Chapter 10

1 0 0
                                    

Chapter 10

Yung ngiti niya. Abot langit. Napangiti ako.

"May isang taong nagtanong sa'kin kung ano ba daw ang isang bagay na importante sa'kin? Simple lang naman. Kaso, hindi sila bagay. Tao sila. At yun ay yung pamilya ko. Bakit? Isa silang biyaya na binigay ng Diyos sa'kin. Sila ang nagturo sa'kin kung anong tama at mali.  Kahit malayo man kami sa isa't isa, alam kong ang pagmamahal namin ang nagpatibay sa relasyon naming lahat. Kahit hindi man kami nagkausao, alam kong nagmamahalan kami."

"Saan naman sila?" May nag tanong kay Tyron sa bidyo.

"Si ate? Ayon nagtatrabaho. Alam mo ba na masipag siya? Oo. Masipag yun. Marunong magunawa. Mapagmahal. Mabait. At sila mama at papa? Andun sa Canada. Kahit malayo man sila, alam kong uuwi rin sila para makasama kami. Si Tyler naman, ayon, gwapong-gwapo sa sarili. Hahaha. Eh syempre, kambal kami eh. Mahal ko ang pamilya ko. Sobrang mahal. At alam ko rin, balang araw, magkaayos kaming lahat. Walang galit, walang problema. Parang isang masayang pamilya. Kasi ang pamilya mo lang naman ang nandiyan sa'yo nung wala ang iba. At higit sa lahat, minahal ka nila ng buo. Kaya ate, ma, pa, ler, kung nakikita niyo 'to, gusto ko lang sabihin sa inyo na mahal ko kayo. Sobrang mahal. Kaya ngumiti kayo ha? MAHAL KO KAYO!!"

At tumigil ang bidyo sa ngiti ni Tyron. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Sadyang tumulo lang ito ng kaniya. Pero hindi ito ang luha sa lungkot kundi luha dahil sa saya. Kasi nakita ko ang totoong ngiti ni Tyron. Ang totoo niyang ngiti na abot langit.

Dahil gabi na rin, naisipan naming matulog na. Pumunta ako sa kama ko matapos maghilamos. Grabe. Ang lambot sa kumot. Tumingala ako sa taas at napaisip. Siguro kung hindi ako nagpatawad ay hindi sana mangyayari 'to. Kaya sobrang pasalamat ko nang binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon para magpatawad.

Ilang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin ako maka tulog. Tumayo ako at pumunta sa balconahe. Ang ganda ng buwan. Ang ganda rin ng kalangitan.

Naalala ko yung araw na labing-isang taon palang kami ni Tyron. Nasa taas kami ng kisame noon. Tinitignan namin yung mga bituin. Ang saya namin non kasi kasama namin sila mama. "Ate balang araw, maging bituin rin ako!" Napangiti ako sa alaala. Napabuntong hininga ako.

"Panginoon, salamat po sa lahat. Kung kasama niyo pi si Tyron, paki sabi po na mahal ko siya. Sobrang mahal. Salamat po dahil naging okay rin kami. Salamat po sa biyaya niyo. Salamat po sa pamilya ko dahil binigay niyo sila sa'kin. Salamat po sa lahat. Dahil kung 'di dahil sa inyo, malabo po itong mangyayari."

"Tyron, kung saan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana wala nang sakit nararamdaman mo. Sana maayos ka na. Sana malaman mo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Sobra Tyron. Sobrang laking pasalamat ko sa'yo sa lahat. Mahal na mahal kita."

Napangiti ako ng biglang may kumintab na bituin. Alam kong si Tyron iyon at alam kong pinaalam niya sa'kin na masaya na siya.

- -

From This Moment OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon