalan na akong mabuhay dito sa mundo. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
Bigla kong naalala na meron pa kaming lakad ni Tita. Napahinga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. Binulsa ko yung papel at saka tumayo. Medyo nanghihina ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa lamesa.
Pumunta ako sa kwarto ko at naligo na. Halos mga 30 minutos akong nasa banyo. Walang kibo kundi pinaagos ang tubig kasama ang luha ko. Ang sarap palang umiyak pag nasa banyo. Walang nakakarinig sayo. Walang makakakita.
Nang natapos kong ginawa ang mga ginawa ko ay agad akong nagbihis. Hindi ko alam kung sa'n kami pupunta ni Tita pero wala akong choice kundi sumama para naman mahimas-himasan tong nararamdaman ko.
Ilang minuto lang ang lumipas at natapos agad ako. Inayos ko na yung mga gamit ko at bumaba. Nakita kong naka bihis na si Tita. Mabuti pa si Tita. Haaaay. Gusto ko maging tulad niya. Kahit sa anong hirap, nakaya niya pa rin.
Iniwan kasi si Tita ng asawa nito. At dahil dito namatay ang kanyang nag-iisang anak na si Dante. 10 years old palang ito nang masagasaan ito ng truck. Akmang biglang naging mabilis ang mga oras dahil sa pagkamatay ng anak niya ay yung din ang huling araw na makikita niya ang kanyang ina. At mas masaklap pa, biglang naagaw ang kanilang lupa at napunta ito sa kapatid ni Tita na, kung anong husto, ay may pusong bato.
"Okay ka na ba?" Pangiting sabi ni Tita. Yung totoong ngiti. Napangiti ako ng pilitan, "Tara na po." At lumabas na kami ng bahay. Pagkalabas namin ay saktong may taxi at pinara niya ito. "Manong, sa St. Francis Memorial park po." Napatingin ako sa kanya. "Gusto kong bisitahim siya, iha. Nami-miss ko kasi siya." Nanggiligid ang luha ni Tita pero umiling siya at ngumiti. Ngumiti ako ng palumanay.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Malayo-malayo ang St. Francis Memorial kaya natulog nalang ako sa biyahe.
"Anak. Gumising ka na. Andito na tayo." Napamulat ako ng mata. Tumingin ako at nakarating na nga kami sa destinasyon namin. Binayaran ni Tita yung driver at lumabas na ako. Sinundan ako ni Tita. Lumiko ako kasi dun naka libing si Tyron. Pero nagulat ako nung may lalaking naka upo doon.
Halos kasing-laki lang ito ni Tyron. Nang makalapit kamj ay halos magulat ako.
"Tyron?"
- -
"Tyron?"
Napatitig ako sa kanya. Kamukhang-kamukha niya si Tyron. Tinignan ko si Tita, pero parang hindi siya gulat nang makita niya ito.
"Sorry po. Hindi ko po alam na darating po pala kayo." Diin niya. Tumingin siya kay Tita, "Sige Tita, aalis na po ako." Imbes na si Tita ang sumagot, pinigilan ko siya. "Sandali. Pwede ka bang manatili muna?" Napatingin ako kay Tita, napangiti ako. Tumanga lang si Tita saka ngumiti.
"Sige po." Napa-upo siya ulit at napayuko. "Sino ka nga pala? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Nalilito ako. Kamukhang-kamukha niya si Tyron. Napatingin siya kay Tita. Tumango lang siya. "Ako nga po pala si Tyler. Kakambal ni Tyron."
Teka. Ano? Kakambal?
"Ano?Kakambal?"
- -
BINABASA MO ANG
From This Moment On
Ficción GeneralSummary "From this moment on, I will be strong for you, Tyron." Bakas ang kalungkutan ni Iya nang malaman niyang namatay ang kanyang kapatid. Nagpakamatay iyo dahil sa depresyon. Ilang araw ang lumipas simula nang namatay si Tyron. At dahil dito...